Mabilis siyang nilapitan ni Xandrei. Nakita niya ang galit at pag aalala sa mga mata nito. Dahan dahan siya nitong binuhat at lumakad sila palayo. Pero bago pa 'yon ay nakita niya ang mga matatalim na mata ni Loisa at ang marahas na pagpawi nito sa sariling luha.
"P-Put me down." Aniya. Nahihiya siya sa mga taong naroroon.
"Stay still. Stupid girl." Angil nito. Napairap siya. Tinawag pa rin siya nitong stupid kahit gusto lang naman niya itong awatin. "Hindi ka dapat nakialam. Tignan mo ang nangyari sayo." Sermon pa nito. Si Messy ay kabuntot nila bitbit nito ang shoulder bag niya na tumilapon na pala.
"H-Hindi naman ganoong kasakit." Ani niya dito. Sinilip nito ang braso niya. Saka naman napamura bigla.
"Fuck!" Nangingitim ang braso niya. Hindi lang iisang pasa. Dalawang malaking pasa ang naroroon. Na mukhang hindi niya maiitago sa mata ng mga magulang niya. "Dadalhin kita sa clinic. Kailangan malapatan ng paunang lunas yan." Tiim bagang sabi nito saka malalaking hakbang na lumakad.
May clinic di kalayuan sa Field. Mabilis na inasikaso siya ng nurse na naroroon. Si Xandrei naman ay nakamata lang at panay ang pagmumura. Nakakuyom din ang mga kamao nito. Hindi niya maintindihan kung nagagalit ba ito dahil nasuntok siya o dahil kay Loisa. Mapait siyang napangiti. Bakit nga ba siya aasa na kaya ito nagagalit ay dahil nasaktan siya? Nagagalit ito dahil pakialamera siya.
"Best friend okay ka lang ba?" Tanong ni Messy ng pahiran ng ointment ng nurse ang pasa niya. Binilinan din siya na lagyan niya ng cold compress pag uwi niya mamaya.
Tumango siya. "Okay lang naman ako. At saka daplis lang naman yung pagkakatama sakin."
"Kahit na. Babae ka pa rin at saka pihadong grounded ka sa mommy at daddy mo kapag nalaman nila 'yan. Baka nga magulpi pa ng daddy mo ang nanuntok sayo." Eksaheradang sabi nito.
Naisip na niya 'yon. Nang sabihin ng nurse na pwede na siyang lumabas. Lumapit si Xandrei sa kanila ni Messy. "Ako na ang maghahatid sa kanya pauwi." Ani nito sa kaibigan niya. Kinuha nito ang bag niya kay Messy at inabot naman agad ng dalaga.
"Nandyan na sa labas yung sundo ko. Are you sure na okay ka lang?" Ulit ni Messy. Tumingin muna siya kay Xandrei. Kahit naman binubungangaan siya nito alam naman niyang hindi siya nito itutulak sa motorsiklo.
"Okay lang ako. Sige na umuwi kana baka hinahanap kana sa inyo." Ngumiti siya kay Messy. Tumango ito at tuluyan nang lumabas. Dahan dahan naman siyang bumangon.
BINABASA MO ANG
Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)
RomanceSix years ago when Mandie has this infatuation over her childhood family friend Xandrei. Ginawa niya ang lahat para mapansin siya nito. But it seems that xandrei hate her to the core. Nasaktan at umasa ang bata niyang puso. Naniwala siya na may fai...