Iza’s Pov
Ilang araw na ang lumilipas pero hindi pa din nagigising si Lei at ilan araw na din ako hindi mapakali para sa kaibigan ko. Si Dominic? Ayun madalas din siya magpunta dito sa hospital pero hindi ko siya hinahayaan makalapit. Siya ang may kasalanan nito kaya wala siya karapatan.
Oo galit ako kay Dominic. Pinagsisihan ko naging boto ako sa kanya para sa kaibigan ko. Wala ginawa ang kaibigan ko kundi mahalin at alagaan siya. Pero ngayon? Eto nasa bingit ng kamatayan si Lei dahil sa kanya sa sobrang pagmamahal nito sa kanya.
Hindi ko namalayan sa sobrang pag aalala ko kay Lei. Ay hindi pa din ako kumakain. Kaya nagdecide ako na pumunta muna sa cafeteria ng hospital para makakain.
Kung itatanong nyo kung nasan ang magulang ni Lei? Nandun sa trabaho nila hindi sila makapag stay ng matagal dito sa hospital. Pero kahit papano ay madalas sila dumalaw. Pinaiwan din nila dito ang yaya ni Lei. Si Yaya Nene. Pero ngayon ay umalis muna siya para kumuha ng gamit ni Lei pero nangako naman na ito babalik naman agad.
Magbabayad na sana ako ng biglang may sumingit.
“Ako na ang magbabayad” Tumingin ako at nakita ko si Jon na inaabot yung pambayad sa binili ko.
“Salamat” sabi ko.
Pagkabayad nya ay umalis na kami at naglakad pabalik sa kwarto ni Lei. Naglalakad lang kami ni Jon pero wala nagsasalita samin. Ewan ko kung bakit siguro nagkakahiyan kami.
Hindi ko na kaya ang scenario ito. Kaya magsasalita na ako.
“Bakit ka nandito?” Tanong ko0 habang nakatingin ng malayo.
“Pinuntahan talaga kita.” Sabi niya. Ewan ko ba pero kinilig ako.
“Ako? Wala naman ako sakit ah? Bakit kailangan mo ako puntahan?” Pagtataka tanong ko.
“Hindi ko alam basta gusto lang kita makita. *smile*” Tumingin lang ako sa kanya. Nagkatitigan kami ewan ko pero bigla lang din ako napangiti.
“Hindi ka pa din nagbabago bolero ka pa din” Biro ko na lang sa kanya.
“Wala naman nagbago” Natameme ako sa sinabi nya. Anong bang ibig sabihin nya? Mahal nya pa ako? Naguguluhan ako.
Ynah’s Pov
Pumunta ako sa hospital para makita ang lagay ni Lei dahil nabalitaan ko ang nangyare sa kanya.. Palabas na sana ako ng elevator nung isang araw ng makita ko si Dominic na dumaan at nagmamadali paakyat ng kwarto ni Lei.
Kita kita sa mukha nya ang pag aalala. Tatawagin ko sana siya pero napakabilis ng lakad nya. Kaya nag decide na lang ako na sundan siya. Pagkarating ko sa 4th floor. Hindi ko sinasadya makita pero magkausap sila ni Iza.
“Iza hindi ko sinasadya” Narinig ko sagot ni Dominic.
“Hindi mo sinasadya? Hindi mo sinasadya masaktan siya? Ano ba kasi ang problema mo! Nagpunta ka lang ng states nagkaganyan ka. Nabasa ko sa cellphone ni Lei yung text na dapat isesend nya sakin. Break na pala kayo! For sure ikaw ang ikaw nakipagbreak dahil yung kaibigan ko yan? Hindi niya magagawa iwan ka dahil mahal na mahal ka nya” Sabi ni Iza na galit na galit.
Break na sila? At si dominic ang nakipagbreak? Dahil ba ‘to dun sa sinabi nya sakin? Pero bakit hindi nya ako ininform? Sabi niya ako ang gagamitin niya para makipagbreak kay Lei? Nakinig na lang ako sa usapan nila ulit.
“Mahirap iexplain Iza. Kailangan ko gawin yun para sa huli hindi ko na siya masaktan ng todo” Sabi ni Dominic. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero nakokonsensya na ako.
“Ipaintindi mo Dominic! Kasi dahil diyan sa mga “Hindi nyo maiintindihan” halos ikamamatay nay an ng kaibigan ko. “
Nakita ko yumuko na lang si dominic. Hindi ko na kaya ang nakikita ko dapat ko ng ayusin ang ginawa ko. Hindi na kakayanin ng konsensya ko mahirapan si dominic sa isang malaki kasinungalingan ginawa ko.
Palabas na ako ng Hospital ng makasalubong ko si Jon. Ang pinsan ko.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Jon.
“Wa-wa-la naman. Jon may isa ako pabor sayo” Sabi ko habang hinahanap ang envelope sa bag ko. At inabot sa kanya.
“Anong gagawin ko dito?” Pagtataka nya habang hawak ang envelope.
“Ibigay mo yan kay Lei kapag nagising na siya. Importante makuha nya yan.” Tapos umalis na ako at nakita ko nagtataka pa din ang pinsan ko.
Kapag nakuha ni Lei yun. Maiintindihan nya na ang lahat kung bakit nagawa siya saktan ni dominic. Sana pagakatapos nya mabasa ang nakasaad dun ay mapatawad nya ako…..na sana maintindihan nya ako kung bakit ko nagawa yun.
Matagal ko ng gusto sabihin sa kanya ang totoo lalo na kay dominic pero natatakot ako..natatakot ako tuluyan ng mawala si Dominic sakin......
BINABASA MO ANG
Even The Pain (Completed)
Teen FictionCan you still love someone? Even it conquers the pain?