Chapter 50 - Happy.. Ending?

137 6 1
                                    

3 years later

Kia's POV

Hindi na kame sa apartment nakatira sa isang subdivision na. Chuchal no? Magkapitbahay kame nina Carebie. Successful na kame, im a teacher na. Si Ice, Gio at Carebie engineer na.

Kung nagtataka kayo kung anong nangyare bago lumipas ang tatlong taon?

Well, nakapagtapos na kame hindi muna kame nagpakasal dahil grumaduate muna kame. Double wedding nga ang nangyare. Sina Carebie at Ice malapit ng magkaroon ng anghel buntis sya, 9 months na.

At sa awa ng dyos may baby na kame ni Gio. Hihi. Nauna lang ako kay Carebie eto kaseng si Gio nagmamadali. Naaalala ko pa nung pinanganak ko ang baby ko nagsalita sya agad ng mommy at daddy masyado syang advance sa lahat ng mga bagong panganak.

Meron pa ring mortal na dugo ang nananalaytay sa kanya pero mas marami ang dugo ng pagiging bampira.

Nandito kame ngayon sa bahay namin kasama si Carebie at Ice. Tuwang tuwa sila kay,

"Taewon baby, sana kasingcute mo din ang magiging baby ng ninang."

"Syempre naman babe, gwapo ang tatay."

"Wag mo ngang iparinig yan Ice kay Taewon at baka maniwala yan."

"Grabe ka naman Gio."

"Bessy bakit ba Taewon?"

"Edi ba nasa Taiwan tayo nung nanganak ako, at tsaka ang ama nyan ang nagpangalan dyan."

"So sa China pala ako manganganak ng ang maging pangalan ng baby girl ko ay Cheena. Haha."

Nagtawanan kameng lahat.

"Cute kaya ang Taewon, parang ang daddy. Kamukang kamuka ko nga e."

"Oy mas kamuka ko kaya sabi kaya din ni grandpa."

Maya maya may bumukas na portal, alam kong si grandpa yun at nagulat ako ng kasama nya si Div. Nung bumisita kase kame noon, nagpunta daw si Div sa Amerika at ngayon lang sya nagpakita.

"Mas kamukha ni Taewon ang lolo nya. Magandang araw sa inyong lahat."

Lumapit si Div kay Taewon at tumawa naman ang baby ko,

"Tingnan mo Kia, tuwang tuwa sya sakin. Kasing pogi ko ba naman, siguro ako ang iniisip mo nung pinagbubuntis mo to?"

"Ehem!"

"Ikaw pala Gio."

"Ako nga, ako din ang daddy nyan."

"Nako kayong mga bata kayo nakakatawa kayo."

"Sinabi mo pa grandpa."

Nagtawanan lang kame ng maya maya dumating naman si Chase, pero sinisigurado kong wala ng gulong mangyayare sa kanila ni Gio nagkaayos na yan nung bumalik kame dito sa Phil. galing Korea.

Nilapitan nya ako at nagbeso,

"Hi sa inyong lahat, pahiram nga sa inaanak ko. Nandito na ang daddy ninong."

Mortal Vampire (BTS Fanfic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon