Chapter 47

78 5 0
                                    

        Chapter 47

George's Pov

"Oh! George bakit  nandito ka? Ok ka na ba?" Napaharap ako kay Mhyco.

"Wala na ako ginawa sa bahay kain tulog, ok na ako. Sa katunayan kanina pa kita tinatawagan hindi mo sinasagot tawag ko."

"Tumawag ka?" Nabingi naman ako kay Mhyco sigaw talaga.

"Nakacharges cp ko. Hindi ko napansin. Bakit?" seryoso niya na  tanong sa akin.

"Kasi gusto ko kausapin ang pinsan mo. Sabi kasi sa akin ni Roxanne pinsan mo si Gary."

"Bakit?"

"Gusto mo siya kausapin George?"

"Gusto ko lang magpasalamat sa kan'ya. Puwede ba Mhyco?" Tumawa lang si Mhyco. Tangina lalaki na 'to tawanan ba ako.

"Oh siya, tara?" Sabay tayo niya napasunod ako kay Mhyco. Nalito ak tangina pinagttripan niya ba ako.

"Bakit diyan punta mo?" Tangina sa tapat lang kasi nila kami. Pinagloloko ba niya ako.

"Di ba gusto mo makausap si Gary."

"Oo, pero bakit diyan punta mo?" Tumawa si Mhyco.

"Parehong-pareho kayo ni Jeniz ganyan na ganyan mukha niya ng malaman niya magkatapat lang kami ni Pinsan.

"Ito bahay niya." Sabay turo niya.
Nagulat ako. Kapitbahay niya si Mhyco. Paano nangyari lagi  naman kami nandito kila Mhyco.

"Siraulo ka. Hindi ko nga siya nakikita rito. Madalas kami sainyo tapos sasabihin mo bahay nila 'yan." Tumawa ng pagkalakas si Mhyco. Kanina pa ito tawa ng tawa.

"Madalas kasi wala siya rito kapag nandito kayo. Mabarkada kasi 'yan si Gary." Napalingon kami ng bigla bumukas ang gate   si Gary  nga lumabas mukhang may lakad base sa suot niya. Nagkatinginan kami. Mukhang  nagulat din siya ng makita niya ako.

"Oh pinsan aalis ka?" 

"Oo sana, ano ginagawa niyo  rito?" Napatingin sa akin si Gary sa akin.

"Gusto ko makausap ka, kung puwede?" sabi ko sa kan'ya. Muli niya ako tiningnan. Tahimik lang siya.

"Maiwan ko kayo." Sabay tapik ni Mhyco sa akin. Napatingin ako kay Mhyco. Iniwan talaga ako.

"Tuloy ka?" Napatingin ako sa kan'ya. Pinapasok  niya ako sa loob. Malaki ang bahay ni Gary at maganda siya. May mga bulaklak sa harapan.

"Maupo ka muna pare. Kukuha lang ako makakain natin. Ano gusto mo maiinom?"

"'Wag na! Hindi naman ako magtatagal." Tumingin lang sa akin si Gary.

"Pasensiya na may lakad ka."

"Wala naman may pupuntahan lang." Sabay upo niya. Napaupo na rin ako.

"Gary, salamat."

"Saan?" Seryoso nakatingin si Gary sa akin.

"Sa pag-aalaga mo kay Jeniz." Tumawa si Gary sa sinabi ko.

"Hindi mo kailangan sabihin 'yan. Gagawin ko ano man ikakasaya ni Jeniz. Alam mo george, siraulo ka. Sinaktan mo 'yong tao nagmamahal sa'yo. Kung nagkataon naging kaibigan ko agad si Jeniz. Binugbog na kita. Ang tanga-tanga mo pinakawalan mo siya. Pero gano'n pa man ramdam ko na mahal niyo pa rin isat-isa. Hindi na ako natatakot iwanan siya. Sana 'wag mo siya lolokohin. Congrat pala balita ko nagkabalikan na kayo ni Jeniz. Susunod na sasaktan mo siya. Hinding-hindi ka na makakalapit sa kan'ya ay dahil aagawin ko siya sa'yo." Napatingin ako kay Gary ibig sabihin may gusto siya kay Jeniz.

"Salamat Gary, may pakiusap ako sa'yo 'wag mo iwan si Jeniz." Napakunot noo ni Gary napatingin sa akin.

"Ano ibig mo sabihin?"

"Babalik ako sa ibang bansa at may aasekasuhin ako mahalaga. Alam muna hindi pa ako graduate."

Kailan alis mo?"

"May 1 week  pa ako Gary. Salamat nga pala sa tulong mo."

"Ah 'yon ba? Ok lang 'yon. Kaibigan ka ng pinsan ko atsaka nakita ko kung paano mag-alala sa'yo si Jeniz. Hindi ko siya kayang pabayaan. George, hindi ako nakikialam sainyo. Pakiusap sana 'wag mo siyang sasaktan. Tama na na minsan pinaiyak mo siya. Sana naman manindigan ka na George 'wag kang duwag." Saabay tapik niya sa akin.

"Mahal mo ba siya?" sabi ko sa kan'ya. Napatingin si Gary sa akin. Mukhang hindi niya inaasahan itatanong ko sa kan'ya. Lalaki ako alam ko kung may feeling siya sa isang tao. Tumawa si Gary sa akin.

"Iyong totoo George aaminin ko. Mahal ko siya. Hindi siya mahirap mahalin. Naging masaya ako kasama siya. Nakita ko paano siya nasaktan kaya hindi ko kaya   maamin sa kan'ya. Kasi ayaw ko magkasira ang pinag-samahan namin pero sa ngayon nalaman ko na ang totoo. Wala ako laban sa'yo. Kasi alam ko mahal ka pa rin niya hanggang ngayon. George ang suwerte mo sa kan'ya.
Mabait, mapagmahal,  maalaga at higit sa lahat masaya kasama. Kung pinunta mo rito kung aagawin ko siya sa'yo.  Hindi mangyayari 'yon. Dahil alam ko mahal ka niya. Sana George 'wag mo bigyan na malisya kung ano man pagkakaibigan namin hanggag doon lang 'yon magkausap man  kami o magkasama. Hindi naman mahirap mahalin siya."

"Salamat sa lahat sa mga araw na wala ako. Ikaw nandiyan sa tabi niya. Salamat sa lahat na pagiging mabuti kaibigan."

"Siguro nakatadhana na maging magkaibigan kami. 'Wag ka magpasalamat kasi naging mabuti rin siya kaibigan sa akin at higit sa lahat naging masaya ako nakilala ko siya. Kaya George usapan lalaki 'to ha! 'Wag na 'wag mo siya sasaktan ulit. Dahil ako makakalaban mo at kukunin ko siya ulit sa'yo.

"Alis na ako. Ito talaga pinunta ko. Salamat."  Napasunod si Gary sa akin.

Di ba may lakad ka pa! Dito muna  ako sa pinsan mo. Madalas kami  rito magbabarkada. Hindi man lang kita nakikita." Tumawa ulit siya sa akin.

"Alam ko. Minsan tinatamad ako lumabas kapag-alam ko may bisita si Mhyco. Minsan wala ako nasa barkada. Minsan kapag si Roxanne ang nadalaw kay Mhyco. Hindi puwede wala ako. Lagi kami magkasama tatlo. 'yon lang Bihira na kami magkita simula ng hindi na kami magkasama  sa iisang school. Nakakamiss din si Roxanne hindi ko na siya madalas nakakasama kasi may boyfriend na ubod ng seloso.

"Ikaw pala tinutukoy ni Roxanne na bestfriend niya." Naalala ko na! Madalas ka niya kinikuwento sa akin. Bestfriend ko rin 'yan si  Roxanne.

"Parang may  spark maagaan ang loob ko sa kan'ya."

"Magkaiba lang George. Palaban si Roxanne.  Si Jeniz ay  sumusuko na agad

"Oh kayo dalawa mukha magkasundo." Nakalapit na pala si mhyco sa amin.  Hindi niyo nga ako napansin. Nasa harap niyo na ako.

'"Wag kang maingay diyan ka, sabi ni Gary. Sige pare alis na ako. Umalis na mga si Gary.

"Saan punta mo pinsan?" Tsismoso talaga  isang ito.

"Hayaan mo na 'yan Mhyco para
magkakalove life' yan."

"Tama ka George ingit lang 'yan si Mhyco."

"Loko. Tara na nga." Yaya ni Mhyco  kay Gary.

"Babalik na kasi ako sa ibang bansa."

"Ano?" Napakamot si Mhyco.

"Kakabati niyo pa lang ni Jeniz."

May importante ako aayusin. Kasama ko si Rod."

"Kaya naman pala nagpaparty kayo kasi aalis ka na."

"Kailangan Mhyco pero babalik ako."

"Hindi mo kailangan sabihin. Paulit-ulit lang salamat. kampante na ako iwan si Jeniz kay Gary. Alam ko masaya si Jeniz kasama si Gary. Nagpaalam na ako sa kanila.

Ultimate Barkada Series-Series #6-Textmate(George and Jeniz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon