Chapter 24
George's Pov
"Pare, hindi ka ba sasama sa amin may lakad ang barkada ha?" Napatingin ako kay Emz.
"Hindi pare Emz, dito na lang ako kayo na lang," sabi ko na lang.
"Sumama ka na, kami na bahala rito." Napatingin lang ako kay Mike.
"Si Mike na nagsabi sa'yo pasko naman eh! Sige na nagyaya si Mhyco libre niya." Ang kulit naman ni Emz.
"Sige na George makinig ka sa amin ni Mike 'wag kang magdrama riyan. Hindi mo ba talaga mapatawad si Jeniz 3 month na." Sabat ni Ray.
"Puwede ba ayaw ko pag-usapan 'yan." Napasigaw ako sa kanila kakaiinis kasi ang kulit nila. Kaya nga ako andito para makalimot tangina naman oh! Makiramdam naman sila. Ako 'yong naloko.
"Bahala ka riyan. Tara na kung ayaw niya. 'Wag pilitin," sigaw ni Jhun na paharap sa akin. Napatingin lang ako sa kanila.
"Tara na hinihintay na tayo nagtext na si Edz tayo na lang hinihintay." Napatingin si Emz sa akin.
"Tayo na lang hinihintay nila. Ano sama ka?"
Pangkukunbinsi ni Emz sa akin. Napatingin ako sa kanila. Hindi pa rin ako nagsasalita."Alam mo pare, move on na. 'yan ba gusto mo gawin iiwas ka sa mga kaibigan mo dahil sa inyo ni Jeniz. Pinapakita mo na talunan ka. Ikaw nagpapalayo sa kanila. 'Wag mo idamay ang galit mo sa iba. Kaibigan mo rin sila. Sige na sumama ka na sa kanila." Seryoso napatingin si Mike sa akin. Lumapit din si John napabusangot nakaharap sa kan'ya.
"Alam mo George, tama si Mike mag-enjoy ka na man. 'Wag kang oa riyan talo mo pa babae kung magdamdam. Tangina palibhasa happy love niya. Sabagay tama sila natahimik ako ng bigla ako
hilahin nila Emz at jhun para makasama sa kanila. Wala ako magawa sumama na ako sa kanila."Basta bukas do'n kami sainyo magpapasko George ha!" sigaw ni Mike sa amin.
'Wag ka na komontra wala ka kasama sainyo. Lahat sila sa Paraiso tawang-tawa si Mike. Napatingin lang ako sa kanila.
"Ok lang, basta ba magdala kayo pagkain," sabi ko sa kanila. Tinawanan lang nila ako.
"Sige na alis na kayo." Pagtataboy ni Mike. Nagulat ako sabay hila ni Emz aa akin. Napasunod na lang ako sa kanila. Tama sila kailangan ko harapin mga kaibigan ko. Umalis na kami. Si Emz nag-drive habang nasa kotse tangina mukha nila tawang-tawa.
"Oh bakit natatawa kayo?" sabi ko sa kanila.
"Ang arte mo sasama ka lang naman pala eh! di ba Jhun pinahirapan pa tayo."
"Magdrive ka na riyan." Tawang-tawa pa ang mga mokong namiss ko sila.
"Oh andito na pala tayo. Mukha nagkakasayahan na sila." Napalingon ako sa sinabi ni Emz.
Bumaba na kami napatingin ako sa dalawa nag-uunahan maglakad ng nakasalubong namin si Jeniz at Harold nagkatinginan kami mukhang aalis na sila. Andito pala sila sabi ko sa isip ko. Napatingin ako sa barkada at muli napatingin kila Jeniz at Harold na kayuko na si Jeniz nang lumapit si Emz sa kanila."Aalis na kayo?" Napatingin si Jeniz kay Emz. Tahimik lang ako nakatingin sa kanila. Napansin ko mukhang pumayat si Jeniz.
"May gagawin pa kasi ako Emz, sige mauna na kami," mahina sabi ni Jeniz.
"Maaga pa kadadating lang namin."
"May pupuntahan pa kasi ako. Pasensiya na. Sige alis na kami," sabi ulit ni Jeniz.
"'Wag pilitin kung ayaw nila." Sabay alis ko kanila. Pumasok na ako sa loob habang ang dalawa nakasunod lang sa'kin.
"Andiyan na kayo," sigaw ni Roxanne. Napatingin lang ako sa kanila.
"Nakasalubong namin si Jeniz at Harold." Sabay lapit ni Jhun kay Roxanne.
"Binigay lang nila 'yong regalo." Ttahimik lang ako nakikinig.
"Ito pala 'yong para sa amin." Sabay bigay nila Emz at Jhun. Ako lang walang dala. Wala naman ako balak pumunta sana kung hindi lang ako pinilit ng dalawa ito.
"Oh bakit ganyan mukha mo Jhun?" sabi ni Roxanne sa kan'ya. Napalingon ko kay Jhun nakasimangot ang mokong.
"Akala ko kumpleto tayo lahat eh! Bakit umalis kaagad sila." Pabulong pagkasabi ni Jhun kay Roxanne narinig ko naman ang usapan nila.
"Ewan ko ba kay Jeniz. Nalulungkot na nga ako sa kan-ya. Minsan tahimik na lang hindi nagsasalita. Mukha kasi narinig niya usapan namin kanina kasama niyo si George pupunta dito. Siguro 'yon ang dahilan kaya siya agad umalis. Tangina ako pa pala dahilan kung bakit umalis si Jeniz. Ako pa nagmumukhang kontrabida.
"Anong usapan 'yan na kayo lang dalawa nakakaalam." Sabay lapit ni tin sa amin.
"Bukas kila George tayo." Tawang-tawa si Jhun sinabi niya.
"Pasko bukas ha! Paano 'yan hindi ako puwede." Seryoso sabi ni Roxanne.
"Ako rin hindi puwede." Sabat ni Tin. Napatingin ako sa mukha nila Emz at Jhun nakasimangot. Mukha nahalata ni Roxanne. Napahiling pa kasi si Roxanne.
"Ganito na lang pagkalipas ng pasko maaga pa lang nando'n na kami..c
'Yan gusto ko sa'yo love." Sabay yakap ni Jhun kay Roxanne
Natawa si tin sa kalokohan ni Jhun."Kumain na tayo.
Ang drama mo." Sabay tawang-tawa si Mhyco napasunod lang kami."Mukha masarap ito," sabi ko.
"Kailan pa ako nagluto hindi masarap. Alam ko naman favorite mo 'yan Roxanne." Napatingin ako kay Jhun. Iyong mukha hindi mapinta tawang-tawa lang si Roxanne
"Anong okasyon at nagyaya ka sa amin," mataray sabi ni Roxanne.
"Wala gusto ko lang magpasalamat kasi tinanggap niyo ko maging parte ng kaibigan niyo." Napakunot noo sinabi ni Mhyco ang babaw naman dahilan niya.
"Drama pa more." Tawang-tawa sabi ni Roxanne.
"Totoo 'to. Ikaw lang ang kaibigan ko at bestfriend pero hindi mo pinagkait sa amin ang mga kaibigan mo."
"Drama mo Mhyco." Sabay batok rin ni Dolandz kay Mhyco.
"Excited lang si Mhyco paulit-ulit na lang." Pang-aasar ni Roxanne.
"Nabusog kami rito Mhyco sa uulitin." Pasarin ni Roxanne.
"Basta ikaw Roxann. Hindi na nakatiis si Jhun.
"Walang ganyanan Mhyco akin lang si Roxanne. Tawang-tawa si Mhyco napahawak pa sa tiyan. Natawa na rin ako 'yong mukha kasi ni Jhun nakasalubong dalawang kilay. Tawang tawa ang barkada..
"Oh siya alis na kami." Sabay hila sa amin ni Jhun. Tawang tawa kami napasunod sa kan'ya. Napahiling na lang ako. Tangina nagpunta kami rito para sa pagkain. Pagkatapos namin kumain nagyaya na sila umuwi.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series #6-Textmate(George and Jeniz)
Storie d'amoreUltimate barkada series Series#6-textmate(george and jeniz Most impressive ranking #586 in adventure see all ranking Out of 128k stories Other rankings #614 teen out of 116k stories #669 action out 113k stories #651 funny out of 87.4k stories #4 ult...