Liera Martinez
Hindi ko alam kung ano gagawin ko sa ending ng story nila Lei at Dominic. Pero sinisigurado ko hindi dapat sila magkatuluyan. Hindi dapat sila maging Masaya. Wala dapat happily ever after. Dapat may masaktan dapat may umiyak. At lalo na dapat meron manghinayang sa kanila dalawa.
Oo tama kayo. Lahat ng nangyari kay Dominic at Lei ay isang kathang isip lang. Pero bawat linya nila na sinusulat ko ay totoo galing sa puso. Lalo na ang mga linya ni Lei na nagpaantig at tumama sa inyo.
Siguro nga bitter ako. Pero masisi nyo ba ako? Nasaktan kaya ako simula ng iwan ako ni Dom ng walang sapat na dahilan. Pinagmukha nya ako tanga nung makipagbreak siya sakin sa lugar kung san kami madalas magkita. Para ako tanga na nagmamakaawa sa kanya na wag nya ako iwan. Na hindi ko kaya mawala siya sa buhay ko. Dahil siya na ang nagging mundo ko.
At oo aaminin ko hindi pa din ako makapag move on. Masakit kaya….SOBRA!
Kaya nga sa istorya ginagawa ko. Hinahayaan ko si Dominic ang mas masaktan. Siya ang madalas umiyak siya ang nagmamakakaawa. At siya ang lumalabas na kaawa awa. Para kahit atleast ditto siya ang nasasaktan ng sobra.
“Liera kelan ba matatapos yan istorya mo? Kailangan na daw eh” Sabi ni cheena habang nakasandal sa table ko. Nasa office nga pala ako at kasalukuyan nagtatype. Isa nga pala ako writer sa Cinema Star.
“Sa totoo lang hindi ko alam.” Sabi ko sabay harap sa kanya.
“Anong hindi mo alam? Ano ka ba Liera syempre bago ka mag start ng isang story alam mo na din kung ano ending nyan” Totoo ang sinabi ni cheena. Pero sa lahat ng story ginawa ko eto storya na ‘to ang pinakanahirapan ako gawan ng ending. Hindi ko alam kung bakit.
“Hindi ko alam cheena. Basta nung simulang ko itype ‘to para gusto ko lang ilabas lahat ng sakit naramdaman ko kay Dom.”
Oo si Dom. Ang halos 4years ko na boyfriend simula 1st year college. Nakakatawa man pero halos 2years na din ang lumipas simula ng nakipag break siya. Pero eto ako miserable pa din dahil sa kanya. Siguro dahil binigay ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Kaya nung iwan nya na lang ako ay ganun na lang kasakit para sakin.
“So bago matapos ang storya yan kailangan magkita muna kayo ni Dom?” Napaisip ako bigla sa sinabi ni Cheena. Yun nga ba ang kailangan ko para matapos ko ang storya ‘to? Dapat ko nga ba siya makita?
O mas dapat ko siya hanapin para malinawan at masagot ang lahat ng tanong ko. Para mabawasan yung sakit dito sa puso ko.
“Hindi ko alam cheena basta hindi ko pa alam ang ending” Sabi ko sabay tingin sa kisame.
“Nako girl this Friday na kailangan isubmit yan story mo. Para makapili na sila kung ano story ang gagamitin nila para sa movie na irerelease sa 2014. Kaya dapat tapusin mo na yan. Or else nga nga ka” Sabi ni cheena.
Tama siya. Kailangan ko na din matapos ‘to pero ano nga ba dapat ang ending?
---------------------
Kakauwi ko lang galing trabaho. Muli ko binuksan ang laptop ko at nag iisip kung ano nga ba ang susunod na kabanata sa kwento ko. Dapat bang mamatay si Lei? O dapat si Dominic ang mamatay? Ugh! Hindi ko alam. Binuksan ko muna ang facebook ko. At grabe sa tagal ko hindi nag online…
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
2friend Request lang?! Grabe naman! Tapos wala man lang ako notification? Jusko pati facebook ko napaka miserable nyeta! Inopen ko yung 2friend request.
Bigla ako napaupo ng maayos sa nakita ko. Inaadd ako ni Dom Zapata. Ang ex boyfriend ko. Ang nagpaiyak sakin. Ang naging dahilan ng pagigibg bitter ko at ang lalaki mahal na mahal ko pa rin hanggang ngayon.
Ignore or Confirm lang pagpipilian ko. Pag inignore ko siya for sure iisipin nya bitter pa din ako at hindi makamove on. Pero kung confirm para wala lang. So dapat confirm?
Ay ewan tinawagan ko si Cheena para itanong ang gagawin ko.
“Hello cheena gising ka pa ba”
“Actually tulog na ako nagising lang ako sa tawag mo. Bakit ba napatawag ka? 1am na ah”
“Kasi may nag add sakin sa facebook. Hindi ko alam kung iaaccept ko”
“Pakyu ka naman girl. Dahil lang sa nag add sayo facebook kaya tumawag ka?!”
“Hindi mo kasi naiintindihan”
“Ipaintindi mo please”
“Si dom inadd nya ako”
“OMG! Iaccept mo!”
“Aray naman sakit sa tenga ng boses mo.”
“Ikaw naman sakit sa ulo. Pagod kaya ako tapos tumawag ka. Anyway iaccept mo girl chance nay an for 2nd chance”
“Gago agad agad?”
“Oo girl wag ka ng umarte na parang ang haba ng hair mo so go na!”
“Sige na nga!”
“Osige na matutulog na ako. Bye”
Dapat ko nga ba iaccept? At yung second chance na sinasabi ni cheena? Dapat ko din bang tanggapin? Punyeta naman. Napaparanoid ako. Pag aaccept lang ng friend request sa f bang dami ko na agad iniisip.
Humarap ako ulit sa laptop ko at.
ACCEPT!
BINABASA MO ANG
Even The Pain (Completed)
Teen FictionCan you still love someone? Even it conquers the pain?