Chapter 8 - Promenade

164 4 1
                                    

Narrator

Isang linggo na ang nakakaraan ng ginawang bampira ni Kia si Gio. Marami ng nagbago.

Hindi na sya nagnanakaw o kumukuha ng pera sa mg kurakot na senador. Hindi na rin nya ito ipinaalam kay Gio.

Dahil sa pagiging bampira ni Gio, hindi na sya maaaring maexpose sa araw dahil mapapaso sya nito. Hindi na din sya makakakain ng pagkain ng tao. Maputla na din ang kanyang mga balat at gaya ng mata ni Kia gray na din ito.

Pero sa tulong ng kapangyarihan ni Kia nagagawa nya paring maging normal.
Gaya ng kanyang balat na ngayon ay maputla, nagiging kulay tao na ulit ito sa pamamagitan ni Kia.

Kaya nya ding maexpose sa araw sa pamamagitan ng UV barrier na si Kia lang ang nakagagawa.

Ang mga mata nya, sa pamamgitan ng enerhiya nya ay kaya nyang baguhin ang kulay ng mata nya.

Masaya si Gio sa pagiging bampira nya. Lagi na silang magkasama ni Kia. Sa katunayan nakatira na si Gio sa apartment ni Kia kailangan kase yun para sa kaligtasan ni Gio.

New born pa lang si Gio, agresibo pa ang katawan nya kaya dapat pa syang bantayan ni Kia.

Kia's POV

Daig ko pa ang may alagang bata kay Gio. Poging bata. Chos! Lage ko syang binabantayan at sinasanay idepensa at gamitin ang kakayahang nakuha nya sa pagiging bampira.

Di ko sya sinasanay uminom ng dugo. Baka lalo syang maging agresibo. Mahirap na.

May announcement sa bulletin board kanina. May prom daw na magaganap. Sa Sept. 18, 20**. Ayoko sanang dumalo. Pero kailangan ko yun baka yun na din ang last na prom na dadaluhan ko.

Fastforward

Ready na kame para sa prom. Ang date ko syempre walang iba kundi si Gio. Ayaw nya akong ipapartner sa iba e.

Modern Youth ang theme ng prom.

Ang stylist namin si Leticia, bampira sya pinagkakatiwalaan namin sya nina grandpa. Sya ang tumatahi ng mga kasuotan at nag aayos samin tuwing may okasyon. 45 yrs old na yun pero ang katawan at mukha nito ay nasa 23 yrs old lang kaya ang ganda pa nya.

Sa prom,

Sakay kame ng bmw ni Gio pinahiram samin ni grandpa. Si ka nestor ang drayber bampira din ito. Drayber yan ng pamilya namin. Sobra syang loyal kay grandpa kaya wala kaming problema dyan.

Tumigil na kame sa isang luxury hotel sa manila dun kase ang function hall. Para namang awards night ang peg may red carpet na sasalubong sayo paglabas ng kotse.

Syempre unang bumaba si Gio, gwapo nya talaga ngayon di ako magtataka kung sya ang maging prom king. Inalalayan nya akong bumaba. Then nilahad nya ang braso nya at naglakad na kame.

Pagpasok namin nagtitinginan samin ang mga tao. Grabe kakahiya naman. Si Gio napakaseryoso ng itsura. Kaya ako din actually lagi naman e. Poker face ang peg.

Bago magsimula, nagspeech muna ang Pres. ng school then ang mga teachers at sa MC. At pagkatapos ng nakakaboring na yun. Ibinigay na ang hudyat,

"Enjoy the party tonight. Let the party begins!!!" -MC.

Hiyawan ang mga students. The hell di bagay yung hiyaw sa mga outfit nila. Haha.

Tumugtog na ang music disco sound pa naman kaya nagtingin muna ako sa mga foods. Ayoko namang sumayaw para akong abno dun. Sa sweet corner ako nagpunta mga candies, chocolates ang nandun. Hay nakakawala ng gana. Ayokong magkakain ngayon.

Wait nasan nga pala si Gio, iniwan ako ng loko na yun a. Di ko sya maramdaman. Yae na nga sya malaki na sya.

Nasa table na ako ng biglang tumigil ang music, nagpalit ito. Yung trumpets na tunog naging One Call away ni Charlie Puth. Sweet na ang sayaw. Marami ng nagsasayaw na couples.

"Nasan na kaya yang Gio na yan naturingang date ko hindi naman ako isinasayaw!!" -bulong ko sa sarili ko.

Pag ako nainis uuwi na lang ako. Nako nanggigigil ako. Maya maya pa may cute na papalapit sakin, tumigil sya tumingin ako sa kanya w/ my signature blank face. Nabasa ko sya gusto nya kong isayaw.

"Miss pwede ba kitang isayaw?" -cute guy.

Tutal wala naman si Gio makikipagsayaw na ako. Ibibigay ko na ang kamay ko ng biglang nakuha ni Gio ang kamay ko at nagsabi,

"Sorry bro but she's my date and my girl." -sabi nya kay cute. Hindi naman umangal si cute at umalis na.
Ngiting ngiti na naman ang loko.

Pero infairness kinilig ako dorn. Haha.

"Ms. Beautiful can i have this dance?" -gio w/ matching kindat ha.

"K!" -i replied.

Pakipot mode si ateng haha.
Pag apak namin sa dance floor nag iba ang music naging lucky ni michael buble ang kanta. Naks naman.

Sinasabayan nya. Sh*t ang ganda ng boses. Kainis. Ngumuso sya kala ko gusto nya ng kiss yun pala tinuturo yung monitor. Pagtingin ko lumabas yung mukha nya.

May video sya at kanina lang yun, eto pa rin kase ang suot nya e. Nagplay yung video, nanood na din yung iba.

"You are the most beautiful and gorgeous woman tonight (wink)!" -gio.

Yan ang nasa video nag ayieeh naman ang lahat. Nekekekeleg nemern. Hihi. Kaya nginitian ko sya at nagwika,

"Thank you. Nambola pa!" -ako. Sabay hampas sa dibdib nya.

"Lalo na ngayong ngumiti ka." - gio.

Bangag talaga tong si Gio anebe. Hahaha. Di na ako umimik at baka mapasayaw ako ng nae nae. Haha.

Mortal Vampire (BTS Fanfic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon