MALDITA series presents CHERRY CHAPTER 25 -FINALE

27 2 0
                                    

Isang panaginip. Isang masamang panaginip. Nanaginipan kong nabuhay si Jeff at bumangon mula sa hukay at ginahasa na naman ako. Ang imahe ng isang naaagnas na bangkay ang bumababoy sa akin.  Umiiyak ako ng magising. Isang taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin lubos na nawala ang trauma ko sa nangyari sa akin. May mga panahon pa rin na kinakabahan ako kapag may narirnig akong sumisigaw na lalaki o babae. Naaalala ko kasi ang mga sigaw ko noon na nagmamakaawa at humihingi ng tulong. Napakamahirap talagang limutin ang ganitong experience. Napakasaklap.

May naramdaman akong mga kamay na humaplos sa likod ko, at humalik sa aking ulo. Ang init ng kanyang mga palad na nagbibigay ng init at pakiramdam ng seguridad.

"Bad dreams?"

"Yeah. Pero ok na ko. Alam ko naman na nandito ka lang sa tabi ko eh."

"I love you Cherry, huwag mong kakalimutan yan."

"I love you toon Ryan" at sabay kaming nahiga at natulog ulit.

Laking pasasalamat ko sa Diyos nang iligtas niya si Ryan sa kapamahakan. Mga dalawang linggo din siyang na comatose at alalang-alala ako kung makakagising pa siya. Nang gumising siya ay labis akong natuwa. Hindi ko siya iniwan hanggang makalabas siya sa Ospital.

nang malaman niya na buntis ako ay hindi siya nagalit. Ipinangako niya sa akin na aakuin niya ang bata at siya ang tatayong ama nito.

Wala na akong mahihiling pa. Mapayapa ana ang buhay ko ngayon. Magpapakasal na kami ni Ryan sa susunod na buwan. Malusog at natuto nang tumayo si  Charez.

Makalipas ang Limang taon.

"Mama! Bilis! Ang tagal mo naman!" tawag ni Charez sa akin. Nakahanda na sila ni Ryan at naghihintay na lang sa akin para makaalis na kami.

Tinapos ko lng ang make up ko at lumabas na ng bahay. Nandoon si Charez suot ang pink niyang bestida, si Ryan na gwapong-gwapo pa rin, hawak ang dalawang taong gulang namin na anak na lalaki na si Ian. Si Ian na minana ang kagwapuhan ng kanyang ama.

Ngumiti ako . "Let's go. Baka  ma-late tayo sa misa. Si Father Christian June pa naman ang magsesermon ngayon"

Umalis na kami at nagtungo sa simbahan. Pinasalamatan  ko ang Diyos sa lahat ng biyaya. Malulusog at bibo ang mga anak ko. Nagmamahalan pa rin kami ni Ryan. At nataos ko na ang-aaral ko at na-promote na ako bilang manager sa coffee shop. Nagpaplano nga ang mag-asawang Noel at Miles na migrate sa US at ipapamana nila sa akin ang negosyo. Si Ryan patuloy pa rin ang pagiging photographer at nagpaplano siyang tulungan ako sa pag-manage ng coffee shop at palaguin pa ito.

Tama nga ang sabi nila. Ang buhay ay parang gulong. Noon isang priinsesa ako at sa isang iglap lang,  nasa ilalim na ako, nasa putikan at dilim, pero nakabawi at nakaya kong umakyat at bumangon.  Dahil sa pamilya ko ngayon, kahit na ilang beses pa ako hilahin ng tadhana pababa, alam kong kakayanin kong tumayo at umakyat muli patungo sa rurok ng tagumpay.

Ako si Cherry. Certified maldita.

 Tuso pero mapagmahal.

 Mataray pero hindi mapanghusga.

Hindi perpekto, pero may takot sa Diyos. Mataas ang pangarap.

Pokpok noon, ulirang ina ngayon. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MALDITA series presents CHERRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon