"Mga putang ina niyo!"
Nagising ako sa sigaw na narinig ko. Nakatulog ako sa aming sofa sa kahihintay sa kay mama. Pagpasok na pagpasok niya sa aming bahay ay nagwala na siya agad. Umaalingasaw pa mula sa kanya ang baho ng whiskey. Lasing at umiiyak. Hinubad niya ang kanyang heels at binato malapit sa flatscreen LG tv namin. Binato naman niya ang kabilang pares sa aking mukha nang nakita niyang papalapit ako sa kanya. Bigla akong nahilo at randam ko ang sakit ng aking noo na ngayon ay dumudugo na dahil sa spatos ng aking ina.
"Hoy! ikaw! Bakit ka pa gising? Aalis ka din? Iiwan mo rin ako gaya ng walang kwenta mong ama? At saan ka pupunta? Siguro may boyfriend ka na! Ang bata bata mo pa punyeta ka ang landi mo! Manang mana ka talaga sa mama mo! Hahahaha"
"Ma, tama na, lasing ka, tara na at umakyat na tayo para makapagpahinga ka na"
Nang biglang may pumasok na lalaki sa bahay namin.
"Oh? bakit mo naman ako iniwan? Di ba sabi ko, hintayin mo ko dahil iihi pa ako sa labas?"wika ng isang lalaking lasing. Matangkad, matipuno at nakabukas pa ang zipper.
"Antagal mo kasi eh. Alam mo namang sabik na sabik na kong makasama ka tonight! Let's make love babeh!" sigaw ng aking mama sabay yakap sa lalaki at hinalikana ang leeg.
Tiningnan lang ako ng lalaki at nagpatuloy sa paghalik sa aking ina. Binuhat niya si mama at nagmadaling umakyat at pumasok sa kwarto.
Nakatayo pa din ako doon mismo sa kinatatayuan ko nang binato ako ni mama. Hindi ako nakagalaw o nakaimik. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.
"Paano nagawa ni mama yun? Bakit may dala siyang lalaki??"
Hindi ko lubos maiisip na magagawa ni mama yun. Para sa akin, isa siyang ehemplo ng isang perpektong ina. Mapagmahal, mabait, maaasahan at hindi nananakit. Hindi umiinom. Hindi nagwawala.
Habang papalapit ako sa kwarto niya ay naririnig ko na ang mga ungol ni mama. Tila sarap na sarap siya sa ginagawa nila. Hindi pa nga nakasirado ang pintuan.
Kitang-kita ng dalawang mata ko ang kababuyan na ginagawa nilang. Hubo't hubad na nagpapakasasa sa piling ng isa't isa. Nakapikit ang mga mata, nakanganga at halos magliliyag ang kama dahil sa pagkikiskisan ng mga katawan nila. Ang aking pinakamamahal na mama, nakapatong sa isang hindi kilalang lalaki. Napaiyak na naman ako sa nakikita at naririnig ko.
"Ha! Di ba mas masarap ako kumpara sa amoy lupa mong asawa?" sambit ng lalaki na ngayon ay nasa ibabaw nani mama.
"Shit! Sobra! Buti nalang wala na yung hayop na yun! Oh cge! Buhayin mo pa ang pagkababae ko na matagal nang natutulog!"
Hindi ko kinaya at tumakbo ako patungo sa aking kwarto. Hindi na sila nahiya kay papa. Dalawang linggo pa lang mula nang mamatay si papa ay kung ano ano na ang ginagawa nila. At ang lalaking yun. Sino ba siya? Bakit siya nandito? May relasyon ba sila ni mama? At mama, paano mo nagawa yun? Mahal na mahal ka ni papa. Mahal na mahal kita. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari. Halos sasabog na ang dibdib ko dahil sa sama ng loob. Halos mawalan ako ng hininga sa kaiiyak. Ano ba ang kasalanan ko sa Diyos kung bakit pinaparusahan ako ng ganito? Bakit pinaparusahan ang buong pamilya ko?
Nagdaan ang mga araw na parang ako ay nasa isang panaginip. Sinasaktan ako ni mama kahit wala naman akong kasalanan sa kanya. Napag alaman ko na pangalan pala ng lalaking iyon ay Javier Soledo. Isang barista sa bar na parating pinupuntahan ni mama.
Si mama. Nag iba na siya. Araw araw nalng umuuwi sila ni Javier na lasing. Kapag umuuwi sila, hinahanap ako agad ni mama at pinapagalitan kahit wala naman akong ginawa. Pumapasok ako sa iskwelahan na may mga pasa sa katawan. Pinipilit ko pa rin na mag aral ng mabuti. Hindi na ako binibigyan ni mama ng pera. Hindi ko naman kailangan, hatid-sundo pa rin ako ni Mang Oliver at may ipon pa naman ako sa aking bank account na makukunan ko ng pera kapag kailangan.
Akala ko ay wala ng may mas sasama pa sa nangyayari sa akin ngayon. Doon pala ako nagkakamali, makaraan ang ilang buwan, unti-unti nang umaalis ang mga maid namin sa bahay, hindi na daw nila kaya ang pagmamaltrato sa kanila ni mama at hindi na sila sinisweldohan. Naaawa ako sa kanila pero wala naman akong magawa. Pati si mang Oliver ay napilitan ding umalis.
Ang mga sasakyan namin binenta na ni mama para may pambayad siya sa mga utang niya sa mga sugarol niyang mga kaibigan. Makalipas ang ilan buwan, tanging ang bahay namin nalng ang natitira sa amin. Binenta ko na nga ang iba kong mga damit para lang may magastos ako sa pamasahe papuntang school. Pagkatapos ng isa pang buwan naputulan na kami ng kuryente. At lalong nagalit si mama.
"Ikaw! Punyeta kang bata ka! Kasalan mo to lahat eh!" sumbat ni mama sa akin. Lasing na naman. Ibang iba na ang hitsura niya ngayon. Nka pekpek shorts at tube top at naka red high heels. Bakas sa kanyang mukha ang stress ng problema niya sa pera. Tila tumanda ang hitsura niya ng sampung taon. Kahit na makikita mo pa rin ang ganda ng katawan niya, hindi maipagkakaila na pumayat siya at hindi na malusog tingnan ang kanyang balat.
"Mama, wala akong ginagawa.." mahinang sagot ko sa kanya.
Natatakot ako baka sasaktan na naman niya ako.
"Eh gaga ka pala eh! nag aaral ka pa na alam mo namang walang patutunguhan yan! letse! Magtrabaho ka nga!" sigaw sa akin ni mama na para bang wala na akong silbi sa kanya.
"Ma! Bilin ni papa na kahit anong mangyari, tatapusin ko ang pag-aa-" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil sa sampal na nakuha ko kay mama.
"Don't you ever mention that fuckin' bastard! Bastos ka! Wala kang respeto!"
Hinila ni mama ang buhok ko at kinaladkad patungo sa laundry room.
"Oh ayan! maglaba ka! Gaga ka! Wala kang kwenta!"
At umalis na siya, Narinig ko pagkatapos ang pagbukas at pagsara ng main door namin hudyat na umalis na siya,
Lumuluhang nilabhan ko ang mga damit ya pati na rin ang walang hiyang Javier na yun. Pati ba naman mga brief niya ay sa akin pinalalabhan.
Napakamiserable na talagang buhay ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa matatapos ang pag aaral ko. Ayaw kong matulad sa mga walang pinag aralan na mga babae sa lansangan na nagbebenta ng katawan. Hinding hindi ako tutulad sa kanila. Hindi ko alam na kakainin ko lng pala lahat ng sinabi ko.