"Buti naman at gising ka na, pinagtipla kita ng kape" bati sa akin ng lalaki.
Nagising ako sa isang kwarto. Malawak ito na pininturahan ng kulay lightblue at light green na nagbigay ng malamig na pakiramdam sa buong kwarto. Nakahiga ako sa isang malaki at malambot na kama.
Tinitigan ko ang mukha ng lalaki, gwapo, moreno at ang linis tingnan. Bakas sa mga mata niya na ang saya dahil nakita niyang gising na ako. Napaisip ako dahil pamilyar ang hitsura ng lalaki sa akin. Parang nakita o nakausap ko na siya noon. Hindi ako sigurado kung saan o kailan pero malakas ang kutob ko na nakausap ko na siya noon.
"Sino ka? Nasaan ako?"
"Huwag kang mag alala, ligtas ka na, nandito ka sa bahay ko, niligtas kita kagabi habang papauwi na ako. Teka, ano ba ang nangyari sayo? Ni-rape ka ba?" tanong niya na halatang nag aalala.
Bigla kong naalala ang lahat ng nangyari sa akin. Lahat ng pasakit at kababuyan na ginawa sa akin ni Jeff. Hindi ko napigilang mapahagulgol ng iyak. Parang nag'flashback' ang lahat ng nangyari sa utak ko. Parang may sariling utak ang mga bibig ko dahil naikwento ko sa lalaki ang lahat ng nangyari sa akin. Nanginginig ako at hindi ko mapigiling umiyak. Nakatingin lang ang lalaki sa akin habang kinkwento ko ang kahalayan na ginawa sa akin. Kung paano ako naging sex slave ng isang taon. Hindi ko akalain na masasabi ko to lahat sa isang lalaki na hindi ko man lang kilala.
Pero habang kinikwento ko ang aking nakaraan, hindi ako nakaramdam ng hiya kundi saya. Masaya ako dahil nkatakas ako sa impyerno na yun. masaya ako dahil may taong nakikinig sa hinaing ko, at masaya dahil makakatulog ako ngayon na walang gumagahasa sa akin.
Alam ko na hahanapin pa rin ako ni Jeff at hindi dito nagtatapos ang lahat pero ang importante lang ay nakalabas na ako sa bahay niya. Gagawin ko ang lahat para mabuhay ng payapa at walang takot.
Hinawakan ng lalaki ang kamay ko. "Masaya ako dahil naabutan kita kagabi. Huwag kang magalala, tutulungan kita"
"Salamat" Ang tanging naisagot ko.
Nagawa kong pigilan ang pagpatak ng aking mga luha at ngumiti sa lalaki.
"Alam mo, parang nakita na kita noon pa, hindi lang ako sigurado."sabi ko sa kanya.
Tumayo siya tumungo sa pintuan. "Ako yung nawawalang lalaki noon na tinarayan mo. Ako rin ang tumulong sayo nang masira ang plastic bag mo at natapon ang mga grocery mo sa gitna ng daan pero tinarayan mo parin ako"
Hindi ako nakasagot. Ngumiti lang siya "By the way, I'm Ryan" At lumabas na siya sa kwarto. Natulala ako.