Kinakabahan ako, sa unang pagkakataon pagkatapos ng makalaya ako kay Jeff, naglakas loob akong lumabas ng bahay ni Ryan kasama siya.Nagpasiya kaming sa simbahan pumunta, kailangan kong mangumpisal.Simula ng naging pokpok ako, hindi na ako nakakasimba, pero ngayon desidido akong magbalik loob sa Diyos.Ito ay isa sa mga unang hakbang para mawala ang takot ko sa mundo. Simula ng nangyari sa akin, hindi ako lumabas sa bahay ni Ryan, nagkulong lang ako buong araw at nag-isip. Minsan kung walang trabaho si Ryan, nagkukwentuhan kami. Pero hindi ko talaga kaya na lumabas. Natatakot ako na baka makita ako ni Jeff, oh may kakilala si Jeff na makakita sa akin at siguradong isusumbong ako. Nawalan ako ng tiwala sa sarili at pati na sa ibang tao.
Pero dahil sa pagpupursigi ni Ryan, napapayag niya ako na lumabas at kahit sa simbahan lang kami pupunta.Suot ang itim na jacket at shades na bigay ni Ryan, tumungo kami sa simbahan.
"Father patawarin ninyo po ako dahil sa nagkasala ako"wika ko kay Father Christian June.
"Ano ang mga kasalanan mo iha"
"Father, isa po akong pokpok, bugaw ang nanay ko, nainlove ako sa isang lalaki tapos hinayaan ko na maging alipin niya at parausan ng isang taon, at hinampas ko siya sa ulo para makatakas."
Hindi agad naka sagot si Father Christian June.
"Father, masama po akong babae" Hind ko napigilang umiyak.
"Iha, lahat tayo ay nagkakamali, ang importante ay marunong tayong humingi ng patawad sa Poong Maykapal."
"Father, ginawa niya akong alipin, inabuso niya ang pagkababae ko" Iyak pa rin ako ng iyak.Parang bumalik na naman sa alaala ko ang mga nakakasukang nangyari sa akin.
Ibinuhos ko ang lahat ng hinanaing ko kay father.Mula sa pagkamatay ni papa, hanggang sa naging pokpok ako, hanggang sa naging kami ni Jeff, hanggang sa gabi ng pagtakas ko. Inilahad ko ang lahat sa Diyos. Walang labis. Walang kulang. Alam ko na hindi niya ako huhusgahan, sikat si Father Christian June dito sa Iloilo dahil sa kanyang kabaitan at malasakit sa kapwa.Hindi ako nagkamali ng piniling simbahan.
"Father, ano ba ang gagawin ko, natatakot akong magsumbong sa pulis"
"Hindi kita pwedeng diktahan kung ang dapat mong gawin iha, alam ko na nagsisisi ka na sa mga kasalanan mo. Nasa iyo pa rin ang huling desisyon kung magsusumbong ka, pero kailangang maging handa ka sa kung ano man ang mangyayari. At sa gabay ng Diyos, alam ko na malalampasan mo ito. Magtiwala ka lang at ipaubaya mo sa Poong Maykapal kung ano man ang susunod na mangyayari. Makakaya mo ito. Alam kong isa kang malakas na babae. Gamitin mo ito sa paraang makakalamang ka at magtatagumpay."payo ni Father Christian June.
"Salamat Father. Maraming salamat"
Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos nga pangungumpisal. Tila may malaking tinik na binunot mula sa dibdib ko. Nasa labas ng simbahan si Ryan naghihintay, nilapitan ko siya.
"oh kamusta? tanong niya sa akin.
"I feel better" sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam na may nakatingin pala sa akin. Nagmamatyag. Nagmamasid.