Chapter 35

83 6 0
                                    

              Chapter 35

Mike's Pov

"Bakit kayo nandito? Ano na  balita kay George?"Tanong ni  Roxanne

"Oh! Bakit ganyan ang mukha niyo sumagot naman kayo Emz. Ano na ba balita kay George." Paulit-uit na sabi ni Roxanne. Lumapit ako  kay Roxanne. Tangina ang hirap ipaliwanag sa kanila.

"Sinamahan ko sila rito, kasi nakausap ko si George doon muna  siya mag-aaral at nagpatulong na rin ako sa kanila para mapabilis ang  pagtransfer ni George," mahina ko sabi kanila. Iyong mukha nila gulat na gulat sa sinabi ko.

"Ano dahilan? Bakit siya umalis? O baka naman totoo sinasabi nila Harold gumanti lang si George kay Jeniz. Totoo ba? Ang sabi niya sasamahan lang niya si Coleen." Napatingin ako seryoso kay Roxanne.

"Hindi ko rin alam Roxanne, wala sinabi si George. Sige mauna na ako sainyo aayusin ko muna 'to? Nagpaalam na ko sa  kanila. Hindi ko alam ano masasabi ko sa kanila. Nagmadali ako  pumunta sa office ng makasalubong ko si Jeniz at Harold.

"oh kuya Mike. Ano ginagawa mo rito?" tanong ni Harold
napahinto ako. Tiningnan ko si Jeniz ang tahimik niya nakatingin sa akin. Hndi ko alam paano sa sabihin ko 'to sa kan'ya. Mas lalo masasaktan siya kapag nalaman niya ito.

"May aayusin lang ako." Iyon lang nasabi ko. Tumango lang sila sa sinabi ko.

"Ok ka lang ba?" sabi ko sa kan'ya. Tinawanan lang ako ni  Jeniz napaharap sa akin.

"Anong tanong 'yan Kuya Mike syempre ok na ok ako. Kung iniisip niyo na affected pa ako sa kan'ya. Ok na ako Kuuya Mike. Nakakunot noo ko napatingin kay Jeniz.

"Sorry sa nagawa ng kaibigan ko.," sabi ko sa kan'ya.

"Ano ka ba Kuya Mike bakit ka nagsosorry. Tapos na 'yan. Nakaganti na siya sa amin.
Hindi ko na 'yan iniisip." Sabay tawa ni Jeniz.

"Sige Kuya Mike. Alis na kami malalate na kami
Medyo mahigpit ang prof. Namin.

"Sige ingat ka lagi." Napatingin lang ako kay Jeniz habang papaalis sila. Kung Alam mo lang Jeniz bakit ginawa ni George lahat 'to para sa'yo 'to lahat. Umalis na rin ako.

Jeniz's Pov

"Ano kaya dahilan bakit nandito si Mike?" Napatingin ako kay  Harold.

"Aba! Malay ko
tinatong mo sana kanina." Sabay hirap ko kay Harold.

"Ito naman pilosopo."

"ilosopo ka riyan .
Ako pa kasi tinatong mo magkasama tayo." Natawa si Harold bigla. Naglakad na kami papalapit  sa  room namin ng may narinig kami nag-uusap na mga istudyante.

"Narinig ko na nagtransfer na pala si George," sabi nong babae nakatalikod.

"Totoo ba 'yan?" sabi naman ng isang kasama nilang bakla.

"Oo  bakla
sabi sa ibang bansa na raw mag-aaral."

"Bakit naman umalis si George. Ang guwapo pa naman niya. Lumapit si Harold nakinagulat ko ginawa niya doon sa mga studyante nagchichismisan.

"Wala ba kayo klase. Tinatawag na kayo ng iba niyo kasamam andiyan na prof. niyo hindi 'yong chismis agad. Umagang-umaga."

"Suplado naman nito. Makaalis na nga tayo," sabi no'ng babae. Makapagtaray naman hindi naman bagay.  Natawa na lang ako sabay lapit ko sa kan'ya.

"Bakit mo ginawa 'yon."

"Mga chismosa kasi. Totoo kaya 'yong balita." Napakunot noo na lang ako sa kan'ya

"Ang alin?"

"Si George?"

"Ano naman kung do'n na siya? Alam naman natin di ba! Umalis siya sumama sa girlfriend niya.

Ultimate Barkada Series-Series #6-Textmate(George and Jeniz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon