Third Chasing

33.2K 730 7
                                    

Mandie plastered her victory smile after she dropped the phone and turn it back to it's cradle. Kakatawag lang ni Engr. La Rosa and she felt so happy after she hears his news.

Nakuha nila ang Mandaue Land Corporation. Sila ang nakakakuha ng proyekto. And she's smells the finish line there.

Bakit hindi? The Mandaue Land Corp. Ay isa sa mga tinitingalang pangalan. Kaya naman laking pasasalamat niya na sila ang nakakuha ng naturang proyekto.

It's like hitting two birds in one stone.  Dahil hindi lang isang proyekto ang inihanda nila sa kanila. It's definitely high year contract. Dahil sinabi mismo nila na hahawakan nila lahat ng construction developing. Including the high-paid hotels na gagawan nila ng replica mismo sa pilipinas.

At naeexcite na siya. It's a new journey for her. After all her achievements naniniwala siyang kakayanin niya.

Last night. She drew a new sets of drafts na hinaluan niya talaga ng specialty niya. At siniguro niya na tamang tama ang timpla niya.

Hindi nga siya nagkamal. This is what she always wants. To prove herself. Naniniwala siya na hindi matatapos ang mag hapong ito at laman na sila ng Business column.

Sumandal siya sa swivel chair niya habang parang tangang nakatitig sa kawalan at nakangiti.

That's why her parents and brothers are always proud for her. Napangiti siya ng sumulyap ang mga mata niya sa ibabaw ng table niya.

Their family picture. Kapag nagtatrabaho siya tinitigan lang niya ang mga mahahalagang tao sa buhay niya at ginaganahan na siya.

Hindi pa siya nakakarecover sa saya ng bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok ang matalik niyang kaibigang si messy. Anak ng tita abby niya na best friend ng mommy niya.

Ito ang head ng budget Management. Magkasama rin sila sa iisang kompanya. "So how's the best architect here?" Nakangiti ito habang naglalakad papalapit sa visitors chair na nasa harap niya.

Tumawa siya. "What brings you here? Manager?" Lagi talaga silang nagtutudyuhang dalawa.

Messy sat in front of her and crosses her legs. "Well gusto ko lang naman ipakita sa'yo ang ginawa mong ingay." Tawa nito sabay lapag ng isang magazine sa harap niya.

Mukhang alam na niya iyon. Pero hinawakan niya pa rin ang magazine at siniguro ang laman niyon.

Hindi nga siya nagkamali ng tumambad sa kanya ang mukha niya. "Ikaw na talaga Mandie Rose Buenaventura! Natulog ka lang then ito na!" Sabay turo sa nakaladlad na magazine.

Umiling iling na lang siya. Mabiro talaga si messy at sanay na siya. Magkaklase sila noon sa Florida. Doon na kasi sila nakatira. Magkaklase sila hanggang sa magtapos ng high school at naiwan ito doon ng magkolehiyo na siya dito sa pilipinas. Pero di pa siya nakakalahati ng taon sa kolehiyo ng lumipat din ito.

At sa iisang unibersidad sila nag aral dalawa. Magkaiba nga lamang ng kurso Business management ito at architecture naman siya.

"Anyway gusto mo bang sumama sa'akin mamaya?" Tanong niya dito at tintukoy niya ay ang dinner party mamaya sa bahay ng mga tito lex niya.

Nagkibit balikat ito."Hindi ko sigurado eh nangako kasi ako kay mommy na babantayan ko si emitt." Tukoy nito sa teenager nitong kapatid na pinatapon ng magulang nila dito sa pilipinas dahil sa katigasan ng ulo.

Menopausal pregnant si tita abby niya at dahil sa katigasan ng ulo ni emitt na bunsong kapatid nito baka makunan ang ina. Kaya si messy ang tumitingin sa kapatid nito.

Emitt got expelled thrice sa school na pinapasukan nito. "Oh! So how's emitt now?"

"My God! That kid is pain in my ass. Hindi ko alam kung saan nagmana ang batang iyon." Bulaslas ni messy sa kanya. Hawak nito ang sentido nito.

Napatawa siya. "Practice na 'yan para sa'yo. Para kapag may anak kana alam mo na ang gagawin."

Napa-eeww ito sa sinabi niya. Messy is literally allergic to any guy. Or any male species. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kaibigan niya at biglang naging lider ng mga Man-hater.

"Oh! Mandie wag mo ngang magamit gamit sa'kin yang soon-you-will-fall-inlove-too look mo. Dahil hindi yan mangyayari." Sabi nito na sinabayan pa ng pagtaas ng isang kilay.

"Napakabitter mo alam mo ba? Look at your mom and dad.. Di ba mas magandang example sila sa'yo.. Happy couple." Tukoy niya sa nanay at tatay nito.

"Hello Mandie!  Si mommy at daddy iyon. Destiny talaga sila." Nakairap pa nitong sagot.

"Exactly! Kaya wag kang magpakabitter d'yan." Nginisian niya ito. Umirap lang ito sa kanya.

"Ay nako! Palibhasa ikaw may love life at ako wala." Himutok pa nito sa kanya. "Samantalang dati kulang nalang naglupasay ka sa first undying love mo."

Bigla ay natigilan siya sa sinabi nito. May naalala siya. Her first undying love. "Kalimutan na natin iyon. Matagal na iyon." Biglang sabi niya.

"Whoah! Mukhang may hindi pa nakakamove on dito ah!" Tudyo nito sa kanya.

Bakit ba kasi napagusapan pa nila ang ganyan? Sa kanya tuloy nabaling ang atensyon nito. "Huhulaan ko. Bitter ka pa rin no?"

Itinaan niya ang isang kamay at saka yumuko. "Okay na ako noh. at saka matagal na iyon. Masaya na ko sa buhay ko mgayon."

"Hindi nga?" Tila ba hindi ito kumbinsido. "E bakit ganyan ang mga mata mo?"

"Ha?" Mulagat niya rito.

"I can see him through your eyes friend. Kaya hindi ka makakapagsinungaling sakin." Napapikit siya sa sinabi nito.

Messy knew her enough. Alam nito kung kailan siya nagsisinungaling at hindi.

And as soon as she closes her eyes. Isa lang ang nakikita niya. Xandrei

Pero agad din niyang iminulat ang mga mata. Masaya na siya ngayon. Masayang masaya na siya. "M-Masaya na ko ngayon. H-Hindi na siya parte ng future ko because I have Alec now."

Tumayo si Messy. "Okay Fine. Hindi na kita kukulitin about Xandrei. But let me informed you. Na ang Sandoval Construction ang nakakuha ng bid para sa Mandaue. Handa ka ba? Ask your boyfriend, alam kong alam niya ito."

Alec doesn't know anything about Xandrei. At lalong wala din siyang plano na ikwento pa dito ang bahagi ng nakaraan kung saan pilit na niyang kinakalimutan. She was just a stupid girl before na humabol ng humabol sa lalaking akala niya ay mahal din siya. She's happy now with Alec. Nakahanda na ang mga plano nila para sa kanila. As soon as Alec have the position of his father as the CEO. Tutuparin na raw nito ang mga pangarap nito sa kanila.

Magpapakasal na tayo pagkatapos ng lahat.

Muli siyag napapikit. Hindi niya namalayang nakalabas na pala ng opisina niya si Messy.







To be continued...

Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon