Chapter 42 - Truth Hurts

40 3 0
                                    

Gio's POV

Natanggap ko ang mensahe ni Kia sakin through telepathy, kaya nagditch ako ng class ko para samahan sya. Hindi ako nagpakita sa kanya pero sinusundan ko sya. Nakadating nga kame sa park pero di nya pa rin alam na nandun din ako.

Ngayon ko lang din nadiskubre ang bagong kakayahan ko na hindi masundan at maramdaman ang aura ko ng kahit na sino.

Pinanonood ni Kia ang sunset, ang ganda nya talaga. Maya maya pa nakita kong papalapit sa kanya si Chase. Anong ginagawa nun dito?

Lumapit ako ng kaunte sa kanila, hindi pa rin nila ako nararamdaman. Nag usap lang sila pero nararamdaman kong may sasabihing kakaiba si Chase. Ayun na nga nagtapat na sya kay Kia.

Ang pinakamasakit pa dun ay yung,

"Wala ka namang boyfriend diba?"

"Wa-wala.."

At kasabay nun hinalikan ni Chase si Kia. Gustong gusto kong sapakin at bugbogin si Chase pero nung narinig ko yun galing sa bibig ni Kia para akong pinatay muli.

Lumayo na ako, hindi ko kayang makita silang ganun. Sa sobrang galit ko, pinagsusuntok ko ang pader na nadaanan ko.

"F*ck! Damn it!"

Hindi ko na napigilan na mapaluha, ang sakit sakit. Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sa kanya? Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi ako kagaya ng ibang lalaki na umiinom pag nasasaktan. Mas pinipili ko na lang mapag isa.

Naglalakad lakad na lang ako, hindi ko na nga alam kung san na ako nakarating. Lumalamig ang simoy ng hangin, nagtataasan din ang balahibo sa batok ko.

"Gio..."

Sino yun? May narinig ba talaga ako? O naghahalucinate lang ako? Pero hindi e paulit ulit ko syang naririnig. Maya maya pa may liwanag na lumitaw at lumabas dun ang isang magandang babae.

"Halika."

Hindi naman bumubuka ang bibig nya pero nakakasalita sya. Kusang lumalapit ang mga paa ko. Ano bang nangyayari? Nilahad nya ang kamay nya at kusa namang humawak ang kamay ko.

Pagkahawak ko bigla akong nasilaw at unti unti may naaaninag akong isang lugar, karsada may kotse doon. Pamilyar yung kotse, nagulat ako ng nakita ko dun si.. daddy?

Lalapit na sana ako pero bigla na namang lumiwanag, nakakasilaw ito at maya maya pa ay nandun na uli ako sa may karsada. Nakakapanlumo ang nakita ko, si d-dad nakabangga sa isang puno.

"Da-daddy.. h-hindi.."

Napaluhod na ako sa karsada habang umiiyak, bumalik na naman lahat ng sakit.

"Gusto mo bang malaman ang totoo sa likod ng pagkamatay ng ama mo?"

Napatayo ako ng magsalita yung babae. Hindi ko alam ang isasagot ko nakatingin lang ako sa kanya.
Kumurba ang isang ngiti sa kanyang labi.

"Dahil yan sa kasintahan mo."

Ta-tama ba yung narinig ko? Pero bakit? Hindi, hindi ako dapat maniwala.

"Hindi ba kapani-paniwala Gio? Gusto mo bang malaman ang lahat?"

Curious ako pero may part sakin na natatakot akong malaman yun.

"Sige."

Ngumiti sya sakin ngiting may ibang kahulugan. Ibinigay nya sakin ang kanyang kamay at inabot ko yun. Bumalik na naman ako sa kinatatayuan ko kanina. Nasa loob na din ako ng kotse kaya naririnig ko na sila.

Flashback..

(3 taon na ang nakakaraan ng mangyari ang aksidente sa ama mo. Nagmamaneho na pauwi ang ama mo ng may muntik na syang masagasaang isang babae.

Mukhang wala sa sarili ang babae, kaya pinasakay ito ng iyong ama sa kotse nya.

"Iha, saan ang bahay mo ihahatid muna kita o kung gusto mo dadalhin kita sa ospital."

Hindi umiimik ang babae nakatingin lang ito sa labas. Maya maya pa ay hinawakan nya ang braso ni Leo.

Tumingin si Leo dito at kinagulat nya ng naging pula ang mga mata nung babae at lumabas ang mga mahahabang kuko nito. Nawalan sya ng konsentrasyon sa pagmamaneho kasabay noon ang paninikip ng dibdib nya.

Hanggang sa nabangga na ito sa puno, nagkaroon lamang ng kaunting galos ang babae at lumabas ang babae sa kotse ng parang walang nangyari.)

End of flashback..

Hi-hindi.. hindi pero pano?. Nililinlang lang ako ng babaeng to.

"Ang babaeng yun ay si Kia, 16 na taong gulang pa lang sya nun at nasa mundo na sya ng mga tao ng dahil sa pinaampon sya ng kanyang lolo. Ang galing diba?"

Hindi ako makapagsalita.

"Tapos ngayon, ipagpapalit ka lang nya sa isang mortal. Napakasaklap naman nun."

Sobra ng sakit ang nararamdaman ko, bakit ganito ang nangyayari sakin? Mahal ko si Kia at mahal ko din si dad.

"Si-sino ka? Bakit ang dami mong alam?"

"Ako si Ophelia, tama lang ang ginawa kong sumpa sa kanya. Mabibigyan ng katarungan ang ama mo."

Ano? Sya yung nagsumpa kay Kia? Naguguluhan na ako, mababaliw na ako. Bakit nagkaganto na ang lahat?

"Sumama ka sakin, magsama tayong pahirapan si Kia, tutal naman sinaktan ka din nya. Gantihan mo sya."

Mahal ko si Kia, pero nasaktan nga ako. Halos mawalan din ako ng pag asa nung nawala si dad. Tapos ngayon malalaman kong si Kia ang may dahilan nun. Hindi ko na to kaya.

Mortal Vampire (BTS Fanfic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon