"Sister!!!!!!!!! OMG!! I miss you!"
Nagkita kami ni Ruby isang mall. Namiss ko talaga ang gaga na to. Mula nang mag-live in kami ni Jeff ay hindi na kami nagkikita. Hindi na rin kami lumalabas. Napansin ko na parang nangangayayat si Ruby. Ano kaya ang pinanggagawa ng babaeng ito.
"Oh my! I miss you too sis!" sabi ko sa kanya."OH bakit parang pumayat ka?
"Ano ka ba! nagdidiet ako para sa Mutya ng Oton 2013! "
"Ano ba naman yan? Oh, kamusta kayo ni Ron?" tanong ko sa kanya.
"Hay naku! Buti na lang at niremind mo ako! Josko! girl! Iniwan ko na yun! Actually iniwan na niya ako. ANyways! may tsismis na kumakalat na isang drug dealer si Ron! Hindi lang basta basta drug dealer, parang main supplier na siya ng mga maliliit na dealer dito sa atin! Omg! Nakakatakot!"
"Ha? Buti nalang at hindi ka na konektado sa kanya."
"Oo nga, pero may isa pa tayong problema"
"Ano?"
"Sabi din sa tsismis na ang bestfriend niya ay parang partner niya sa illegal na business nila."
"Eh ano ngayon ku- - Ha? Bestfriend? Si Jeffrey ko?"
"Im not sure , hindi nila kilala ang pangalan eh, pero sabi nila mas mabagsik daw ang bespren, mas mala demonyo, nanajit pa daw ng babae, paiba-iba ng pangalan eh" paliwanag ni Ruby sa akin. Randam ko ang concern sa boses niya.
"Hindi siguro si Jeffrey yun, mabait si Jeff, at baka may isa pang bestfriend si Ron, malay natin." Kahit sarili ko, parang hindi sigurado sa pinagsasabi ko.
"Oo nga, baka iba yun. Pero Che, mag-ingat ka ha. Hindi ko sinasabi na masamang tao si Jeff, pero mag-ingat ka, hindi mo pa ganun ka kilala ang tao. Concernd lang ako Che"
"SIge Rubz.Salamat sa pagaalala. Pero mahal ko talaga si Jeffrey. Tatanggapin ko kahit drug dealer pa siya."
Buong araw akong napag-isip sa sinabi ni Ruby. Tama naman siya, hindi ko pa ganun kakilala si Jeff. Hindi ko pa nga nakikita ang mga magulang niya. Wala akong masyadong alam sa kanya, kung saan siya lumaki, at kung may mga masasama siyang karanasan noon. Sa buong pagsasama namin ni Jeff, tanging pinaguusapan lang namin kung gaano ako ka miserable noon, mga pangarap nami sa isa't isa, at kung ano namang posisyon ang gagawin namin sa susunod naming pakikipagtalik.
Wala naman sigurong masama kapag nagtanong ako tungkol sa nakaraan niya. Ang talagang nagpapabagabag sa isip ko ay ang sinabi ni Ruby na nanakit si Jeff. Sa ilang buwan naming magkasama ay ni minsan hindi ko pa nakitang nagalit si Jeff sa akin. Hindi ko lubos maisip kung ano ang mangyayari o kung ano ang gagawin ni Jeffrey sa akin pagnagkaroon na kami ng alitan. Sana hindi siya ang tinutukoy ni Ruby.
Sapat na kaya ang pagmamahal ko kay Jeff na kahit sa kanyang masamang ginagawa ay tatanggapin ko?
At kaya ba ng pagmamahal ko na tulungan si Jeff para magbago? Gagawin ko ang lahat para kay Jeff.