Chapter 21 - The Unexpected

89 2 0
                                    

Carebie's POV

Yess naman! NakaPOV din. Haha.
Nandito nga kame sa harap ng apartment ni Kia. Binuksan nya ang gate. Nagulat ako ng nagbukas yung main door. Lumabas dun ang dalawang gwapong nilalang. At mas lalo kong kinagulat si pogi yung isa dun!!! Oh my ghaad! Mahihimatay yata ako. Kaya kinurot ko si Kia.

"Aray! Bat ka nangungurot?"

Pasigaw na sabi ni Kia.

"Hayf ka Kia! Hindi mo sinabing nakatira ka kasama ni pogi!"

Pabulong ko namang sabi sa kanya.

"Ha? Sinong pogi? You mean yung crush mo?"

Papalapit si pogi naiwan kase yung isa sa pinto. Lalapitan nya kame!

"Oo ayan sya. Papalapit sya."

"You mean si Ice!??"- pasigaw na sabi ni Kia.

"Hi Kia. Di mo naman tinext na may kasama ka pala. Hi sayo!" -ngiting ngiting sabi ni pogi.

Hala maiihi ako nito. Ang gwapo grabe!

"Ice sya si Carebie, Carebie sya si Ice." -sabi ni kia.

Inilahad ni Ice ang kamay nya sakin. Oh my! Si Kia naman nakangiti ng nakakaloko. Patay to sakin mamaya. Tinanggap ko ang kamay ni Ice.

"Hi Carebie. Nice to meet you!"

"Hi din pog ayy Ice pala! Ako din ma-masayang nakilala ka"

Grabe nanginginig ako. Pero bakit ang lamig ng kamay nya. Siguro nahihiya sya sakin. Hihi. Kenekeleg eke!

"Sya tara na sa loob. At baka may atakihin pa dito." -sabat ni kia na nakakaloko ang ngiti.

"Sino naman?" -tanong ni Ice.

"Wala haha." -kia.

Pagpasok namin sa loob. Nandun yung isa pa nyang kasama. Grabe pano natitiis ni Kia tumira kasama ang dalwang pogi na yun.

"Hi Kia! Hi..!" -gio

"Sya si Carebie, Carebie sya si Gio." -kia

"Hi Carebie!" -gio

"Hi din sayo!" -ako.

"Kain ka na Kia pati ikaw Carebie. Pinagluto ko kayo ng paborito mo Kia na caldereta. Sorry kanina ha."

"Sus iniwan iwan nyo ko. Alam nyo naman na.."

Tinigil nya ang sasabihin nya. Bakit kaya? Yun umimik na din si Ice Ice baby.

"Kia sorry din ha. Pero ito nagbake ako ng cookies. Pwede mo tong ishare kay Carebie."

Nako parang mahihimatay na talaga ako konting konti na lang. My ghaad!

"Kain na tayo Carebie."

"Sige. Kayo din Ice at Gio kain na kayo."

"Nako sorry hindi kame makakasabay sa inyo. Nakakain na kame kanina e." -ice.

"Ah ganun ba. Sige."

Natapos na nga kameng kumain. Ang sarap ha. Grabe kahit cookies lang ang ipakain sakin ni Ice araw araw okay na ako. Hihi.

"Kia, mauna na ako. Gabi na din e."

"Ihahatid na kita." -kia.

"Hindi na. Kaya ko na."

"Ako na ang maghahatid sayo. Gio yung susi ng kotse?" -sabat naman ni pogi.

Grabe anong gagawin ko? Tatangi ba ko?

Mortal Vampire (BTS Fanfic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon