Chapter 40 - Born Day

54 2 1
                                    

Kia's POV

Kaarawan na ng bestfriend kong si Div. At papunta na kame ngayon, at nakakatawa talaga tong mga kasama ko.

"Bessy madami bang poging bampira dun?" -carebie

"Oo madami." -ako

"Bakit mo naman tinatanong? Hindi ka pa ba kontento sakin?" -ice

"Syempre kontento na ako sayo Kookie pero.."

"Anong pero?" -nakakunot na sabi ni Ice.

Hinawakan ni Carebie ang kamay ni Ice.

"Seloso ka talaga. Haha." -carebie

Ayun napakasweet na naman nung dalawa. Si Gio kase napakaseryoso, di ko alam kung natatae ba to o ano.

"Ano bang iniisip mo?" -ako

"Wala naman." -gio

Nakakainis talaga to, hindi ako sanay na ganto to parang may dalaw.

"Kia ang ganda naman ng regalo mo kay Div." -ice

"Yaan mo Ice reregalohan din kita pag nagb-day ka." -ako

"Asahan ko ha." -ice

"Bessy bakit nga pala stuff toy ang bigay mo?"

"Ewan, nung nakita ko kase to naalala ko sya. Kasing cute nya e."

"Alam mo cute nga din yang si Div. Mukhang mabait." -carebie

"Mabait talaga at ang cute talaga nya lalo na yung pisnge nya. Parehas kame nung mapisnge e." -ako

"Pansin ko nga."

Napatigil kame sa tawanan ni Carebie nung biglang umubo si Gio. Alam kong may meaning yun, hindi na ko nakatiis hinawakan ko ang pisnge nya at iniharap ko sya sakin.

Nababasa ko sya, totoo ba to? Nagseselos sya ng dahil sa gift? Pero oo nga no hindi ko pa sya nareregaluhan, samantalang sya meron na.

Hinawakan ko ang kamay nya,

"Natural ba sa pogi ang seloso?"

Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko sa wakas ngumiti na sya.

"Maganda ka kase."

Anebe nemen. Haha. Nekekehiya. Rinig kong kinilig din si Carebie. Haha.

Andito na nga kame sa malaking gate ng mansyon. Date ko si Gio, at date ni Carebie si Ice. Nasa likod namin sina Ice. Nakita ko agad si Grandpa kaya lumapit kame.

"Grandpa kamusta po?"

Nagbeso kame at nagbow naman ang tatlong bibe, este yung tatlong kasama ko.

"Maayos ako. Kinagagalak kong nakarating kayong lahat dito."

Nginitian namin si Grandpa, nasan kaya si Div? Bakit di nagpapakita yun?

"Hinahanap mo ako no? Mahal na prinsesa."

Sinapok ko tuloy, alam naman nyang ayokong tinatawag akong ganun. Ang sagwa kase sa pandinig ko. Pagtingin ko kina Grandpa at kina Gio mukhang nagulat sila sa ginawa ko. Lagot! Nakalimutan kong nasa isang selebrasyon pala kame.

"Aray naman! Yan ba talaga ang pab-day mo sakin?"

Niyakap ko na lang sya. At sinabing,

"Happy happy Birthday Div!"

Mortal Vampire (BTS Fanfic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon