Second Chasing

32.7K 664 7
                                    

Tahimik sa hapag ng biglang pumasok sa loob ng dinning area ang kapatid niyang si JD. May dala itong papel. Humalik ito sa kanilang ina at saka kanya. Tinapik naman nito sa balikat ang kanilang ama at ang kakambal nitong si JV na tahimik na kumakain at saka tumabi sa kanya.

"JD... Saan ka na naman galing kagabi?" Tanong ng daddy nila habang sumisimsim ng kape.

Ngumuya muna ng hotdog si JD bago sumagot. "I'm sorry dad.. I'm sorry mom.. Nagkayayaan kagabi after the race. And i can't say no to my friends." Hinging paumanhin nito.

"But you at least call us then." Di nakatiis na sagot niya. Halos umaga na kasi ito umuwi.

"Ate I'm sorry okay? Sa susunod tatawag ako.. So relax." Umirap lang siya. Si JV naman ay tahimik lang. Masyadong seryoso ang kapatid niyang iyon.

Umiling iling na lamang siya at saka mabilis na hinigop ang nasa tasa na green tea niya at saka tumayo.

"Mandie!" Ang kanyang ina. "Aalis kana?" Tanong nito. Pinunasan niya ng napkin ang gilid ng labi at saka humalik dito at sa ama.

"I'm sorry mom and dad.. Kailangan maaga ako sa office today. Iaassembly ko pa ang aattend ng bidding." Hinging paumanhin niya. These past few days ay masyado na siyang nagiging busy. Minsan hindi na siya nakakalabas kasama ang pamilya niya.

Nagangat ng tingin sa kanya ang kanyang ama. "You're being workaholic mandie. Masyado ka nang nawiwili d'yan sa ginagawa mo." Mahinang sabi nito. Tanggap man nito ang ginagawa niya pero alam niyang masama ang loob nito. Nanahimik lang ito dahil hindi nito gustong saktan siya.

Pasimpleng ngumiti ang kanyang ina sa kanya at sinenyas na yakapin ang ama which she did. Kulang lang sa lambing ang ama nila.

"Ay naku si daddy talaga!" Niyakap niya ito. Tinapik tapik lang siya nito sa likod. She's always be a daddy's girl.

"You know what ate mands, bakit hindi mo subukang pumasok samin? We're looking for a new project consultant. Meantime magagamit mo doon ang nalalaman mo." Sabat ni JV na nanatiling sumusubo.

Senegundahan naman ng kanyang ama. "Tama ang kapatid mo Mandie. Why don't you try to join us. For sure mag eenjoy ka rin."

"I told you guys." Sabay tingin sa mga kapatid at sa ina. Saka bumaling sa ama. "I told you Dad. I want to experience this. Gusto kong maranasan magtrabaho yung kumikita ako galing sa perang pinapasahod ng iba. Hindi galing sa sarili nating kompanya." Mahinahon niyang sabi. Napatango tango nalang ang kanyang ama.

Her dad maybe quite strict but somehow he's a good hearted family man. Ever since she was a kid. Her dad was too vocal by saying how much he cares for the family. For how much he loves his wife. Her mom. Kaya sabi niya, she will find someone like her Dad. Someone who will love and care for her. Iyong hindi siya paglalaruan.

"Mandie you always know na suportado ka namin na pamilya mo." Sabi ng kanyang ina. Nginitian niya ang mga ito at saka bumaling ng tingin sa relong pambisig niya.

"Oh My God!" Bulaslas niya. "I'm sorry mom and dad but i really have to go. Mahuhuli ako." Muli siyang humalik sa ina at ama saka naman lumapit sa kambal at ginulo ang buhok ng mga ito. Sabay na sumimangot ang dalawa na kinatawa lang niya.

Bago siya lumabas ng komedor ay nagsalita ang kanyang ama. "Go home early sweetie. Your tito lex and tita Daphne invited us for dinner party tonight. Wedding anniversary nila.. Remember?"

Oo nga pala. Muntik na niyang makalimutan. Nabanggit na sa kanya ng ate nicy niya iyon last week pa. She's preparing for a gift sa mga magulang nito at kasama nga pala siya nito. Nagiging makakalimutin na yata siya.

"Okay dad. I'll be." Sabay sakbit sa shoulder bag niya at binitbit ang ilang blueprint na hawak.

Narinig pa niya ang mga pahabol na bilin ng kanyang ama't ina saka siya sumakay sa sasakyan niya.

Kailangan niyang bilisan. Ngayong umaga ang bidding at umaasa abg buong department sa kakayanan niya. Siya ang magdedesisyon ng proposal.

Hopefully maipanalo nila ito.

She drove her car out of the garage saka dahan dahan nagmaneho. For almost twenty-five years dito na siya lumaki. Tagaytay. Ayaw naman niyang lumipat ng bahay dahil hindi niya gustong iwan ang pamilya niya. Maybe she's independent pero mas gusto pa rin niya na uuwi siya sa gabi na makikita ang mga ito.

Unlike her brother JV. May sarili itong condo sa Manila. Pero madalas nasa bahay ito. Kung spoiled siya noong kabataan niya. Parang doble siya ni JV. Hindi sa sinasabi niyang matigas ang ulo ng kapatid niya. Sadyang ayaw lang nito na maraming nakikialam sa buhay nito maliban sa kanila na pamilya niya.

Kasalukuyan na siyang papasok ng SLEX when her phone beep again. Napangiti siya. Iisang tao lang naman ang nabebeep sa kanya tuwing umaga.

Inihinto niya sa isang tabi ang sasakyan at binasa niya ang message sa kanya.

Good morning honey...
I love you.

Basa niya sa message nito. Mukhang doon palang bawi na ito. She tapped the screen then send him a reply message.

Good morning too hon.
I'm on my way now. I love you too.

To be continued...






Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon