"Jeff, pwede mo ba akong kwentuhan ng mga experience mo noong bata ka pa?" lambing ko kay Jeff habang nanonood kami ng TV isang gabi.
"Hmmm.. noong bata pa ako, tinuruan ako ng lolo, na mag tango"
"Talaga?"natatawa kong sabi sa kanya.
"Oo, dancer kasi yun. "
"Eh yung mga magulang mo? " Nakita kong may konting nag-iba sa ekspresyon ng mukha ni Jeff pero mabilis niyag naitago yun.
"Namatay sila noong dalawang taong gulang palang ako."
"Sorry."
"Ano ka ba? Ok lng yun. Si lolo na nagpalaki sa akin. Inalagaan ako, pinag aral at minahal."
"Nasan na siya ngayon??"
"Wala na. Patay na. tatlong taon na makalipas, mga 24 ako nun."
"Namimiss mo siya siguro"
"OO. miss na miss."
"Eh si ROn, di ba bestfriends kayo? Matagal na ba kayong magkakakilala?"
"Ay Oo, mga sampung taon na, siya talaga ang badboy sa aming dalawa. Kahit saan may kaaway o may ex girlfriend na hahabol sa kanya."tumawa siya
"Ako nalang siguro ang nag-iisang kabigan niya,ako lang kasi yung makakatiis ng kagaguhan nun eh"Kinaumagahan, nagising akong wala na si Jeff sa tabi ko, binasa ko ang cellphone ko na may message galing kay Jeff.
"Che, kailangan kong pumunta ng opisina, emergency, see you later. muah. love u."
Bumangon ako at naligo. Ngayong araw pupunta ako sa molo supermartels, mag gogrocery. Habang pumipili ako ng mga sangkap para sa lulutuin kong sinigang ay pumasok sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Jeff kagabi. Oo, malungkot pero minahal pa rin siya ng lolo niya, hindi tulad ng nangyari sa akin na naging impyerno ang buhay ko. Wala naman akong nakitang rason para magrebelde siya, at manakit ng ibang tao.
Pero yung sinabi niya na siya lang ang nag-iisang kaibigan ni Ron, malaki ang posibiledad na siya ang tukoy ni Ruby sa kwento niya. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na masamang tao si Jeffrey.
Papauwi na ako sakay sa taxi nang biglang tumigil ito.
"Maning anong problema"
"Nag-over heat po maam eh"nahihiyang sabi ni manong.
"Oh siya, eto nalng bayad ko, maglalakad nalang ako. medyo malapit na naman ung bahay namin eh"
Bumaba ako sa taxi ta nagsimulang maglakad papauwi. Nagulat lng ako ng biglang nabutas ang dala kong plastic bag at nahulog sa daan lahat ng pinambili ko. "Shit! Kung minamalas ka nga naman oh"
Pinulot ko ang mga binili ko nang may lalaking nakamotor ang tumigil malapit sa kinatatayuan ko.
"Need help?" tanong ng lalaki na alam kong pamilyar ang boses.
"No need. I can manage."pagmamaldita ko.
Narinig kong tumawa siya ng mahina. Hindi ko makita ang hitsura niya dahil nka helmet pa ito.
"Maldita ka talaga.." sabay hubad sa helemt niya at tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha. Ngumiti siya sa akin.
"Hoy! Diba ikaw yung bastos na lalaki na tinawag akong bruha???"
"Oo ako nga. At kailangan mo ng tulong ko kaya tutulungan kita." Nagsimula siyang pulutin ang mga pinamili ko at dinala sa motor niya. Kumuha siya sun ng isang plastic bag at sinimulang ipasok ang mga groceries ko dun. Hindi ako nakaimik sa ginawa niya. Nang matapos siya, "Oh, anu pa ang hinihintay mo? Sakay niya" alok niya.
Lumapit ako at kinuha ang plastic bag sa mga kamay niya at nagsimulang lumakad papalayo sa kanya at patungo sa bahay.
Narinig kong umandar ang motor niya at naramdaman ko na nasa likod ko na siya.
"Wala man lang Thank you?"
"Hhmmf! Eh di thank you!"
"Kaw talga, tinulungan ka na nga, ikaw pa galit."
Napatigil ako at lumingon sa kanya"Hoy! lalaki! First of all, wala akong sinabi na kailangan ko ng tulong mo! Pangalawa, hindi ko gusto na tinatawag ako na bruha! at last but definitely not the least, I dont talk to strangers!"
Lumakad ako ng mas mabilis. Nakakainis talaga ang lalaki na yun!
"By the way, I'm Ryan!" sigaw niya habang papalayo ako.
Sabi ko sa sarili ko habang malayo na ako sa gago na yun "Ryan. Ryan pala ha. Pwes humanda ka dahil sa muli nating pagkikita matitikman mo ang bagsik ni Cherry!"