MALDITA series presents CHERRY CHAPTER 3

44 1 0
                                    

"Hoy Cherry! putang ina mo! bilisan mo!"

"Ha! Putang ina ko? Tama ka puta nga siya!"

Halos mawalan na ako ng hininga sa kakatawa namin ni Rubi. Gusto talaga naming pagtawanan pag si mama este si Letticia na ang pinag-uusapan namin. Suot ang pinka sexy kong pekpek shorts at red tube tubetop na nilalantad ang malulusog kong dibdib. Pulang-pulang lipstick pares ng black na eyeliner at eyeshadow, feeling ko makakarami ako ngayong gabi. Pagpasok namin sa bar ay ramdam ko ang mga mata ng mga kalalakihan na nakamasid sa akin. Na para bang hinuhunaran na ako sa tingin. Hindi ko mapigilan na mapa ngiti dahil kitang kita sa pagmumukha nila na gustong gusto nila ang nakikita nila, na gusto nilang halukayin ang aking pagkababae.

Oo. Pokpok. Prostitute. Callgirl. Pampam. Tagapagbigay aliw. Puta. Ako ay isang babaeng bayaran. Nabubuhay dahil sa pera mula sa pakikipagtalik sa mga mayayamang lalaki. Bata, matanda, may asawa o wala, basta may pera, legs ko ay bubukaka.

Simula noong naghirap na kami dahil sa magaling kong ina, natutunan ko na sa putang mundo na ito, ang mga puta lang ang nagtatagumpay. Binenta ni Leticia ang aming bahay at napilitan kaming manirahan sa bahay nina Javier.

Sa unang buwan namin doon halos lahat na ng kalbaryo ay naranasan ko na. Nawalan na ako ng gana na pumasok. Nilayuan na ako ng lahat kong mga kaibigan nang malaman nila na basagulera na ang mama ko at nakatira na kami sa skwaters.

Masakit. Sobrang sakit at hirap. Nawalan ako nga mga kaibigan. Nawalan ako ng ama. Nawalan ako ng Ina. Napilitan akong tumigil ng pag aaral. Hindi ko na makakamit ang pangarap kong maging abogada. At higit pa dun, nawalan ako ng gana na mabuhay.

Makalipas ang pitong taon at eto na ako ngayon. Gabi gabi nasa  '2Mo'disco  bar. Isang sikat na bar dito sa Iloilo. Hindi ito isang ordinaryong bar. Mahal ang entrane, mayayaman lang ang kadalasang napaparito. Pinakabogong mga house music lamang ang pinapatugtog ng mga sikat na dj dito. May tatlong palapag ang bar na to. Unanag palapag ay para sa mga gustong tumambay at kumain. Sa ikalawang palapag ay ang dancefloor kung saan pinapalibutan ng salamin at kumikislap na mga ilaw. Karamihan sa mga tao ay naroon nagpapakalasing, sumasayaw habang kinikiskis ang katawan sa kung sino man. Sa third floor naman ang mga VIP rooms kung saan kung gusto niyong uminom at gusto na medyo pribado.

Nasa second floor kami ngayon, halos puno na ang dance floor. Alas dose pa lang ng gabi pero ang dami nang lasing. Karamihan mga totoy. Mga bata pa.

See? Pokpok ako. Pero ako ang Pokpok na may CLASS. Sosyalera. Gold digger. Kahit ano pa ang sabihin nila, wala akong pakialam. Maganda ako, makinis ang kutis, madaming lalaki ang nagkakandarapa matikman lng ang hiyas ko. Madami na akong pamilya ang nasira. Mga manyak na lalaki na nahuli ng mga kawawa nilang asawa na may kabet. Natatawa lang ako sa kanila.

Gaya ng sabi ko, sa putang mundo na 'to, mga puta lang ang nagwawagi. At sitwasyon ko ngayon, waging wagi ang drama ko.  Konting kembot at lambing lang, naliligo na ako sa pera. Pero syempre pagkatapos ng isang gabi ng yugyugan at pokpokan.

"Hi I'm Mark" Isang matandang lalaki na lumapit sakin habang nakaupo kami ni Ruby sa bar.

"Hi! How can I help you" palambing kong tinanong ang matabang mayaman na to.

"Well, I need someone to be with me tonight. " Nakangiti niyang sagot. Kitang kita ko ang mga ngipin niyang nabubulok na sa katandaan. Medyo amoy lupa pa nga. Sana kasing kapal ng mukha niya ang wallet niya kundi sisipain ko tong gago na to.

"It depends. A girl like me is very high maintenance. You need to show me that you can give me all that I want"

"I'll do anything for you babe." Sabay kuha sa wallet niya at tinawag ang barista. Sinasadya niyang makita ko ang laman ng wallet niya. Ngumiti ako.

MALDITA series presents CHERRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon