Chapter 19
Jeniz's Pov
"Nagulat naman ako sa'yo," sabay hampas ko kay George.
"Seryoso mo kasi. Nagparada tayo kanina, hindi mo man lang ako pinansin. Nagtatampo na ako sa'yo, Jeniz. Busy ka sa mga kasama mo—sa akin, hindi!"
"May tinatanong lang sila sa'kin," sabi ko sa kanya.
"Paano mo naman ako mapapansin, eh sa iba ka nakatingin. O, ito oh, magmeryenda ka muna—kanina ka pa riyan. Seryoso mo kasi, sigurado na 'yan, mananalo kayo," sabay abot niya sa akin ng burger at bottled water.
"Salamat."
"May lagnat ka ba?" Hinawakan ni George ang noo ko. Nagulat ako sa ginawa niya.
"Teka, anong ginagawa mo?"
Napasimangot ako at napaharap sa kanya."Eh kasi, nagulat ako sa'yo. Hindi ka bad trip ngayon sa akin."
"Ah," sabi ko lang.
"Ito na, hindi na kita aasarin. Anong oras laban niyo?" Seryoso ang mukha ni George habang nakatingin sa akin.
"Maya-maya, magsisimula na," sabi ko sa kanya.
"Good luck."
"Ikaw din mamaya sa laro niyo, galingan mo, George."
"Sana andun ka." Seryosong pagkakasabi ni George sa akin.
"Kung hindi sabay ang laban natin."
"Hindi 'yan. Mamaya pa kami—hapon. Manood ka, ha?"
"Oo na, ang kulit mo rin. Sige na, tawag na ako," paalam ko sa kanya.
"Dito lang ako manonood sa'yo. Atsaka andito na rin sina KC, Edz, at buong barkada!" sigaw ni George.
Napahinto ako. Nakita ko ang mga kaibigan ko—kanya-kanyang suporta. Nakasuot sila ng blue t-shirts na may nakasulat na “Go Idol Jeniz!” Natawa ako sa kanila. Napatingin ako kay George—nakasuot din siya ng blue shirt. Nakonsensya ako. Iniiwasan ko kasi siya simula nang makilala niya si Sheila, a.k.a. Jeckz.
"Jeniz, good luck!" sabay-sabay na bati nila. Napalingon ako sa kanila habang isa-isa silang nagsilapitan.
"Salamat guys, sa suporta. Naiiyak ako sa sobrang saya."
"Oh siya, punta ka na do'n," sabay hila ni George sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya—muntik na akong mapayakap sa kanya.
"Teka, okay na ba kayo?"
Tawang-tawa si Harold nang lumapit ulit sa amin."Sige na, tawag na ako ni Coach."
Sobrang kabado ako. Ewan ko ba, sa tagal ko nang naglalaro ng volleyball, ngayon lang ako kinabahan. Siguro dahil andito si George. Ngayon lang ako naapektuhan nang ganito.George’s Pov
Nanood na kami ng laro ni Jeniz. Kitang-kita ko ang kaba niya. Ngayon lang ako naging seryoso sa panonood ng laro niya. Dati kasi, sumasama lang ako pero hindi ako nakafocus—panay tingin ko sa iba.
"Oh, si Jeniz na ang naglalaro!" sigaw ng ilang lalaking nasa likuran namin. Napalingon ako sa kanila. Mukhang type nila si Jeniz, tawa pa sila nang tawa. Gago, mga mokong na 'to. Akala nila palalapitin ko si Jeniz sa kanila. Magdusa sila. Lahat sila nagsisigawan.
"Wow, ang galing ni Jeniz!"
Isa pa 'tong katabi ko—ang sarap upakan. Lalaki na 'to, nakakabuwisit naman."Lamang na nga sila!" sigaw pa ng isa sa mga kasama nila.
"Ang galing mo, idol!"
Napatingin ulit ako sa likod, pati mga kaibigan ko, napatingin na rin sa kanila."Grabe, ang daming fans ni Jeniz," pabulong na sabi ni Jhun sa akin.

BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series #6-Textmate(George and Jeniz)
RomanceUltimate barkada series Series#6-textmate(george and jeniz Most impressive ranking #586 in adventure see all ranking Out of 128k stories Character Ultimate barkada series Series#1-heartbroken(mike and cherry Series#2-hates(ray and...