Chapter 43 - Heartache

57 3 0
                                    

Carebie's POV

Kasalukuyan kame ni Ice na naghahanap kay Gio, halos isang linggo na syang nawawala. Awang awa na kame kay Kia, lage kase syang naghahanap pero di nya kame pinasasama kaya tuwing umaga kame naghahanap.

"Kookie, wala pa rin talaga."

"Oo nga, naaawa na ako kay Kia, hindi na sya kumakain o kaya umiinom ng dugo. Kahit anong gawing pilit ko ayaw nya talaga."

Hinawakan ko ang kamay ni Kookie, kagaya ko sobra din syang nag aalala. Pasimula kase nung hindi na umuwi si Gio hindi na sya pumapasok sa school o kahit sa trabaho.

Maghapon na lang syang nasa kwarto at aalis sya ng gabi para hanapin si Gio. Ang putla putla na nga nya, kakulay na namin sya.

"Kookie, siguro kailangan na natin si Div."

"Baka hindi rin sya kausapin ni Kia."

"Pero atleast diba alam nya ang nangyayari."

"Sa totoo lang alam nya yun."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Laging may kalapati sa kwarto ni Kia, nagtaka ako noon kung bakit, pero nung sinundan ko yung kalapati napag alaman kong kay Div yun."

"Pero bakit hindi nya pinupuntahan si Kia."

Nagkibit balikat lang si Ice. Baka naman humahanap lang tyempo si Div. Sa totoo lang kase si Div ang sobrang nakakakilala kay Kia, magbestfriend kase sila e.

Nasan na nga ba si Gio? Bakit bigla syang nawala?

Nandito kame ni Kookie sa labas ng kwarto ni Kia dadalhan namin sya ng pagkain. Kumatok na ako pero wala pa ring nagbubukas kaya pumasok na kame.

Sisiguraduhin namin ni Kookie na hindi namin pababayaan si bessy. Nandito kame para sa kanya kahit na hindi nya kame nakakausap.

Div's POV

Hindi dapat nangyayari to kay Kia. Sobra na syang nasasaktan. Sinusubukan ko ding hanapin si Gio, pero hindi ko talaga sya mahanap. Ano bang nangyari sa dalawang to?

Sa halos 1 linggo kong pagbabantay kay Kia sa pamamagitan ng kalapati ko, ngayon lang ako dadalaw sa kanya ng personal.

Ineexpect ko na, na hindi nya ako kakausapin pero kahit ipagtabuyan nya ako hindi ako magpapatinag kailangan nya ngayon ng kaibigan.

Nandito na ako sa apartment ng makita ko si Ice at si Carebie na papasok sa kwarto ni Kia, tinawag ko sila.

"Ice, Carebie."

"Ikaw pala Div."

"Finally! Buti Div at nandito ka na."

Ang lulungkot ng itsura nila. Tinanguan ko lang sila. Pumasok na kame sa kwarto ni Kia, nakita namin si Kia na nakatanaw lang sa bintana. Alam kong nararamdaman nyang andito kame.

"Kia, andito kame andito ako, mag usap ta.."

Hindi nya ako pinatapos.

"Umalis ka na."

"Bessy kailangan mong kumain o uminom man lang."

"Kia pakinggan mo naman kame."

Humarap na sya samin, nagkatinginan kame nina Ice. Sobrang blangko na ng itsura nya, ang lamig na ng mga titig nya. Anong nangyare sa kanya?

"Napakinggan ko na, umalis na kayo."

Hindi ako magpapatinag, hinawakan ko ang kamay nya at nagteleport kame sa isang rooftop ng isang building.

"Kia kausapin mo ako, ayokong nagkakaganyan ka."

Hindi sya gumagalaw o umiimik, nag iba ang aura nya at napakalungkot ang nadarama ko sa kanya.

"Bakit mo ko dito dinala?"

"Para makapag usap ta.."

Napatigil ako ng may marealize ako, tama ito yung lugar kung saan naging sila ni Gio. Ang tanga mo Div, lalo mo lang syang sinaktan.

Hinawakan ko sya sa kamay para magteleport ulit pero napatigil ako ng makita kong umiiyak sya. Nasasaktan ako pag nagkakaganito sya.

"Div, iniwan na nya ako."

"Kia, wag kang mag alala andito ako. Hindi kita iiwan."

Niyakap nya ako at umiyak na sya ng umiyak.

"Div (sniff) naaalala ko na ang lahat. Halimaw na ako Div, kaya siguro lumayo na sya sakin."

Humarap na nya ako sa kanya ng nagtataka. Anong naaalala nya? Hindi kaya yung nangyari 3 years ago? O kaya naman yung kay Natalia?

"Parehas Div."

Binabasa nya ako. Hindi maaari, nagsabay sabay na ang masasakit na pangyayari sa kanya.

"Bakit di mo sinabi sakin yung tungkol sa ama ni Gio na ako ang pumatay dun?! Ha?! Halimaw na ako Div!"

Pinagtaasan na nya ako ng boses. Alam na nga nya lahat.

"H-hindi Kia, hindi mo yun sinasadya."

"Div, nakita ko mismo ang nangyari. Pinatay ko ang ama ni Gio tapos napatay ko din si Natalia."

"Hindi ikaw yun Kia, dahil yan sa sumpa ni Ophelia. Hindi ikaw ang gumawa nun."

Napaupo na sya sa sahig ng umiiyak. Umupo na din ako at hinawakan ang kamay nya, nangangatal sya.

"Ayoko na Div (sniff) patayin mo na ako, sobra sobra na akong nasasaktan hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Si Gio lang naman ang nagbibigay ng lakas sakin, ngayon iniwan nya ako wala na akong dahilan para mabuhay pa at labanan ang sumpang to. "

Parang may sumuntok sa puso ko nung marinig ko yun. Bakit ba hindi na lang ako ang minahal nya? Bakit si Gio pa?

Tumayo na sya at tinulungan ko syang makatayo, hahakbang pa lang sya ng mawalan na sya ng malay.

Depress na sya sa nangyayari sa kanya at nasasaktan din ako sa nakikita ko sa kanya. Masakit man sakin na hindi ako ang mahal nya, ang mahalaga mahal ko sya.

Binuhat ko na sya at bumulong ako sa kanya,

"Sana ako na lang Kia, mahal kita."

Nagteleport na kame papunta sa apartment nya.

Kinno's POV

Ano bang nangyayari kay Kia, sa araw araw kong pagsunod sa kanya lagi ko syang nakikitang malungkot.

Nakita ko si Div nasa apartment ni Kia, hindi ako makapasok hindi naman kase kame close nung mga kaibigan ni Kia.

Maya maya pa may naramdaman akong nagteleport, tama si Div yun at Kia sinundan ko ang enerhiya ni Div at dinala ako nun sa isang rooftop. Nilakasan ko ang pandinig ko.

So si Gio pala ang may dahilan kung bakit sya malungkot. Loko pala yung Gio e ang lakas ng loob nyang iwan si Kia.

"Bakit di mo sinabi sakin yung tungkol sa ama ni Gio na ako ang pumatay dun?! Ha?! Halimaw na ako Div!"

A-ano? Totoo ba yun? Anong sinasabi nya? Mas kinagulantang ko ang mga sunod kong narinig.

"Hindi ikaw yun Kia, dahil yan sa sumpa ni Ophelia. Hindi ikaw ang gumawa nun."

Ophelia? A-ang ina ko? Sumpa? Nagteleport na ako pabalik sa bahay ko. Bakit wala akong alam dun? Aalamin ko ang bagay na yun kung totoo nga.

Pano nga kung totoo yun? Masama ba ang ina ko?

Mortal Vampire (BTS Fanfic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon