Chapter 33 - Let Me Know

53 1 0
                                    

Kia's POV

Sakay na ako ng kotse papuntang trabaho. Syempre ang pogi ng hatid ko, si Gio baby. Hihi. Kumakanta sya habang nagdadrive.

Ring.. Ring... Ring..
Kenzo calling...

Bat kaya tumatawag ang kulaog na to.

"Bakit?"
"Nasan ka?"
"On the way going there."
"Ah. Do you have a contact with sir Chase?"

Hala! Oo nga no. Ano na ngang nangyare dun? Pagkatapos nung gabi na yun nawala sya sa isip ko.

"Ha? Wala, bakit ba?"
"Nothing, maybe bumalik na nga sya sa korea. So okay ingat na lang papunta dito."
"Okay."

Call ended.

Ano na nga kayang nangyare dun? Hindi ko na nga pala sya napuntahan sa condo nya. Tatawagan ko sya.

Dialling Chase..
Dialling...

Tek na yan nakailang ring na hindi naman sinasagot. Nabadtrip lang ako dun sa umiimik pag di sumasagot. Mag iwan daw ng message after the beat. Phew!

"Sino yun baby?"

"Kenzo."

"Bakit daw?"

"About Chase. Tinatanong nya kung may communication pa kame nun."

"Ah."

Tingnan mo tong si Gio tumahimik bigla ng narinig si Chase napakaseloso talaga nito. Heto na naman hindi na naman sya umiimik hanggang makarating na kame sa parking lot.

"Just text me okay."

Seryoso yan ha. Bababa pa sana sya para pagbuksan ako pero hinila ko sya.

"Wag na. Ako na. Kiss ko?"

Natatawa ako sa sarili ko. Masama bang maglambing? Hindi naman siguro.

Hahalikan nya ako sa cheeks pero lumingon ako, sinadya ko talaga para sa lips ko tumama. Ang cute nya nagblush sya. Haha.

"Your so naughty."

"Seloso ka naman. Haha."

"Hindi kaya."

"Sige na. I'll text you na lang."

Bumaba na ako. Kailangan ko na talagang umalis dun sa kotse na yun at baka pag tumagal pa ako dun ay hindi na ako makapagtrabaho.

Pagdating ko sa coffee shop nandun na din si Carebie. Tulala pero nung nakita nya ako nilapitan nya ako at niyakap.

"Hi bessy!"

"Bakit mukhang di ka natulog?"

"Ah e kase nagbasa ako ng wattpad. Napasarap lang kaya ayun."

Bakit ngayon nagsisinungaling na sya sakin? Pag may ginawa lang talagang masama yang si Natalia dito kay Carebie, babalatan ko talaga yun ng buhay.

Hindi na ako nagtanong pa. Ayokong makarinig pa ng another lie para pagtakpan nya yung totoo.

Nagtrabaho na kame. Hindi ako sanay kay Carebie ano ba yan! Hindi ko na matiis kaya habang walang costumer kinausap ko sya.

"Nag away ba kayo ni Ice?"

Pagpapalusot ko.

"Hindi. Masaya kame ni kookie."

Naks naman may endearment na ang dalawa a. Haha.

"Anong ginawa sayo ni Natalia?"

Nagulat sya sa sinabi ko na naging dahilan para mabitawan nya yung hawak nyang cup. Mainit pa naman yun.

"Arayy! Ouch."

Lumapit naman agad si Kenzo.

"Anong nangyare? My god what happened? Are you okay Carebie?"

Inalalayan ni Kenzo si Carebie. Lakas makaboyfriend. Haha. Kidding aside, ayun nga dinala nya na si Carebie sa LA (Locker Area po yung LA. Hindi Los Angeles XD) para sa first aid kit.

"Masakit pa ba?"

"Hindi na. Thank you ha."

Ang sweet naman ni Kenzo. Naks! Sa totoo lang gwapo tong si Kenzo pero sorry sya ang torpe kase hindi agad nanligaw, ayun naunahan ni Ice.

Tapos na ang shift namin. Nasa may locker na kame ni Carebie sisiguradohin kong malalaman ko na ang dahilan kung bakit to ganito.

"Mag usap tayo."

"Tungkol saan?"

"Anong ginawa sayo ni Natalia?"

"H-ha? K-kia, wala talaga."

"Bakit ayaw mong sabihin sakin?"

"Kia, Carebie, tara na."

Panira talaga tong si Ice. Nag uusap pa kame e. Lalapit na si Carebie kay Ice pero hinawakan ko sya sa braso at binulungan,

"Carebie wag kang magpapadala sa kung anumang sinabi sayo ni Natalia kung meron man. Andito lang ako, pwede mo akong pagsabihan."

Natahimik sya, hindi ko talaga alam kung anong meron kay Natalia at kay Carebie pero masama ang kutob ko.

Lumapit na kame kay Ice, hinalikan muna ni Ice si Carebie sa noo. Ang sweet naman. Anebe. Nasan kaya si Gio? Ang tagal naman nun.

"Kia sumabay ka ulit samin."

"Bakit? Si Gio?"

"Di ka daw nya masusundo. May inaasikaso kase sya. Umalis sya sa apartment."

Nakakadisappoint naman. Kala ko may hahalik din sa noo ko. Assuming pala ako. Tss.

"Na naman?"

"Oo e. Sabi pa nya wag ka na daw magpapaiwan."

Kainis naman. Tapos ayaw nya akong magpapaiwan. Tss.

Pero may nararamdaman ako may nakatingin sakin. Lumingon lingon ako, at nakita ko si Krayven sa di kalayuan. Bakit kaya gustong gusto nya akong kausapin? May kinalaman kaya yun kay Carebie?

"Ice mauna na kayo, susunod ako."

Lumabas si Ice sa kotse, nako pipigilan pa ako nito.

"Kia, magagalit sakin si Gio kabilin bilinan nya na dapat kasama ka namin pauwi."

"Promise susunod ako. Umalis na kayo."

"Kia! Kia!."

Sorry Ice, sorry Gio. Kailangan kong kausapin si Krayven. Nawala sya sa kinatatayuan nya kanina. Nasan na yun? Hindi kaya guni guni ko lang yun? Makaalis na nga.

Tetext ko si Gio na ipakaon ako dito. Nagulat ako ng may nagtakip sa bibig ko. Nako mabibiktima pa ako ng holdaper. Hinawakan ko ang kamay nya at at humarap ako at sinapak ko yung holdaper.

Ang mas kinagulat ko ng makita kong si Krayven pala yun. Nako, napatumba ko sya.

"Bakit ba nangtatakip ka ng bibig?"

"Sorry ha, ang lakas mo talaga."

"Bakit mo ako gusto mong makausap?"

"Tara dito."

Dinala nya ako sa isang park, malapit ito sa coffee shop. Hindi ko alam ang mangyayari pero kailangan kong alamin ito. Dapat maging handa ako. Mahalaga sakin si Carebie ayokong may mangyayari sa kanyang masama.

Mortal Vampire (BTS Fanfic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon