Seventeenth Chasing

21.2K 461 15
                                    

Mandie was done believing in him. Mandie was tired. She was done enough. It's time to let go the past and start a new beginning.

"Wala na kami ni Loisa. She made her choice already. Believe me. Nang umalis ka, marami akong napagtanto. That everything was a crap! Loisa was just a part of my past. Ang sundan ka dito ay desisyon ko. I never meant to hurt you, Mandie. Nang sabihin kong iba ka kay Loisa. Iba ka. You are far different from her. Hindi mo kailangan maging siya para magustuhan ka. You're unique."

Pinahid niya ang luha. Pinagtrabahuhan ni Xandrei ang Tiwala niya. Pinagtrabahuhan nito ang lahat ng bagay na binigay niya.

He worked hard to have her heart pero ang hindi nito alam ay pag aari na nito ang puso niya mga paslit pa lamang sila. Sinagot niya si Xandrei after almost seven months of courting. He was so generous in giving his time and attention to her. Until they both graduated.

"Congratulations to us, sweetheart." Xandrei gently kissing her lips. Namangha at natuwa ang lahat para sa kanila. Especially the University members and directors. Si Xandrei ang Nakakuha ng medalya para sa Magna cum Laude. They're all proud lalo na ng siya ang sabitan ng medalya ng Suma cum laude. Umiyak pa ang mommy niya dahil doon.

"I'm proud of you, drei." She said. Yumakap siya dito. Hindi siya makapaniwala na umabot sila ni Xandrei ng tatlong taon. Akala niya hanggang ngayon ay nanaginip pa rin siya.

"Tonight's dinner. May sorpresa ako sayo." Bulong nito. Sabay silang magrereview para makakuha ng Board exam. Pagkatapos ay papasukin nila ang kanya kanyang career. They'd planned their lives together. Siya ay mag aapply sa iba at si Xandrei ay sa sarili nilang Firm. Wala sa pamilya nila ang tutol para sa kanilang dalawa. Everybody are happy.

"Hmmm.. Ano kaya 'yon?"

"Surprise." Ngumiti ito sa kanya.

What happen to three years of sweet relationship? Why it all gone in worst nightmare? Muli siyang napaiyak. Pinahid niya ang luha. Bukas hindi na siya iiyak. Huli na ito.

"Mandie!"

Napahinto si Mandie sa paglalakad. Nasa parking lot na ang mga magulang niya. Naroroon na din si Xandrei nagpaalam lang siya sandali dahil nagpaalam lang siya sa mga kaibigan niya. "L-Loisa?" She suddenly felt scared. "B-Bakit nandito ka?"

Humakbang ito papalapit sa kanya. "Congratulations."

Lumunok muna siya bago tumango. "S-Salamat. Mauna na ko sayo. Hinihintay na nila ako."

"Give him back to me, please." Natigilan siya.

"Anong sinabi mo?" Hindi siya tanga. Alam niyang si Xandrei ang tinutukoy nito.

"Ibalik mo na sakin si Xandrei." Tumigas ang anyo nito. "Hindi ka niya mahal! Ako ang mahal niya!"

Naningkit ang mga mata niya. "Nababaliw kana. Hiwalay na kayo matagal na!"

"And we broke up because of you!" Doon siya mas lalong nalito. "He doesn't love you. Alam ko 'yon. Naghiwalay kami dahil sayo! His dad wants you to ve part of their family. His dad wants you to be his daughter-in-law. And Xandrei wants his dad money to be the capital of his dream track! Mangyayari lang ang lahat ng pangarap niya kung susuportahan siya ng daddy niya. And his dad only support him kung papakasalan ka niya." Sunod sunod na tumulo ang luha nito.

Damang dama niya ang sakit sa bawat salita nito. Bumuka ang bibig niya pero walang tinig na lumabas doon. "Tonight. He will going to propose to you, Mandie. Papakasalan ka niya para sa kasunduan. Ibalik mo na siya sakin. I can give him a money to start his dream. Nagmamakaawa ako sayo.. Palayain mo na siya.. Don't let yourself be part of his dad manipulative game."

"Hinihingi mo siya na para siyang isang laruan." Mapait niyang bulong.

"Binabawi ko lang ang totoong akin. You're just a toy Mandie. A part of a game."

Everything was lie. Ano bang mas sasakit pa doon? Hinawakan niya ang mga litrato nila ni Xandrei. Those are taken during the graduation. And some are from their travels.

Humarap si Mandie sa paligid. Sa malawak na hardin ng Familia Sandoval ay nakaluhod sa harapan niya si Xandrei habang pinapalibutan sila ng mga importanteng tao. Ito ang pangarap nila. O pangarap lang niya?

"Will you be my wife, Ms Mandie Rose Buenaventura?"

Inilabas nito ang isang kahita mula sa bulsa nito at ipinakita ang kumikinang na singsing doon. Naluha siya. Pangarap niyang ikasal dito. Pangarap niyang makasama ito habambuhay. Pero ito? Siya kaya ang pangarap nito?

Marahan niyang binawi ang kamay. "I-I'm sorry."

"M-Mandie?"

Mabilis niyang pinahid ang luha. "Mom?"

Marahang pumasok sa silid niya ang Ina. "Ba't gising ka pa? Dapat nagpapahinga kana. Bukas na darating ang pamilya ng fiancé mo."

Pasimple niyang tinakluban ang kahon na puno ng masasakit na alaala. Pero nakita yata 'yon ng mommy niya. "Treasure box mo 'yan diba? Akala ko ba hindi mo na sisilipin 'yan?"

Bahagya lang siyang ngumiti. "Kinuha ko lang po kasi balak ko nang sunugin."

"Susunugin mo? Anak marami kayong alaala ni xandrei dyan. Lahat ng---."

"Masasamang alaala mommy. Hindi ko na dapat itago ito dahil wala naman itong gagawing mabuti sakin. It will only caused me so much pain." Putol niya. "Mag uumpisa ako ng bagong buhay. Pero hindi na siya parte niyon. Unfair kay Alec kung itatago ko pa ito."

Hinawakan nito ang kamay niya. "Pakawalan mo ang sarili mo di dahil 'yon ang tama para sa inyo ni Alec. Pakawalan mo ang sarili mo para hindi kana masaktan. Anak, sarili mo muna ang isipin mo bago ang ibang tao."

"Alec will be a part of me, Mom. Siya ay magiging ako at ako ay magiging siya. Kahati niya'y ako. Tama lang na gawin ko ito para sa amin dalawa. Pinili ko siya kaya dapat lang na ayusin ko ito. Dahil hinding hindi na ako makakakita ng gaya niya."






To be continued...

--------

I know may pagka-cliché ng scene na ito. (Especially the story) pero gusto kong sabihin sa inyo na wala itong pinaggayahan. (defensive? Hahaha) kasi alam kong may mga ganyang reaksyon. Medyo nakakapagod na kasi magpaliwanag hehehe..

P. S
Gusto niyo po bang iself-pub ko ito? Hehehe

Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon