Hindi ako papayag ma mangyaring masama kay Ryan. Importante siya sa akin. Siya lang ang taong tumanggap sa akin at naging tagapagligtas ko. Kung tutuusin, hindi ako karapat-dapat sa kabutihan niya. Isa lang akong masamang babae na dapat parusahan. Marami akong nagawang masama at hindi ko yun pinagmamalaki.
Ang aking mama. Kamusta na kaya siya. Galit pa ba ako? Hindi ko alam. Sa lahat nangyari sa akin, hindi ko na siya kinamusta. Naaalala pa niya kaya ako? Hinahanap ba niya ako? Kapag naaalala ko ang mga taon na pinagbili niya ako sa ina't ibang lalaki, hindi ko mapigilan na mapaiyak at malungkot. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit niya nagawa yun. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nalilinawagan. May tsansa pa ba na magkakabati kami ni mama? Na babalik sa dati ang pamilya namin? Sana hindipa huli ang lahat.
Ang huli kong natatandaan ay may narinig akong putok habang nag aagawan sina Ryan at Jeff ng baril. Si Ryan, na walang kasalanan kundi protektahan ako. Ano kaya ang nakita sa akin ng lalaking yun bakit sobra sobra ang pagpoprotekta niya sa akin. Wala nga akong nagawa na mabuti sa kanya noon. Puro pagmamaldita ang nakuha niya sa akin. Kung ako ang tatanungin kung mahal ko si Ryan. Hindi pa ako sigurado. Natatakot ako. Natatakot akong magmahal muli. Natatakot akong masaktan.
"Cherry mahal kita.."
Mga huling salita ni Ryan bago may bumalot na sakit sa katawan ko. Bago ako nawalan ng malay. Bago dumilim ang lahat.
Kadilim. Heto na naman ako. Wala na naman akong makita. Binabalot na naman ako ng katakut-takot na kadiliman.