Fifth Chasing

25.7K 502 8
                                    

Pilit ang bawat ngiting isinusukli ni Mandie sa bawat estudyante na binabati siya. May mangilan ngilan Doon na lumalapit pa sa kanya para batiin siya. She's eighteen already. At nagsimula iyon kagabi.

Pumasok siya sa cafeteria ng University. Sobrang daming bisita nila kagabi. Hindi niya lubos maisip na nag organized ang my magulang niya. Masaya Naman ang party niya. Per may isang bagay lang siyang Hindi matanggap. Dumating nga si Xandrei sa party niya pero kasama Naman nito ni Loisa. Ang "Rumored Girlfriend" daw nito.

Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya. Xandrei brought that woman in her party at ipinakilala pa sa pamilya nito! Nangako so Xandrei sa kanya noon mga bata pa sila na liligawan siya nito.

"Kung Hindi ko lang nakita kagabi Kung Pao ka nagselos. Isipin ko na may regla ka kaya ka nakasimangot ngayon." Bahagya siyang lumingon ng marinig ang tinig ni Messy.

Umirap siya. "Nakakainis kasi eh. Party ko 'yon pero nagbitbit siya ng outsider." Pagsisintir niya.

Narinig niya ang bahagyang pagtawa nito. "Bakit ba kasi isinisiksik mo ang sarili mo d'yan Kay Sandoval? Marami Namang iba d'yan gwapo na yummy pa."

"Eww.." Sanay taas niya ng kilay. "Anong akala mo sakin?cheap?"

"Ay grabe ka ha! Mukha bang cheap Yung mga nanliligaw sayo?" Umirap siya.

"Eh Hindi Naman kasi sila ang gusto ko. Si Xandrei ang gusto ko!" Tila siya bata na humihingi ng popsicle.

Akmang magsasalita si Messy ng lumihis ang mga mata nito. Sumunod siya ng tingin at nakita nila na palabas ng cafeteria si Loisa habang nakahabol si Xandrei. Nagmamadali ang mga hakbang ng babe na tila galit at naiinis. "Ohhh! Lover's Quarrel." Narinig niyang sambit ni Messy.

Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito at hinila ito. "Hoy! Saan tayo pupunta? May first period pa ako!"

Inilapat niya ang hintuturo sa labi. "Ssshh..wag kang maingay. Susundan natin sila."

Hindi na ito umangal ng lumabas sila ng Cafeteria at sinundan ang dalawa. Malayo layo na ang nalalakad nila ng huminto sa gilid ng architectural building ang dalawa.

Huminto sila di kalayuan ngunit hindi naman nila marinig kung ano ang pinagtatalunan ng dalawa. Basta kitang kita nila na nag aaway ang mga ito. "Pustahan magbebreak 'yan?" Nakangising sabi niya.

Messy crosses her arms. "Ang lakas talaga ng kompiyansa mo. Eh mukha namang sinusuyo ni Xandrei yung si Loisa."

Umismid siya. "Bakit ba feeling ko hindi ka boto kay Xandrei para sakin?"

"Kasi alam kong sasaktan ka lang niyan. Hindi kaya nagsasuccess ang one-sided love story." Umirap siya. Wala talaga siyang mapapalang suporta kay Messy pagdating kay Xandrei.

Nakaramdam siya ng inis para kay Loisa. Sinasaktan nito ang lalaking mahal niya. Kung siya marahil ang nasa sitwasyong 'yon. Hinding hindi niya papakawalan si Xandrei.

Nakita nila na hinawakan ni Xandrei ang kamay ni Loisa ngunit dagli ding binawi ng babae. Management student si Loisa. Anak ng administration officer ng school. Maganda at mayaman. Kasing edad lang din ito ni Xandrei. Lahat halos ng mga estudyante ay nagsasabing bagay na bagay ang dalawa. Noong una akala niya tsismis lang ang lahat pero nakumpirma niya kagabi na nobya ni Xandrei si Loisa.

"Kapag pinakawalan niya si Xandrei. Wala na siyang babalikan." Determinadong saad niya.

Tinapik siya ni Messy sa balikat. "Good luck girl."






To be continued...

Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon