Dominic Zapata
Kita Kita ko sa mga ni Liera na nasaktan ko siya. Kung alam nya lang mas nasaktan ako. Pero pinilit ko itago yun noon sa kanya. Sadyang may mga bagay lang talaga na kailangan isakripisyo. At isa ang relasyon namin ni Liera.
Oo mahal ko siya sobra. Pero hindi naging sapat na dahilan yun para ipagpatuloy ko. Ayoko kasi masira ang mga pangarap nya. At sa nakikita ko ngayon? Nagtagumpay ako. Kaya hindi hindi ko pagsisishan ang desisyon ginawa ko.
Halos 2 taon ako lumayo. Tiniis na hindi siya makita o kausapin dahil kailangan. Para sa kanya.
At ngayon okey na ang lahat? Bumalik ako para balikan siya. Akala ko magiging madali lang ‘to pero hindi pala. Hindi ko man lang naisip na nasaktan ko nga pala siya. At malamang magagalit siya.
Kaya ngayon hindi ko na alam kung maibabalik ko pa siya sakin. Hindi na ako sigurado. Siguro nga wala ng pag asa na balikan nya ako.
Kaya ngayon ang gusto ko lang maintindihan nya ako. Maipaliwanag ko sa kanya ang lahat. Gusto ko mainitindihan nya ako. Kahit yun na lang sana pagbigyan nya ako.
“Pare tama na yan lasing ka na” Sabi Jerome sakin. Pagkatapos kasi ng nangyare samin kanina ni Liera napagdesisyunan ko uminom. Alam ko napakaaga pa. pero gusto ko lang makalimot.
“Don’t worry pare I can handle this. Just one last shot” Sabi ko sabay inom ng alak. Tapos nag facepalm ako at tumayo.
“San ka naman pupunta ngayon?”
“May aayusin lang ako. Mag inom ka lang dyan tol.” Tapos naglakad na ako papunta sa sasakyan ko pero okey lang naman ako. Hindi ako lasing.
Nagdrive ako. Pero nag iisip ako kung saan ako pupunta. Hanggang sa kusang ang kotse ko na lang ata ang nagdala sakin sa tapat ng office ni Liera.
Naglakad na ako papasok.
“Hi. Nandito ba si Ms.Martinez?” Tanong ko sa babae nakasalubong ko.
“Yes halos kararating nya lang din eh. And you are?”
“Dom Zapata”
“OMG ikaw si Dom? Ang Ex nanakit sakin Bestie?” Sabi nito. Grabe ganito ba ako ikwento ni liera sa mga kaibigan nya ganun ko ba siya nasaktan?
“Cheena pinapatawag—Dom?”
“Hi. Gusto sana kita makausap”Tapos tumingin siya sa katabi nya. Cheena ang name.
“Busy ako. Bukas na lang”Sabi nito sabay talikod.
“Please. Maghihintay ako” Sabi ko. Pero patuloy pa din siya naglakad. Pag sinabi ko maghihinatay ako. Maghihintay ako.
Liera Martinez
Hindi talaga ako tatantanan nito si Dominic eh. Kanina lang pinaiyak nya na ako. Ano nanaman ba gusto nya? Nakakaloko naman ‘to tao ‘to. Naiistress tuloy ako. Pinasilip ko sa isang kasamahan kung nandun pa si Dom and confirm andun pa daw.
Tss bahala ka dyan Dom Zapata. Hindi ako makikipag usap sayo! Hmp. Nagfocus ako ditto sa tinatype ko. Pero punyemas nakakaloko lang dahil pangalan nya ang natype ko.
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!
“Nag iinarte ka pa kasi eh! Labas na dun kausapin mo na!” Sabi ni Cheena. Pero hindi ko siya pinansin tinuon ko ang sarili ko sa tinatype ko.
BINABASA MO ANG
Even The Pain (Completed)
Fiksi RemajaCan you still love someone? Even it conquers the pain?