ETP 6

183 4 0
                                    

Iza’s Pov

Nagulat ako nung pauwi na ako kahapon ay nakita ko si Lei na patawid. Tatawagin ko sana siya pero laki gulat ko ng may parating na truck at nasagasaan siya. Kaya nagtatakbo ako papalapit sa kanya. At jusko ang dami nya dugo sa ulo.

Nagsisigaw ako para humingi ng tulong. At hindi naman ako nabigo at may mga lumapit samin para bigyan kami ng saklolo.

Habang nasa sasakyan kami ay tinatawagan ko si Dominic para sabihin sa kanya. Pero nakakailan tawag na ako pero hindi nya sinasagot. Kaya nagdecide na lang ako na si Ken ang tawagan. At sinagot naman nya agad at sinabi nya pupuntahan nya kami agad.

Hindi ko alam kung dapat ko tawagan nun sila tito dahil natatakot ako. Pero siguro mamaya na lang pagdating ni Ken.

“Oh ano kamusta daw siya sabi ng doctor?” Si Ken hingal na hingal na tanong nya.

“Malala daw yung condition nya. And kapag hindi pa daw siya nagising within 24hrs. Baka nasa state of comatose na daw siya.” I said while crying. Hindi ko kakayanin may masama mangyare sa kaibigan ko. Pero bakit ba kasi siya tumawid dun? Alam nya naka go pa.

Tiningnan ko ulit yung cellphone nya. At nagulat ako nung makita ko may isang text dapat siya isesend sakin at nakalagay na.

To:Iza

Iniwan nya na ako…

 

Hindi kaya si Dom ang may dahilan kung bakit tinangka ni Lei ang magpakamatay? Kung siya ang dahilan. He’ll pay for this…

Third Person’s POV

Nag aalala ang lahat sa nangyare kay Lei. Pinaalam na din ni Iza sa mga magulang nito ang nangyare at sinabi naman ng mga ito na pupunta sila agad.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating si Dom. At halos hindi makapasok sa pinto ng makita ang itsura ni Lei. Nakita siya ni Iza at nilabasan nya ito.

“Ang kapal din naman ng mukha mo magpunta dito noh?” Sabi ni Iza kay Dominic.

“Iza hindi ko sinasadya” Sagot ni Dominic

“Hindi mo sinasadya? Hindi mo sinasadya masaktan siya? Ano ba kasi problema mo! Nagpunta ka lang ng states nagkaganyan ka. Nabasa ko sa cellphone ni Lei yung text na dapat isesend nya sakin. Break na pala kayo! For sure ikaw ang nakipagbreak dahil yung kaibigan ko yan? Hindi niya magagawa iwan ka dahil mahal na mahal ka nya”

 

 

“Mahirap iexplain Iza. Kailangan ko gawin yun para sa huli hindi ko na siya masaktan ng todo” Sabi niya. At mas lalo ito kinainisan ni Iza

“Ipaintindi mo nga Dominic! Kasi dahil diyan sa mga “Hindi nyo maiintindihan” halos ikamamatay nay an ng kaibigan ko. “

 

Napayuko na lang si Dominic sa sinabi ni Iza at halat ang lungkot sa mga mata ni Dominic.

“Kapag handa ka ng mag explain sa kaibigan ko at ipaintindi sa kanya ang lahat tsaka ka bumalik dito. For the meantime umalis ka muna dahil baka hindi ako makapagtimpi at ano pa magawa ko sayo” Sabi ni Iza at pumasok na ulit siya ng kwarto at naiwan tulala si Dominic.

Umiiyak si Dominic. Dahil sa sakit nararamdaman nya habang nakikita si Lei nakahandusay sa kama at nag aagaw buhay.

 

“Gumising ka lang Lei pangako sasabihin ko na lahat sayo. Wag ka lang tuluyan mawala sakin” Sabi niya sa sarili niya habang naiyak at nakatingin kay lei habang nakadungaw.

Umalis na siya at naglakad. Dahil hindi naman siya pinayagan ni Iza makalapit kay Lei. Tapos nakita nya si Ynah na may kausap na lalaki na may hawak na envelope at mukha namumukaan nya ‘to. 

Even The Pain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon