Chapter 36 - Witch Bitch

46 2 0
                                    

Kia's POV

Inilapit ako ng dalawang pangit na to kay Natalia, sinampal nya ako. The hell! Masakit din yun ha. Pasalamat sya sinusunod ko ang plano dahil kung hindi patay na to kanina pa.

"You deserve it."

Bwisit talaga tong hayf na to. Nginitian ko na lang sya para asarin.

"Aba at nakakangiti ka pa ha."

Sasampalin nya pa sana ako pero hinila ko yung isa sa nakahawak sakin, dahil dun, sya ang nasampal ni bruha.

Sinikmuraan ako ng isa sa nakahawak sakin puts, ang sakit. Ginalit na talaga nila ako, kaya pinagsusuntok ko yung dalawang nakakapit sakin. Napatulog ko agad.

Lalapit na ako kay Natalia ng naglabasan ang mga kasabwat ng bruha na to. May mga armas sila, patay ako nito. Sinugod nila ako nanlaban ako. Suntok doon suntok dito. May naramdaman akong mahapdi sa tagiliran ko nasaksak pala ako ng isang pangit na to.

Hinawakan ko yung sumaksak sakin sa leeg at iwinasiwas ko sa mga susugod pa sakin. Ang sakit ng tagiliran ko pero kaya ko pa to.

Sisimulan ko na ang plano tinawagan ko si Ice at Gio through telepathy at mabilis silang dumating. Nagulat si Natalia sa nakita nya. Pero ngumiti lang sya sakin ng malademonyong ngiti.

At naglabasan na ang mga iba pang kasabwat nya. Ang dami nila. Pinaghandaan talaga ng bruha na to itong araw na to. Sinugod nila kame, madaya silang makipaglaban. May mga deadly weapons sila.

Lumalaban lang kame, suntok doon tadyak dito. Hinayaan ko na sina Ice at Gio na makipaglaban umalis ako doon sinundan ko si Natalia maya maya pa hawak na nya si Carebie hawak hawak nya ito. Sugatang sugatan si Carebie.

Susugudin ko si Natalia ng may sumaksak sa likod ko. Ang sakit lalo na ng bunutin nya yun. Maya maya pa sa binti naman ako nasaksak. Bago ako tuluyang mapaluhod humarap muna ako kay panget at hinawakan ko sya sa damit nya at ibinarog tumama sya sa pader.

Napaluhod na ako,

"Kia.." -sigaw ni Carebie.

Nagmadaling umalis si Natalia kasama si Carebie,

"Kia!" -si Gio.

Tumakbo sila ni Ice papunta sakin, inalalayan ako ni Gio.

Ice's POV

Nakaluhod na si Kia nung nadatnan namin duguan na din sya. Nung nakita kami ni Natalia nagtatakbo sya kasama nya si Carebie. Hinabol ko sila nakarating kame sa labas ng warehouse.

"Natalia, itigil mo na to!"

"No way Ice! Ano bang nakita mo sa babae na to ha?"

"Lahat ng bagay na wala sayo."

"Hindi ako naniniwala sayo. Alam kong mahal mo ako Ice."

"The hell Natalia! Enough for all of this. Wag mong hintaying masaktan kita."

"Well just do it, siguradong patay tong babae mo."

Hindi ko na to kaya! Nilapitan ko sya, pero bago pa ako makalapit sinaksak nya na si Carebie sa may malapit sa puso nito.

"Ca-carebie, n-no.."

Bumagsak na sya sa sahig nasalo ko sya. Duguang duguan na sya. Umiiyak sya ng nakangiti.

"My k-kookie."

"Sshh.. ililigtas kita, wag kang bibitaw."

Binuhat ko si Carebie. Aalis pa lang ako ng nakita ko si Kia, hawak nya si Natalia at mas nagulat ako ng nakita ko ang mga pula nyang mata.

Pumunta ako sa sulok ng warehouse buhat si Carebie, si Kia lang ang makakatulong kay Carebie.

Gio's POV

Nagulat ako ng dumating si Kia, ibang iba sya pula ang mga mata nya. Hindi ito maaari, tumatalab ang sumpa nya.

Nilapitan ko sya, pero napatigil ako ng tinitigan nya ako, hindi sya si Kia. Nakakatakot ang mga mata nya. Hawak nya si Natalia.

"K-kia, bitawan mo ako. Bakit ganyan ang mata mo?"

"Papatayin kita."

Hinawakan ni Kia si Natalia sa balikat. Sinampal nya ito. Ikinumpas nya ang kanyang kamay sa may hangin kita kong parang nahihirapan huminga si Natalia at sa pagtikom ng kamay ni Kia nawalan na din ng buhay si Natalia.

Nilapitan ko si Kia,

"Kia, itigil mo na ito."

Nakatitig sya sakin na parang di nya ako nakikilala. Hinawakan ko sya pero nagulat ako ng itulak nya ako, ang lakas nya. Pero nilapitan ko sya hinawakan ko ang kamay nya may mga dugo pa rin sya sariwa pa ang mga saksak nya.

"Baby, ako to si Gio. Kia, Kia! Hindi ikaw to."

Bumitaw sya sa kamay ko, nung hahakbang sya bigla syang nawalan ng malay. Binuhat ko na rin sya, lumapit ako kina Ice.

"Delikado si Carebie, Gio. Ang hina ng pulso nya."

"Tara na sa apartment Ice, umalis na tayo dito dadating na ang mga pulis."

Nagteleport na nga kame pabalik sa apartment, wala pa ring malay si Kia at si Carebie nag aagaw buhay na.

Ice's POV

Hindi pwedeng mawala si Carebie, kailangang gumawa ako ng paraan. Pero pano? Marami ng dugo na nawala sa kanya pahina ng pahina ang pulso nya.

Dadalhin ko na sya sa ospital, binuhat ko na sya pero huli na ang lahat bumitiw na sya sa kamay ko. Wala na sya.

"Carebie, h-hindi, wag, ayokong mawala ka sa buhay ko. Gumising ka."

Sinubukan ko ng irevive sya pero ayaw pa rin. Napahagulhol na lang ako sa iyak habang yakap sya.

Mahal ko sya, hindi pwedeng mawala agad sya sakin. Si Kia naman wala pang malay, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bumitaw na ko sa yakap namin, nakita ko yung leeg nya. Tama, alam ko na, gagawin ko syang bampira. Gagawin ko ang lahat para mabuhay sya kahit mapahamak pa ako.

Hinawakan ko sya at unti unti kong nilapit ang bibig ko sa leeg nya. At doon ay kinagat ko sya. Nainom ko lahat ng natitirang dugo nya. Pumunta ako sa kusina kumuha ako ng kutsilyo, hiniwaan ko ang palad ko. Naglabasan doon ang dugo ko at pinainom ko yun sa kanya.

Pero nakalipas na ang 5 minuto hindi pa rin sya nagigising. Bakit ganun? Nanghihina ako ng sobra.

Maya maya pa mumulat na sya, gray at cold na ang dating masayahing mga mata nya. Marami ng nagbago sa pisikal nyang itsura. Mahal ko parin sya, sobra na kong naghihina natumba na ako sa sahig. Pero bago ako mawalan ng malay tinawag nya ako,

"Kookie,."

Mortal Vampire (BTS Fanfic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon