Chapter 8

89 6 1
                                    

              Chapter 8

Jeniz's Pov

"Teka bakit nandito tayo. Kanino bahay 'to?" Napatingin si Sheila kay Harold. Rinig ko bulungan ng magpinsan.

"Sa kaibigan ko."

"Sa kaibigan mo? Bakit kasama ako?" takang anong niya.

"Kasi may kailangan siya sa'yo." Sabay turo ni harold sa akin.

"Kailangan! Bakit ako! Ano ba ang kalokohan ginawa mo?"

"Ang sama mo."

"Kilala na kita." Lumapit ako sa kanila dinig na dinig ko nagtatalo ang magpinsan. Napatingin sila sa akin ang seryoso ni Harold.

"Salamat nakarating kayo." Napatingin lang siya akin.

"Pasensiya na sa istorbo?" mahina ko sabi.

"Kinakabahan ako sa inyo ang seryoso niyo Kc di ba ikaw si Jeniz 'yong player sa volleyball." Tumango na lang ako

"Tara na nga nagugutom na ako. "Sabay hila ni Harold kay Sheila.

"Grabe ka pagkain talaga pinunta mo rito."

"Pareho na rin 'yon." Pumasok na kami. Nakasunod ako sa kanila.

"Oh, may bisita ka pala." Napalingon ako sa Mama ko. Hindi ko sinabi kay Mama  na may bisita ako ay dahil kilala naman niya si Harold.

"Tamang-tama magugustuhan mo 'to alam ko paborito mo 'to." Nakangiti pa si Harold

"Ang dami ko makakain nito .Da best talaga si Tita Jenny.

"Hoy, pinsan nakakahiya ka," mahina sabi ni Sheila.

"Parang anak ko na 'yan si Harold." Napatingin lang si Sheila sa amin.

"Oh siya kumain na kayo habang mainit pa 'to sinigang ko. Ako'y mauna na sa inyo." Napatango na lang ako. Umalis na si Mama kami na lang natira rito. Kuya ko may Work rin sila.

"Daan-daan naman Harold. Mauubusan." Natawa ako kay Sheila kanina pa niya binabara si Harold. Ang takas.

"Madalas  ba siya dito."

"Lagi 'yan sinigang na baboy hinahanap niya,"sabi ko kay Sheila. Nang matapos na kami kumain napatingin si Harold sa akin. Hindi ko alam paano ko sisimulan. Bago ko sila niyaya sa labas. Niligpit ko muna kinainan namin.  Nauna na sila sa labas na pasunod ako sa kanila. Nang bigla tumutunog ang cp ko may nagtext. Pagbukas ay galing kay George . Binasa ko ang messages niya sa akin.

Messages:

George: "Hi!"

"Sino 'yan?" Nagulat ako ng lumapit si Harold sa akin.

"Si George," sabi ko.

"Ano plano mo. Sasabihin na ba natin sa pinsan ko."

"Nahihiya ako," mahina ko sabi kay Harold.

"Gagi ngayon pa ba? Nandito na tayo."

"Hoy ano ba problema niyo?
Mukha seryoso 'yan. Talaga pabulong pa. Hello andito kaya ako." Napatingin ako bigla kay Sheila

"May sasabihin ako saiyo, makinig ka muna ah! 'Wag ka magreact. Sabihin muna ito na ang tamang oras."

"Ikaw na nahihiya ako," mahina ko sabi kay Harold.

"Ano ba 'yan." Napatingin tingin sa amin si Sheila. Kinakabahan na ako. Base sa mukha ni Sheila nakasalubong na ang dalawang kilay.

"Ikaw na harold." Pagkukunbunsi ko kay Harold.

Ultimate Barkada Series-Series #6-Textmate(George and Jeniz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon