Tatlong taon ang lumipas. Pero eto pa rin ako umaasa na magbabalik siya. Ang babae pinakamamahal ko.
“Just be happy and forget me” Dapat ko na nga ba sundin ang sinabi niya yan. Pero para hindi ko kaya. Iniisip ko pa lang para na ako mamatay.
Naging successful ang story ginawa namin ni Liera. Maraming nakarelate at umiyak. Naging box office movie pa nga eh. Sana lang alam ni Liera kung gaano naging ka- successful ang story nya. Pero sana naging successful din ang story namin. sana
Pathetic na siguro ang maitatawag nyo sakin dahil umaasa ako isang araw babalik na siya dito. Miss na miss na kita Liera Martinez. Ilang taon ang lumilipas pero yung pagmamahal ko sayo ganun pa din.
Sinusubukan ko magmahal ng iba pero wala pa din. Ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko. Huminga ako ng malalim at yumuko. Hanggang sa lumuluha na pala ako. Matagal na pero masakit pa din
“So totoo pala na hinihintay mo ko?” Para umatras lahat ng luha sa mga mata ko. Kilala ko ang boses na ito. Ang boses na pinapangarap ko marinig araw araw.
“Liera…”
“Dom” Hindi ko napigilan at yinakap ko siya.
“Liera bakit ka umalis?” Tanong ko sa kanya habang yakap ko siya.
“Para hindi ka masaktan Dom. “ Sabi nito. Kahit maiksi lang ang naging sagot nya. sapat na yun para maintindihan ko siya. Para mabawasan yung sakit sa puso ko. Hinawakan ko yung kamay nya. at may kapa ako. Kaya tiningnan ko siya.
“You’re married?” Tanong ko dito. At tumango siya. Kaya napayuko ako. At binitawan ang kamay nya.Yung saya naramdaman ko dahil nandito na siya ulet ay napalitan ng lungkot dahil hindi na pwede kami.
Nagulat ako sa ginawa nya. lumuhod siya sa harap ko.
“Anong ginagawa mo Liera?”
“Look Dom. Medyo nakakahiya ito ginagawa ko. For pete’s sake. Sobra. Pero eto na talaga umalis ako noon para iligtas ka. Para sa kaalaman mo Dom Zapata nagkaborfriend ako ng Gangster. At sa sobrang pagmamahal nya sakin. Pinabugbog ka nya at sinabi nya din sakin na kapag hindi nya ako nakuha ay buburahin ka nya sa mundo”
“Bakit hindi mo sinabi?”
“Dahil alam ko gagawa ka ng paraan para hindi mangyare ang gusto nya. At yun ang ayokong mangayare dahil kilala ko James. I know what is he capable of. At mas hindi ko kakayanin mawala ka. Kaya kahit masakit nagsakripisyo ako”
“Pero—“
“Wag ka nga muna magsalita para matapos na ako ang sakit na ng tuhod ko. Pumunta kami ng America ni James at dun nagpakasal. Pero dahil hindi nagwork ang marriage namin he let me go. Akala nya kasi dati at matutunan ko talaga siya mahalin pero hindi pala kasi ikaw lang talaga ang laman ng puso ko. “
“So? Anong sunod nangyare?”
“Ito na nga diba? Yun nga kaya nakipag divorce siya sakin. At ngayon bumalik ako dito para sayo” Naguguluhan pa din ako sa sinasabi niya.
“Eh ano yan suot mo singsing?”
“Tanga ka talaga. This is our wedding ring. Okay eto na talaga. Dom Zapata will you take me as your wife?” Tanong nito kaya napangiti ako.
“Pwede pag isipan?” Pang aasar ko sa kanya.
“DOM!!!!!!!!!!!!!!!”Kinuha ko yung kamay nya at inalalayan siya patayo.
“Liera you don’t have to propose. Dahil ikaw lang ang nag iisang babae mamahalin ko hanggang sa mamatay ako.”And she smile.
“So ano nga sagot mo?”sabi nya.
“Yes Ms.Martinez I’ll marry you” At yinakap nya ako. Sobrang saya ko dahil sa wakas eto na. Akin na siya ng buong buo. And I promise this time hindi ko hahayaan mawala siya sa buhay. Kung kailangan pati buhay ko ibibigay ko para sa sakanya.
We thought that our love story will never have a Happy Ending.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
But now I realize that every story really has its Happy Ending, Coz if its not happy still it is not the ENDING…
BINABASA MO ANG
Even The Pain (Completed)
Teen FictionCan you still love someone? Even it conquers the pain?