ETP 1

428 5 0
                                    

Lei’s Pov

Sa pagkaka alala ko hindi kami ganito ni Dominic noon. Masaya kami sobra! yung tipo pag magkasama kami para kami lang ang tao sa mundo iba talaga yung feeling.

Yung feeling na iniimagine na namin ang future na magaksama kami.

Pero nagbago ang lahat.Hindi ko alam kung bakit at paano wala naman ako maalala pagkakamali nagawa ko.

Hindi naman ako nagloko. Sa Isang taon relasyon namin wala ako ginawa kundi mahalin siya at alagaan pero bakit para nagkulang pa din ako?

“Huy Lei okay lang ba? Bakit tulala ka nanaman dyan?” Si Iza kaibigan ko. Nandito kasi kami sa Botanical Garden ng school namin para magreview dahil midterm exam naming mamaya.

“Actually hindi eh. Hindi ko na kasi maintindihan si Dominic” Ako habang binubuklat yung libro ko.

“Nag away na naman ba kayo?” Iza

“Siya naman kasi madalas na siya mag bar simula nung bumalik siya galing states. Hindi na nga din siya nakakapasok madalas dahil sa puyat nya. Sinabihan ko lang naman siya na baka pwede itigil nya muna mag bar dahil naapektuhan na yung pag aaral nya. Graduating pa naman siya. Baka yun pa yung maging dahilan para hindi siya makatapos”Ako

“Baka may problema siya kaya ganun” Iza. Habang may hinahanap sa bag nya.

“Tinanong ko din sa kanya yan pero sabi nya wala naman daw. Gusto nya lang daw talaga mag enjoy” Ako

“Eh baka nga gusto nya lang mag enjoy” Iza

“Okey lang naman mag enjoy. Kaya lang ang pinag aalala ko baka sa sobrang page eenjoy nya makalimutan nya yung mga priorities nya sa buhay. “ Ako

“Alam mo Lei mas maganda kausapin mo na lang siya. Puntahan mo dun sa kanila after ng exam natin kay Prof. Pero tip lang ah wag mo siya pag tataasan ng boses baka mas lalo lumala yan away nyo” Iza

“Siguro nga. Kasi nung bumalik talaga siya galing states never pa kami nag usap ng maayos” Ako

Tapos nag-Bell na. Kaya umakyat na kami ni Iza sa room namin. Kailangan matapos ko din agad yung exam para makausap ko si Dominic ng mas matagal.

Nag start na yung exam namin sa EnviScie. Ang madali lang naman siya dahil nag review ako ng todo kagabi. Ilang minuto lang lumipas at natapos ko agad ang exam ko. Tumayo na ako at inaabot kay Prof.Valdez ang test paper ko.

I’m impress Ms.Garcia ikaw ang una natapos. You can leave now and don’t forget yung project na kailangan nextweek okay? “ Tapos nag nod na lang ako at umalis. Tapos tumingin ako kay Iza na nag eexam pa para sabihin aalis na ako at nag okey sign naman siya.

Pumunta na ako sa parking Lot at sumakay na sasakyan ko. I’m 19 yrs old naman na so pwede na ako mag drive. Malapit lang naman yung subdivision nila dominic dito sa school namin. Mga 20minutes nandun na ako for sure.

Habang nagdridrive ako tinatry ko tawagan siya para iinform na pupunta ako sa bahay nila. Pero wala nasagot. Siguro mas okey kung isurprise ko na lang siya pagdating ko dun sa kanila. Malapit na ako sa subdivision nila ng may Makita ako coffee shop.

Bibilhan ko muna siya ng chessecake. Peace offering ko na din dahil sa away namin kagabi sa cellphone.Nag park na ako at bumaba ng sasakyan at pumasok sa coffee shop.

And pagpasok ko pa lang ng Coffee shop. Nakita ko si Dominic may kasama siya babae.Hindi ko kilala yung babae. Pero dahil sa nakita ko para ako nafreeze sa kinatatayuan ko.

Pero pinilit ko maglakad para makapunta sa table nila. And I was surprised na yung kasama nya ay si Ynah. Ang recently  ex girlfriend nya.Hindi ko na napigilan kaya nagsalita na ako.

“Mukha ako ata yung nasuprise ngayon ah” Ako habang naka cross arms.

“Ano ginagawa mo dito?” Tanong ni Dominic.

“Pupuntahan sana kita sa inyo para kausapin ka. Para makaipag ayos kaya lang mukha hindi ‘to yung tama oaras para kausapin ka kasi mukha busy ka pa sa iba” Sabi ko habang nakatingin kay Ynah.

“I think I have to go na Dominic. Nice to see you again Lei” Sabi niya at bumeso pa sakin. Kaya umupo na ako kung san siya nakaupo kanina.

“Bakit magkasama kayo?!”Sabi ko hindi ko mapigilan itanong eh.

“Look,ako nagpapunta sa kanya dito para itanong yung mga assignments na namissed ko this past few days nung hindi ako nakapasok”

 

 “ Bakit hindi ako ang tinext at pinapunta mo dito?” Ako

“Alam ko busy ka. Kaya hindi na kita inistorbo. “ Siya habang umiinom ng coffee

“Sana totoo yan sinasabi mo” Pagkasabi ko nun ay bigla siya tumayo. “San ka pupunta kinakausap pa kita Dominic”

 

“Uuwi na kausapin mo na lang ako kapag malamig na yan ulo mo” Dominic. tapos naglakad na siya palabas pero sinundan ko siya at hinila nung isusuot nya yung helmet nya.

“Dominic ano bang problema bakit ka ba nagkakaganyan?” Ako habang nakahawak sa braso nya.

“Hindi ko alam. Tatawagan na lang kita mamaya Bye” Tapos sumakay na siya ng motor nya.

Bakit pakiramdam ko hindi na kami okey. Kasalanan ko na naman ba? Dahil pinairal ko yung selos kanina. Pero ano magagawa ko? Ayoko naman magkaplastic na hindi ako nagseselos.

Kahit sabihin mo isang taon na kami iba pa din yung meron sila nung Ynah na yun dati. 5years ang tinagal ng relasyon nila at natatakot lang naman ako na baka agawin siya sakin. Pero bakit hindi nagets yun ni dominic? 

Even The Pain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon