MALDITA series presents CHERRY CHAPTER 16

18 0 0
                                    

Letse. Sa dinami-rami ng mga gwapong lalaki na magligtas sa akin, bakit siya pa? Nakonsensya ako sa mga pagtataray ko sa kanya noon. Sino ba naman ang mag-aakala na siya ang magiging knight in shining armor ko? Napaka-unexpected talaga na pagkatapos ng isang taon ay nagkita pa kami ulit.

Nagusap kami ni Ryan buong maghapon.

"Cherry, kailangan mong magsumbong sa pulis. Hindi tama ang mga ginawa niya sayo."

"Ayoko, natatakot ako"

"Eh ano na ang plano mo ngayon? Hindi naman pepwede nga habang buhay ka nalng magtatago."

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko Ryan, natatakot ako! baka kapag magsumbong na ako, mahahanap niya ako at papatayin. At baka madamay ka pa! Gusto ko ng matapos ang lahat ng pagpapahirap niya sa akin! Hindi mo lang alam kung paano mabuhay bilang parausan!" Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung magsusumbong nalang ako o magpapakalayo.

Nirespeto ni Ryan ang desisyon ko na tumahimik muna. Kailangan ko ng ilang araw para mag-isip. Masaya ako dahil hindi niya ako pinaalis sa bahay niya.Mabuti talaga siyang tao. Sabi niya gusto din naman niya na may kasama siya sa bahay.  Naging mabuting magkaibigan kami ni Ryan. Nalaman ko na sa parehong subdivision nakitira si Jeff at ang lola niya. Isang photographer si Ryan. Kinukuha siya ng mga sikat na artist at modeling agency para sa events at photo shoots. Hilig niya ang pag-travel kung saan-saan. Ulila na siya,namatay ang mga magulang niya noong bata pa lang siya at nagpursiging makamit ang pangarap na maging photographer. Masipag na lalaki, at sa edad niyang 28 ay marami na siyang achievements.

Umuwi siya isang araw dala ang mga materyales na pinabili ko. Nagpasalamat ako at tumungo sa banyo. Gamit ang gunting, ginupitan ko ang sarili kong buhok. Mula sa hanggang beywang ko na buhok, pinaiklian ko hanggang leeg. Hinalo ang ang mga sangkap ng hair dye na binili ni Ryan at sinimulan ko ang pagkulay ng buhok ko ng light brown. Naglagay dn ako ng full bangs para medyo takpan ang mukha ko.

Masaya ako sa ginawa ko. Kahit papano nag iba ang hitsura ko. At ngayon dahil maiksi na yung buhok, parang ang gaan sa sa pakiramdam. New look. New life.

Halos isang oras dn ako sa banyo at nagulat si Ryan ng makita ang bago kong hitsura.Sana magustuhan niya ang ginawa ko.Naging komportable na ako kay Ryan, isa siyang mabait at gentleman na lalaki. Nagpapasalamat talaga ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya, marahil ay patay na ako ngayon.Oo, utang ko ang buhay ko sa lalaking ito. Ang swerte ko na may nakilala akong tao na katulad niya.

"Hello, sino ka? Nasaan si Cherry?"biro ni Ryan.

"Wala na si Cherry. Ako na ngayon si Chelsea!"sabi ko sa kanya ng nakangiti. Pagmamalaki sa ginawa kong make-over sa sarili ko.

"Chelsea? Hindi bagay sayo. Kristine nalang"

"Betsy nalang kaya??"tanong ko.

"Pwde pero mas bagay sayo..hmmm.. Raissa.. mas unique yun" sabi ni Ryan na natatawa.

"Hmm. pwede din Luna! Diba? Misteryosa?"pagbibiro ko.

"Cherry nalang, mas maganda"

MALDITA series presents CHERRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon