ETP 5

197 3 0
                                    

Dominic’s Pov

Akala ko magiging madali ‘to para sakin. Pero hindi pala. Dati naman sanay ako makipag break agad sa una masasaktan ako tapos lilipas din. Pero ngayon iba ‘to. Hindi ko maexplain kung gaano kasakit. Nakakatawa man isipin pero eto ako umiiyak dahil lang sa isang babae. Break up lang naman ‘to. Pero bakit ganito kahirap iabsorb.

Hindi mawala sa utak ko yung itsura ni Lei kanina nung sabihin ko may gusto ako ang iba. Nasaktan ko talaga siya. Pero wala naman iba eh. Siya lang. siya lang minahal ko simula nung maging kami. Kinailangan ko lang talaga magsinungaling para bitawan nya na ako.

Dapat ko ba ikatuwa na binitawan nya na ako? O dapat ako magwala dahil pinakawalan ko ang babae pinakamamahal ko?

Tanga na kung tanga pero kailangan ko gawin ‘to. Para din naman sa kanya ‘to eh para hindi na siya masaktan bandang huli.

Maya maya nag ring ang Cellphone ko. Si Lei tumatawag pero bakit kaya? Hindi ko alam kung dapat ko pa sagutin. Siguro wag na lang.

Tinuloy ko pa din ang pag inom. Baka sakali pag nalasing ako at pag gising ko bukas baka mabawasan na yung sakit na nararamdaman ko.

(Morning)

Papasok na ako ng school ngayon. Kailangan ko maghabol para sa klase ko. Ilang days din kasi ako hindi nagpapapasok at kailangan ko humabol lalo na at graduating student ako.

Ilang subjects na pero wala pa din ako “Lei” na makita. Maski si Iza wala. dahil ba 'to sa nangyare kahapon kaya hindi siya pumasok? tsssss. -,-

Hindi ko na mapigilan mag alala tinanong ko na yung iba namin kaklase nagbabakasakali may alam sila.

“Em alam mo ba kung bakit hindi pumasok si Lei at Iza?” Tanong ko.

“Sorry hindi ko alam eh. Tatanungin nga din sana kita kasi tatanungin ko yung Girlfriend mo about sa project namin” Sabi niya.Girlfriend ko? Nevermind.

“Ah ganun ba? Sige salamat na lang ah” Sabi ko tapos umalis na ako. Pupunta na lang siguro ako ng Library.

Naglalakad ako sa hallway ng school ng nakita ko si Ken. Babatiin ko sana siya dahil matagal na din kami hindi nagkikita mula nung dumating ako galing states. Pero nagulat na lang ako ng bigla nya ako suntukin at sa sobrang lakas ng suntok nya ay napaupo ako.

“Ano bang problema mo?!” Tanong ko.Habang pinupunsan yung dugo sa labi ko. sa lakas ng suntok nya.

“Ikaw pare anong problema mo! Gag* ka sinabi ko sayo ingatan at alagaan mo si Lei pero ano ginawa mo?!” Galit nya sabi. Habang hawak nya parehas ang kwelyo ng uniform ko.Ano bang pinagsasabi nya? Dahil ba sa break up namin?

“Alam mo hindi kita maintindihan ano bang sinasabi mo!? At bakit mo ba ako sinuntok?!” Sabi ko sabay tulak sa kanya. Lalapit sana siya sakin ulet pero pinigilan na siya nung mga tao nakakakita samin.

“Nasa hospital ngayon si Lei! Ng dahil sayo! Alam mo ba hindi pa din siya gumigising hanggang ngayon?! Ano ba bitawan nyo nga ako!?!!!” Sabi niya sa dalawang lalaki umaawat sa kanya."Ito tatandaan mo dominic sa oras na may mangyare masama sa kanya? Hindi ko alam pero baka mapatay kita!" 

Tama ba ang narinig ko nasa ospital si Lei? At ako dahilan? Pero bakit? Lumapit ako kay Ken.

“Saan hospital?! “ Tanong ko habang nakahawak sa balikat nya.

“Bakit pupunta ka?! Wag na dominic baka kung ano nanaman mangyare sa kanya! Pinaalam ko lang sayo para may alam ka naman! Bitawan nyo na nga ako?!!!!” Tapos binitawan siya ng dalawang lalaki at umalis na. At Ako? Eto Naiwan ako tulala dito. Hindi ko kasi alam kung paano ako maglalakad. para ako nafreeze sa narinig ko. 

Si Lei nasa ospital siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyare masama sa kanya.Hindi kakayanin ng konsensya ko at mas lalo hindi ko kakayanin...

Even The Pain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon