Nineteenth Chasing

21.3K 526 28
                                    

Nagkakaroon ako ng drive na tapusin ito. Hindi ko alam kung bakit pero umaasa ako na kapag natapos ko ito ay magkaroon ako ng lakas ng loob na ipasa ito sa Publisher. Kaya dahil dyan hihingiin ko ang tulong niyo.. Bigyan niyo ng review ang kwentong ito. It's doesn't matter kung mahaba o maikli ang importante nasabi niyo ang bagay na alam niyong totoo.

Salamuch po.
Happy reading.

----------

Nineteenth Chasing

Si Mandie ang haharap para sa proposal meeting ng Montana Construction sa Mandaue Land Corp. Nakaalis na patungong Guam si Alec. He have to stay there for a week para sa seminar. And after that they will go through the wedding preparation. Though their parents are helping them.

Malaking proyekto ang Mandaue. Alec and Her had already talked about it. Napag usapan nila na after ng kasal nila ay hindi muna sila magleleave sa trabaho. Maybe after the project they will go to state para sa bakasyon nila. Alec is a very practical Man. After the wedding they will just spent their first three days of marriage out of town. Sumang ayon din siya na tatlong araw lang muna since marami din naman siyang maiiwang trabaho na puro may deadlines.

Ipinarada ni Mandie sa harapan ng Mandaue Land Corp ang sasakyan at bumaba. Huminga muna siya ng malamin. Ngayon na pag uusapan ang lahat para sa unang project nila sa MLC. Naisip niya, tamang pagkakataon na rin siguro ito para ipakita niya ang best pa niya.

Itinuro ng gwardiya sa kanya ang elevator. "Thank you." Usal niya. Habang naglalakad siya ay bigla namang tumunog ang Cellphone niya. Napangiti siya ng makita ang pangalan ni Alec.

"Good morning, Misis ko." Natawa siya sa pagbati nito.

"Ang aga ha.." Nakangiting biro niya. Alec always made her happy. At totoo, masaya siya. "Nandito na ko sa MLC. Hindi makakasama sakin ang dad mo dahil may out of town trip siya. Have he told you?"

"Oh yeah. He mentioned it last night. May tiwala sayo si Dad na kaya mo 'yan. He wouldn't ask you na umattend d'yan kung alam niyang mabibigo ka lang."

She sweetly smile. Alam na alam ni Alec kung paano papalakasin ang loob niya. "Thank you. Thank you for boasting my confidence. I feel now I am Wonder Woman."

"At mas maganda pa kay Wonder Woman. Anong panama sayo ni Gal Gadot?"

"Ayan na naman po tayo sa bolahan." Tawa tawang sabi niya. Bumukas ang elevator at pumasok siya doon. Mag isa lang siya. Pero hindi pa lumalapat iyon sa pagkakasara ng may isang pares ng kamay ang pumigil doon.

Dali daling pumasok ang may ari niyon na ikinagulat niya. Nagkatinginan sila ni Xandrei. Tumitig ito sa kanya. Umiwas siya ng tingin ng agad itong ngumiti sa kanya. "Hi." Pero hindi niya ito pinansin.

Humigpit ang hawak niya sa aparato. "Y-Yung pasalubong ko. Wag mong kalimutan."

"Anong gusto ng baby ko?"

Napangiti siya dahil sa kasweet-an nito. "Sige na nga wag mo na kong ibili ng pasalubong. Ikaw nalang ang gusto ko." Wala sa sariling sabi niya. Narinig niya ang malakas nitong pagtawa.

"I knew it! Hinding hindi mo talaga matitiis ang kagwapuhan ko kaya ganyan ka."

Kung kaharap lang niya si Alec ngayon. Malamang nakurot na niya ito. "I have to go, babe. Tatawagan kita mamaya. May importanteng aasikasuhin lang ako."

Lumabi siya. "Mas importante pa sakin?"

Narinig niya ang malalim nitong paghinga. "You're more than important. That's why I'm doing all of these."

May sumilay na luha sa mga mata niya. Hindi matapos tapos ang pagpapatunay ni Alec na ito ang karapat dapat sa kanya. Nakadama siya ng kahungkagan ng mawala na ito sa kabilang linya. Tila may bumubulong sa kanya na tawagan ito at makausap muli.

"Isang linggo palang mawawala ang boyfriend mo."

Agad na gumawi ang paningin niya kay Xandrei. "Anong pakialam mo?"

Umirap siya dito at isiniksik ang sarili sa isang tabi. "Anong mayroon siya na hindi mo nakita sakin? Kung bakit mas pinili mong magpakasal sa kanya?" Puno ng hindi niya maipaliwanag na emosyon ang tinig nito. Pero hindi niya inintindi. Being with him in this small squared box makes her feel like she was cage.

"Hindi mo na dapat itinatanong ang mga ganyang bagay Mr Sandoval. What happened to us more than a years ago ay burado na." Aniya. Totoo ang sinabi ni Alec na si Xandrei Sandoval ang makakasama niya sa Project. Handa naman na siya. Napaghandaan na niya ito. And she has nothing to be afraid of dahil ikakasal na siya. Hindi na siya dapat matakot sa multo ng nakaraan.

"Can't help it. Iniwan mo ako ng hindi ko alam kung bakit. Tinanggihan mo ako ng hindi ko alam ang dahilan. You just vanished so easily that I don't know what I did. Iniwan mo ako ng hindi ka nagpapaliwanag kung bakit? Kung bakit kailangan kong magmukhang tanga kakatanong, anong nagawa ko? "

Nagkaroon ng bara sa lalamunan niya. "It doesn't matter now, Sandoval. Hindi ikaw ang may karapatan magtanong ng bakit. At wala kang karapatang sabihin pinagmukha kitang tanga dahil umpisa palang ako na ang---never mind. Wag ka na ulit makikipag usap sakin. Layuan mo na ako at tumigil ka na."

Saktong bumukas ang elevator. Nauna siyang lumabas dito. Hindi na niya ito nilingon. Hindi na niya kailangang sabihin dito ang lahat ng dahilan niya. Ang lahat ng nalaman niya dahil lalo lang niyang iabbagsak ang sarili niya at patutunayan na tanga nga siya.

"kung akala mo ganoon ganoon lang 'yon? Nagkakamali ka. I can win you back, Mandie. Kaya kitang agawin sa kanya."






To be continued...

Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon