Chapter 22 - With my Boss

91 1 1
                                    

Chase's POV

Maaga pa lang mainit na ang ulo ko sa mga tao dito sa coffee shop. Wala palang stock ng kape dito. Pano pa to tatawaging coffee shop kung walang kape! Sh*t.

"Sir natawagan ko na ang supplier ng kape natin. Makikipagkita daw sila mamayang 1pm kaso po nasa Laguna sila." -kenzo

"What!? Is he out of his mind?! Ang layo ng Laguna dito!"

"Ako na lang po ang kukuha sir magsasama na lang ako ng isang employee."

"Sinong isasama mo?"

"Maybe si Kia, nakasama ko na po kase yun noon na kumuha ng stock. Ako nalang po. Itetext ko sya na pumasok ng maaga."

"No. Ako na lang. Walang magmamanage dito pag ikaw ang pumunta. Call Kia now."

Ayoko talagang pumunta sa Laguna pero parang gusto ko na ngayon nung nalaman kong pwede pa lang isama si Kia. Finally makakasama ko sya. Mas makikilala ko sya. At syempre may atraso pa sya sakin e.

Lumapit sakin si Kenzo. Binigay sakin yung phone. Pagkalagay ko nun sa tenga ko,

"Mngr kenzo bakit ako pa? Ayokong kasama yang boss natin. Si Carebie na lang ipasama mo." -kia.

Aba at choosy pa sya ha. Lalo nyang dinadagdagan ang atraso nya sakin.

"I want you to join me. Whether you like it or not."

Toot toot toot. Call ended.

Aba pinagbabaan ako. Alam ba nyang boss nya ako? Makakabawi din ako sa kanya.

Maya maya pa dumating na si Kia. As usual seryoso na naman sya. Napatitig ako sa kanya. Nakaripped jeans lang sya at white v neck shirt. Bagay sa kanya.

"Aalis pa po ba tayo? Sir?"

"Get in."

Nagdrive na nga ako. Napakaseryoso nya talaga.

"Hindi mo ba alam na ako ang kausap mo kanina?" -pagbasag ko ng katahimikan.

"Alam ko po sir."

"So, bakit mo ako binabaan ng phone?"

Hindi man lang sya umiimik. Nakatingin lang sya sa labas. So i continue to drive na lang.

Maya maya pa. Umimik na sya. FINALLY!

"Gutom na ako."

"Hindi ka ba kumain?"

"Drive-tru na lang sir please."

Ang layo naman sa tanong ko. Pero dahil ayaw ko namang magugutom sya kaya dumaan na ako sa drive-tru.

"What do you want?"

"3 large fries, burger and float."

"Are you serious?"

Ngumiti sya sakin. Ano ngumiti sya? Hay sino ba namang makakatanggi pag nginitian ka na nya. Kaya binili ko na lang ang gusto nya.

Nagdrive na lang uli ako at sya ayun kain ng kain parang di sya kumain ng isang linggo.

"Gusto mo ba sir?"

"Mamaya na lang nagdadrive ako e."

"Lalamig tong inorder nyo para sa inyo sir?"

"Ayos lang yan."

"Alam ko na. Nganga?"

"H-ha?"

Mortal Vampire (BTS Fanfic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon