Lei’s pov
Pagkagising ko pa lang hindi ko maexplain pero ang sakit ng ulo ko. Para nabagsakan ng bato kaya hirap na hirap ako bumangon. Chineck ko kung ano oras na grabe 1pm na pala. Kaya pinilit ko bumangon na at maligo agad baka sakali mawala na yung sakit ng ulo ko.
Habang naliligo ako naalala ko pa din yung nangyare kagabi. Oo lasing ako pero malinaw sakin kung ano sinabi ni Dominic. “Akala ko ikaw ang mahal ko pero hindi pala” ano ibig nya sabihin dun? Hindi niya na ba ako mahal? Nagsawa na ba siya?
“Hindi Lei nadala lang siya kagabi hindi niya sinasadya sabihin yun” Sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko na ang towel ko at nag bihis na.
Lumabas na ako ng kwarto at pagkababa ko nagulat ako sa nakita ko.
Nandito si Dominic.
mukha kanina nya pa ako hinihintay dahil ilang baso na ang nasa sala table namin.
“Dominic” Sabi ko habang pababa na ng hagdan at tumayo naman agad siya at lumapit sakin.
“Lei. Kamusta ka na?” Tanong nya
“Okey na ako. Medyo masakit lang yung ulo ko. Bakit ka nandito?” Tanong ko habang naglalakad papunta garden.
“Sabi kasi ni Iza hindi ka pumasok. Nag alala lang ako” Naphinto ako sa paglalakad. Nag alala siya?
“Talaga? Dapat ata dalasan ko na ang paglalasing para lagi ka mag alala sakin at magkaroon ng pakeelam.Kasi alam mo this past few days hindi ko na ramdam. Hindi ko ramdam na boyfriend pa kita” Sabi ko.
Nagbuntong hininga siya at hinawakan yung dalawang kamay ko. At tumingin ng diretso sa mga mata ko.
“Alam ko Lei.Oo medyo nagbabago ako this past few days and I’m sorry. Actually kaya nga ako pumunta dito para tapusin na yung paghihirap mo. Para hindi ka na masaktan pa sa kagaguhan ko sa buhay” Napabitaw ako ng hawak sa kanya. Para alam ko na ibig sabihin nito.
“Nakikipagbreak ka ba?” Tanong ko. Kahit na alam ko naman yun ang tinutukoy nya.
“Oo Lei. Ayoko na kasi nakikita ka nasasaktan at nagkakaganyan dahil sakin. Lei nakikipahiwalay ako sayo hindi dahil hindi na kita mahal kundi dahil ayoko ng ganito tayo. Yung ganyan umiiyak ka at nagpapakalasing ka dahil sakin” Hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha sa mga mata ko.
“Ano sa tingin mo dominic? Hindi ako nasasaktan ngayon nakikipaghiwalay ka na?” Sinubukan nya hawakan yung mga kamay ko ulit pero nagpumiglas ako “Dominic sabihin mo kung bakit ka nagkakaganyan at kung bakit ngayon nakikipaghiwalay ka” Umiiyak na talaga ako. Ang sakit sakit kasi.
“Dahil hindi ako karapat dapat sayo!” Sagot nya. Habang may mga luha na din sa mga mata nya.
“Bullshit Dominic! Sino ka para sabihin hindi ikaw ang karapat dapat sakin? Dominic 1year ang tinagal ng relasyon natin! Nagpunta ka lang sa states nagkaganyan ka na! Ano ba talaga nangyare sa states?!” Pasigaw ko sabi habang umiiyak. Pero hindi siya sumasagot at tiningnan lang ako. “Dominic sumagot ka! Ano?! May iba ka na bang gusto?! Sabihin mo—“ Sabi ko habang hinahampas siya. At natigil sa pagsasalita sa sagot nya.
“Oo meron ng iba! Ano Okay na ba Lei?” Hindi ko alam kung pano mag rereact sa sinabi nya. So meron ng iba? Pinagpalit nya na ako.
“Bakit Dominic?” Tanong ko habang umiiyak.
“Ano bakit?” Dominic.
“Bakit mo nagawa ‘to sakin? All this time naging faithful naman ako sayo ah. Minahal kita ng higit sa kahit na ano. Pero ano to? *sobs* Bakit pinagpalit mo ako sa iba?” Sabi ko habang umiiyak. Hindi ko na mapigilan umiyak ng todo.
“Sorry”Yan lang ang nasabi niya sakin. Hindi ko na kaya. I left without even looking back. Umakyat na ako sa kwarto ko at iniwan siya mag isa dun.
His words stabbed like a knife.Ang sakit marinig sa taong mahal na mahal mo na may gusto na siya iba.
Bakit ganun? Minahal ko naman siya pero bakit sinaktan nya ako ng ganito? Wala naman ako maalala ginawa ko mali. Oo selosa ako minsan pero diba natural lang yun? Natural lang magselos kung mahal mo yung isa tao? Mali ba?
Kung ano ano sumasagi sa isip ko ngayon. Gusto ko maintindihan kung bakit kinailangan nya maghanap ng iba? Kung bakit kailangan nya ako ipagpalit sa iba. Ang dami ko tanong. Pero hindi ko alam ang kasagutan.
Sana pala hindi ko na siya hinayaan pumunta ng states noon. Para hindi siya nakahanap ng iba.baka sakali ngayon ako pa din ang mahal nya at baka sakali masaya pa kami ngayon. Mali ba na pumayag ako? Tanga ba ako para magtiwala sa kanya? Mali ba na siya ang pinili ko?
Isang taon relasyon na punong puno ng pagmamahal noon. Pero ngayon tinapon nya lang dahil nakahanap na siya ng iba? Mas maganda at matalino ba yung pinagpalit nya sakin? Mas sweet ba sakin? Ano ba kulang ko? O baka naman rason nya lang yun para iwan ako?
Hindi ko na alam Ang alam ko lang ngayon nasasaktan ako.
Napatingin ako sa picture frame sa tabi ko. Hindi ko na napigilan at binato ko yun.Hindi ko kaya tignan ang picture na yun. ang picture kung saan masaya pa kami.
Bakit ganito? Ganito ba talaga ang magmahal? Lagi may katumbas na sakit at luha?
BINABASA MO ANG
Even The Pain (Completed)
Teen FictionCan you still love someone? Even it conquers the pain?