Chapter 27 - Danger

72 1 0
                                    

Gio's POV

Papunta kame ngayon sa MCDO nakakaingit naman sina Ice ang sweet samantalang kame ni Kia walang kibuan.

Si Kia kase kain ng kain. 1 balot na ng lemon square cheesecake ang nakakain nya. Pano pa to makakakain mamaya? Hay grabe talaga.

"Baka matunaw ako."

Punong puno pa ng pagkain ang bibig nya ha. Tinakpan ko ang bibig nya.

"Baby dont talk when your mouth is full."

"BABY!!" -sabay pang sabi ni Ice at Carebie.

Narinig pala nila. Pagtingin ko kay Kia namumula sya. Haha. Ang cute nya talaga. Pasalamat sya nagdadrive ako kung hindi napisil ko na ang cheeks nya.

Nagpark na ako, andito na kase kame. Nako pano nga pala kame kakain? Bahala na.

Omorder na kami ng pagkain. Buti na lang walang umoorder, kame lang ang nasa counter.

"Good Morning mam! Sir! Welcome to Mcdonalds. What is your order mam, sir?"

"3 large fries, 1 burger, sundae and large coffee float for my drinks."

"Okay mam,.."

"Wait miss, may order pa sila. Hanap na ako ng table ha."

Pambihira tong si Kia kaya nya ba yung ubusin lahat halos large lahat. At talagang iniwan kame dito.

Nakaorder na nga kame. Dun na kami tumabi kay Kia. Dumating na din yung mga order.

"Bessy alam mo ang KJ ng dalwang to. Biruin mo ba naman hindi sila umorder." -carebie.

"Ah kase Carebie hindi talaga sila kumakain." -kia.

Nagkatinginan kame ni Ice sasabihin na ba ni Kia?

"Ha? Joke ba yan?" -carebie.

"Ah ano oo joke lang yun syempre. Pero ang di mo alam sa dalawang yan vegetarian yang mga yan." -kia

Hay salamat. Kala ko sasabihin na nya.

"Ah oo Carebie. Ganun kame." -ice.

Ang hirap talaga pag may tao pa kameng kasama. Kumain na lang si Carebie pero si Kia lamon ang kanya. Grabe talaga tong babaeng to. Pinagtitinginan na sya.

May narinig ako sa tabi ko.

"Pare tingnan mo ang cute kumain nung babae."

"Oo nga no. Yan ang ayos na girlfriend walang arte arte."

At talagang pinag uusapan nila si Kia ha. Kailangan kong ipamukha sa kanila na akin lang sya.

"Baby ang cute mo talaga. Ang amos mo na tuloy. Pero maganda ka pa rin."

Napatigil sya sa pagnguya, ramdam kong nakatingin yung mga lalaking yun kay Kia.

"Nako may boyfriend na pala!"

Buti naman at narealize nila.

"Tigi.."

Hindi ko sya pinatapos dahil tinakloban ko ang bibig nya. Iimik na naman sya ng puno ang bibig.

"Baby, just eat first."

Si Ice naman at Carebie tawa ng tawa. Kaya napapangiti ako.

"Bessy your blushing. Ayieehh!"

Natatawa talaga ako, ang cute nya talaga. Haha. Kung pwede ko nga lang syang halikan, nako. Hindi pwede at baka maibalibang ako nito, takot ko na lang dito.

Mortal Vampire (BTS Fanfic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon