Napakasakit.
Ang babuyin ng apat na lalaki. Na paglaruan ang pagkababae mo. Bakit ito nangyayari sa akin? Kailan pa matatapos ang kalbaryo ko? Mamamatay ba ako sa ganitong sitwasyon?
Hindi ako makapaniwala na nangyayari na naman ito. Ang buong akala ko, nakatakas na ako sa masamang panaginip na ito.
Dito nalang ba magtatapos ang istorya ng buhay ko? Wala na bang pag-asa para mabuhay ako ng mapayapa at masaya? At bakit kailangan pa niyang damayin sina Ryan, Ruby at Father Christian June?
Pagkatapos nilang pagpasa-pasahan ang aking katawan, ay narinig ko na sumigaw si Ruby, Tinanggal nila siya sa pagkakagapos at dinala sa isa pang mesa malapit sa akin. Tinali nila si Ruby sa mesa tulad ng ginawa nila sa akin. At doon, sa harap ko, kitang-kita ng dalawang mata ko, sinimulan nilang gahasain si Ruby.
"Mga hayop kayo! Bitiwan niyo siya!" sigaw ko.
"Huwag! Maawa kayo! Cherry! Tulungan mo ako! !" Pagmamakaawa ni Ruby. Napaiyak nalang ako sa aking nakikita. Wala akong nagawa, kahit anong pilit ko, masyadong mahigpit ang pakakatali nila sa akin.
Tumingin ako kay Ryan,laking gulat ko na nagawa niyang ibuhol ang tali sa kanyang ,mga kamay at ngayon ay tinatanggal na niya ang tali sa kanyang mga paa. Nang makawala siya ay madali niyang pinakawalan si Father Christian June at may ibinulong ito sa kanya. Dahan-dahang lumapit si Father Christian June sa akin at habang nagtatago sa gilid ng mesa ay sinimulang alisin ang kamay ko sa pagkakatali. Lumipas lang ang ilang segundo ay tuluyan na akong nakawala sa mga tali. Binigay ni Father Christian June ang polo niya sa akin para itabon sa hubad kong katawan.Walang kamalay malay ang mga demonyo, masyado silang nageenjoy sa kababuyan na ginagawa sa kaibigan ko. Magbabayad sila.
Habang nagpapakasaya ang mga halimaw ay nagtago kami sa isang sulok ng bodega at dumating si Ryan na may dalang dos por dos.
"Oh, eto ang gagawin natin, lalabas kami ni Father at gagwa ng ingay, tapos kapag lalabas na sila, ikaw cherry, pakawalan mo si Ruby at maghanap kayo ng tulong" tumango lang kami ni Father Christian June at dahan-dahan silang gumapang papalabas.
Kinakabahan ako, sana walang masamang mangyayari sa kanila.Bigla akong may narinig na nahuhulog na mga tubo sa labas. Napalingon ang mga halimaw at dali-daling lumabas nang makita na wala na ang ibang bihag nila. Kitang kita ko sa mukha ni Jeff ang galit at pagkamuhi. Nang malayo na sila ay nagmadali akong tumakbo kay Ruby at pinakawalan siya.
"Ssshh.. Huwag kang maingay, makakatakas tayo dito." ang sabi ko sa kanya. Umiiyak pa rin siya pero sumunod siya sa akin.
"Ruby kailangan mong umalis dito at humingi ng tulog. Tutulungan ku muna sina Ryan at Father Christian June."
"Natatakot ako Cherry. "
"Ako din Ruby. Pero kailanagan nating maging matapang. Kaya natin to."
"Mag-ingat kayo Cherry"
At patakbong umalis si Ruby.
"Diyos ko, sana po makakuha ng tulong kaagad si Ruby."
Kumuha ako ng tubo at dahan-dahang naglakad patungo kung saan nakita kong pumunta sina Jeffrey.Nagtago ako sa isang drum kung saan nanood ako sa mga nangyayari.
Wala ng malay ang isa sa mga lalaki at ang isa hinahampas ni Ryan ng dospordos. Pagkatapos ng ilang hampas ay nawalan din ito ng malay. Si Father Christian June naman ay nasa isang sulok malapit sa isang puno ng mangga, sinasakal siya ng matandang kalbo na lalaki. Buti na lang ay lumapit kaagad si Ryan at hinampas ang kalbong lalaki sa ulo. At nawalan ito ng malay. Tinulungan ko sila na hilahin ang mga katawan ng mga lalaki at tinali sa puno ng mangga para hindi na makatakas.
"Di ba sabi ko sayo, lumayo ka dito ? Delikado dito Cherry!"
"Hindi ko magagawa na iwan lang kayo dito Ryan.Ako ang dahilan ng lahat ng ito, kaya dapat ako ang tatapos. Huwag kang magalala, si Ruby na ang bahalang tumawag ng pulis."
"Kahit na Cherry! Hindi ako papayag na saktan ka pa ulit ng lalaki na yon!"
"Ryan ok lang ako, huwag mo akong aalahanin.."
"Ano ka ba Cherry, kapag nakikita kitang nasasaktan, nasasaktan dn ako!"
"Ryan..."
"Cherry mahal kita"
At may narinig kami na putok ng baril.