Chapter 39 - Awake

57 3 0
                                    

Ice's POV

Nagising ako, nakita ko si Kia na tatayo pa lang sa kama ko mukhang hinang hina, lumabas sya kasama ni Gio. Bumangon ako at agad naman akong niyakap ni Carebie. Niyakap ko rin sya ng mahigpit.

"Kookie,."

Nginitian ko sya, pero may guilt feeling ako. Mag iiba na ang takbo ng buhay nya ngayon dahil ginawa ko syang bampira. At nagsinungaling din ako tungkol sa tunay kong pagkatao.

"Sorry"

"No, im sorry napahamak pa ang buhay mo ng dahil sakin."

"I will do everything for you."

Tumitibok na naman ang puso ko. May tumulong luha sa mga mata nya.

"Tahan ka na. Alam mo namang ayokong umiiyak ka."

"I love you Kookie."

"I love you too, so much."

Hinawakan ko ang pisnge nya and i kiss her lips. Naramdaman kong tumitibok din ang puso nya. Hindi kaya? Napakasaya ko na malaman kong ako ang tinitibok nung puso nya.

Hindi ko na hahayaang mawala pa sya. She means a lot to me. I love every piece of her. And i want to spend forever with her.

I love her. Very much.

Div's POV

Ang dami ng nangyare kay Kia, ang dami na nyang pinagdaanang sakit. May isa na namang tao na naconvert bilang bampira, at unti unti na syang nilalamon ng sumpa. Pero hindi nya yun matandaan.

Alam ko lahat ng nangyayari dahil lagi akong may pinasusunod na kalapati sa kanila. Gustong gusto ko silang tulungan pero ayaw ni Grandpa.

Kailangan ng makilala ni Kia ang anak ni Ophelia. Si Kia lang ang makakakumbinsi dito na tulungan sya.

Pinuntahan ko si Grandpa sa mini library dito sa loob ng mansyon.

"Mahal na hari."

"Sabi ko na nga ba na kakausapin mo ako. Maupo ka, tungkol sa apo ko?"

"Opo, sa tingin ko po kailangan ko ng tulungan si Kia."

Tumingin sya sakin at ngumiti,

"Napakabait mo talaga sa apo ko. Puntahan mo sya Div, imbitahan mo sila sa magaganap ng selebrasyon dito sa mansyon bukas."

"Ano pong meron bukas?"

"Sa sobra mong pag aalala sa apo ko, nakalimutan mo ng kaarawan mo bukas. Sige na puntahan mo sila."

Napanganga ako, oo nga kaarawan ko na bukas. Hindi ko na naalala. Nagbow ako sa hari at umalis na. Pupuntahan ko si Kia, miss na miss ko na sya.

Nagteleport ako dun ako dinala sa isang parking lot, andun kase yung kotseng ginagamit ko kapag nasa mundo ako ng mga tao. Nagdrive na ako papunta kina Kia.

Within 20 mins, nasa apartment na nila ako, bukas naman ang gate kaya pumasok na ako. Pagpasok ko sa pinto nakita ko si Kia sa couch.

"Div?"

Lumapit sya sakin, at pagkakataon ko na niyakap ko sya ng mahigpit. Namiss ko sya.

"Kia sobrang namiss kita."

"Namiss din kita Div."

May biglang lumabas mula sa kusina, si Gio iyon. Iba ang tingin nya pero pinaltan nya agad ito ng ngiti.

"Div, kamusta?"

"Ayos lang naman Gio."

"Div bakit ka napadalaw?"

"Bukod sa namiss kita, iimbitahan ko kayo."

"Saan naman?"

Grabe hindi nya ba naalala? Nalungkot naman ako. Nagulat ako ng ginulo nya ang buhok ko.

"Happy Birthday Div. Tampo naman agad to."

Kahit kelan talaga, iba tong si Kia. Napangiti naman ako, hindi nya pala nakakalimutan.

"Bukas pa. Pero iniimbitahan ko kayo bukas sa mansyon, isama nyo si Ice at ang new born nyong kasama."

"P-pano? Alam na ba ni Grandpa?"

"Yun pa, hihintayin ko kayo ha."

I heard grandpa's voice in my mind. Tinawag nya ako through telepathy. Kailangan ko ng bumalik sa mansyon.

"Bakit Div? Tinatawag ka na ni Grandpa?"

Ang lakas talaga ng pakiramdam nito.

"Oo e. Bukas ha magkikita kita pa tayo, sa ngayon kailangan ko ng magpaalam."

Tumayo na kame. Hinatid nila ako sa gate, niyakap ko muna sya at hinalikan sa pisnge.

"Paalam sa inyo. Ingat ka Kia."

Gio's POV

Nakakalalaki yun a. May pahalik halik pa yun. Pwede namang magpaalam na lang. Nabadtrip tuloy ako.

"San ka pupunta?"

"Kwarto."

Nagulat ako ng dambahan nya ako at sinakyan nya ng likod ko.

"Bakit ang seloso mo?"

"Seloso ka dyan. Hindi kaya."

"Sus. Manood na lang tayo ng tv."

Nako hindi pwede makikita nya ang balita na napatay si Natalia alam kong magtatanong to kung sino ang pumatay. Mas ayos na kung di nya maalala, dahil alam kong didibdibin nya yun.

"Wag na! Wag na baby. Sa kwarto ko na lang tayo."

"Ano namang gagawin natin dun?"

Nginitian ko sya at namula sya. Ano bang iniisip nya? Haha. Hinampas nya ako.

"Loko ka talaga. Ikuha mo na lang akong mangga. Please."

Mortal Vampire (BTS Fanfic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon