Chapter 4

102 7 0
                                    

           Chapter 4

George's Pov

Text Messages:

"Hi Jeck, kumusta araw mo?" Una bungad ko sa text ko sa kan'ya. Ganito lagi namin ginagawa ni Jeck araw-araw nangangamustahan.

"Ito po ok lang po, ikaw po?" Ang galang naman nito. Minsan hindi ko magawa magmura sa bawat text niya. Ang hirap magmura sa taong magalang. Ilang beses ko na sabihin na hindi na niya kailangan mag opo. Magkaedad lang naman kami. Pero hinayaan ko na lang kung ito ang ikakasaya niya. Masaya naman ako nakakatext siya sa araw-araw. Minsan naiimagine ko na parang ang bait niya.

"Ok lang, ang saya ko nga eh," sabi ko sa kan'ya. Masaya naman talaga ako eh! Kahit na asar na asar si Jeniz sa akin. Pero hindi ako natitiis ng isang iyon. Si Jeck ang tangging sandalan ko kapag may problema ako.

"Bakit naman po?" Natawa ako sa reply niya.

"Kasi katext kita?" Ewan ko ba kung bakit iyon ang nasabi ko.

"Diyan na naman ang banat mo po." Tinawanan ko na lang si Jeck ang cute kasi niya. Parang si Jeniz lang katext ko. Minsan talaga naguguluhan na ako ang lakas ng imagination ko si Jecks at Jeniz ay iisa. Pero alam ko naman ang number ni Jeniz.

"Totoo ang sinabi ko, kailan ba tayo magkikita?" Iyon na lang nasabi ko. Matagal ko na gusto siya makilala.

"Basta po malapit na?" Andiyan na naman siya sa malapit na. Pero inabot ng limang taon.

"Kailan 'yon?" Pangngungulit ko sa kan'ya.

"Ang kulit mo rin. Paghanda na po ako."

"Sige na nga! Maghihintay ako kapag handa ka na. Sana naman 'wag mo naman patagalin. Kailan pa kita mamemeet kong wala na tayo rito sa campus. Malapit na tayo magtapos di ba sabi mo graduating ka na." Iyon na lang ang nasabi ko sa kan'ya. Lahat na lang kasi pakiusap ko hindi naman niya napapansin ko. Ang dami kasi dahilan.

"Hindi naman kasi ako maganda?" Andiyan na naman siya sa palusot niyo. Ewan ko ba kung ano- ano alibi niya.

"Ako nga rin kaya. Paano kung hindi ako guwapo iiwas ka?" sabi ko sa kan'ya.

"Baka ikaw umiwas sa akin." Ano raw. Natampal ko mukha ko.

"Grabe ka naman hindi ako gano'n. Mapanghusga ka," sabi ko sa kan'ya.

"Sige na goodnight na may pasok pa tayo bukas."

"Matutulog ka na agad!"

"May gagawin kasi ako bukas, kailangan maaga ako." Napakunot noo napatingin ako sa phone ko.

"Anong gagawin mo?"

"Night." Nalintikan na naggoodnight na si Jeck. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Ganyan naman siya kapag ayaw niya sagutin ang tawag ko. Matawagan ko nga si
Roxanne. Siya lang naman ang makakausap ko ng maayos. Si Roxanne ang bukod tanging pinagkakatiwalaan ko maliban sa mga kaibigan ko pasaway. Bata pa lang magkasama na kami ni Roxanne at Emz.

"Hello?" mahina sagot ni Roxanne. Sabi ko na gising pa isang ito.

"Gising ka pa?" sabi ko sa kan'ya.

"Oo, dahil sa tawag mo. Bakit ba tawag ka ng tawag gabing-gabi na." Nailayo ko phone ko sa lakas ng boses ni Roxanne. Mukha wala sa mood isang ito.

"Ang aga pa kaya," sabi ko sa kan'ya para mawala ang inis niya.

"Maaga ka riyan 11pm na kaya." Mataray niya sabi. Ngayon ko lang napansin kung bakit ako binabahan ni Jecks. Napatingin ako sa orasan. 11 pm na pala hindi ko napansin ang oras.

"11 pm na pala kaya naman pala nag-goodnight na sa akin si Jeckz," sabi ko sa kan'ya.

"Katext mo siya?" sabi ni Roxanne sa akin.

"Oo kanina. Bago kita tinawagan."

"Ano sabi ko sa'yo?" Hala! Nangyari sa kan'ya. Nag-iba ang boses niya. Tsismosa rin isang ito.

"Wala eh! Ang dami pa rin baka sakali."

"Loko ka tinawagan mo ako riyan dahil sa kutob mo. Ano ka ba George bukas ka na magkuwento antok na ako. Gabing-gabi na. Bakit kasi hindi si Jeniz ang kausapin mo tungkol diyan sa kutob mo."

"Ayaw ko nga sabihin no'n lakas ng imagination ko. Hindi 'yon aamin."

"Ewan ko sa'yo matutulog na ako."
Binabaan ako ayaw ako makausap. Mangyari sa mga kausap ko ngayon. Makatulog na nga rin. Nilagay ko na phone ko sa ibabaw ng table. Nang may nagtext sa akin. Agad ko kinuha phone ko. Tiningnan ko kung sino nagtext.

"Goodnight." Napakunot noo ako napatingin kanina pa siya naggoodnight.

"Goodnight agad. Gising ka pa?" sabi ko sa kan'ya.

"Gising ka po?" Natawa ako sa reply niya.

"Hindi kasi po ako makatulog."

"Bakit naman?"

"Andito kasi po 'yong pinzan ko. Ang ingay-ingay."

"11pm na kaya?" sabi ko sa kan'ya.

"Nagpatulong po ng assignment ang pinsan ko. 11pm na pala hindi ko lang napansin."

"Ang talino mo siguro ha."

"Hindi naman po."

"Bukas mo na lang kaya gawin 'yan may pasok pa bukas.

"Hindi puwede po bukas nila ipapass atsaka tapos na rin ako."

"Ikaw lang ang gumawa."

"Kaanina pa po ako tapos, konti kuwentuhan lang po kami."

"Andiyan pa ba pinsan mo?"

"Oo po dito na rin sila, gabi na kasi kung uuwi pa sila."

"May kasama pinsan mo?"

"Opo."

"Sino?"

"Kaklse niya po."

"Babae ba?"

"Hindi po lalaki sila."

"Ano? Akala ko babae kasama mo."

"Ah bakit naman po. Bawal ba?

"Oo, bawal lalaki."

"Selos ka. Mababait po sila. Kilala ko mga kaibigan ng pinsan ko. Ok po sila kasama.

"Matulog ka na. Gabi na! Goodnight.

"Goodnight," sabi ko sa kan'ya. Gabi na rin kasi. Bigla ako nainis ng malaman ko may kaibigan siya lalaki. Talaga sinabi niya ok kasama mga kaibigan ng pinsan niya. Ilang beses ko na sinabi sa kan'ya na willing ako makipagkita sa kan'ya pero ang dami niya baka sakali. Kakainis tapos sa akin ayaw niya makipagkita. Ang dami niya dahilan. Hindi lang niya sabihin ayaw niya talaga makipagkita sa akin. Tapos sa mga kaibigan niya lalaki kikipagkuwentuhan pa siya. Nahagis ko phone ko sa inis. Makatulog na nga. Baka sakaling mawala ang inis ko. Naiinis lang ako ang tagal ko na siya katext. Ni minsan hindi ako nagreklamo sa kan'ya pero hindi niya ako pinagbigyan. Tangina 5years ko na siya katext. Hay ewan. Sa inis ko. Natulog na ako.

Ultimate Barkada Series-Series #6-Textmate(George and Jeniz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon