Twenty Ninth Chasing

18.2K 447 13
                                    

Dedicated to alexacrescent

A/N: I'm sorry kung feeling niyo super haba na niya. Maiikli lang po kasi ang bawat chapter ko. After I finish this, ieedit ko po siya at icompressed ko ng sa gayo'y hindi maging masyadong mahaba ang bilang ng chapters. Pero walang mababago sa takbo ng kwento.

-----

Twenty Ninth Chasing

Mandie narrowed her eyes. "Pinaghandaan mo talaga ang pangingidnap mo sakin ano?" She said while pointing her finger to the duffel bag. Laman niyon ang ilang pirasong damit niya. "Saan mo nakuha ang mga ito? Did you sneak inside my room?" Sunod sunod na tanong niya.

Xandrei was just looking at her. "Answer me!"

Blankly, he shrugged his shoulders. "JD did that."

"He what? Kasabwat mo si JD?" Hindi ito nagsalita. Uminit ang bumbunan niya at ibinato niya dito ang bag. "What I have done to you bakit ginagawa mo sakin 'to?! You abducted me then malalaman kong kasabwat mo ang kapatid ko!"

Lumapit ito sa kanya. "Mandie I'm sorry.. Ginawa ko lang 'yon dahil gusto kong makasama ka. Mahal kita Mandie."

Mapait siyang ngumiti. Napapailing nalang siya. "Mahal? Mahal mo nga ba talaga ako o nagiguilty ka lang? Pagod na pagod na ako sa larong gusto mo! Aren't you tired seeing me like this?"

"Mandie..."

Lumapit siya dito. "Naiinis ako sayo. Nagagalit ako sayo! Sa paulit ulit na sinabi ko sayong lumayo kana. Lalo ka namang lapit ng lapit. Can't you see? Hindi natin kayang---."

"One week." pakli niya.

Napatingin siya dito. "One week?"

"Let me be with you for one week. Isang linggo lang Mandie. Baka nga tama ka, baka nga hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Baka nga nalilito lang ako. Baka nga nagiguilty lang ako." Ang mga mata nito ay hindi niya maarok kung ano nga ba ang sinasabi. Madilim ang mga iyon at tila nagbabadya ng bagyo.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Isang linggo lang.. Hayaan mo akong makasama ka. At pagkatapos niyon malaya kana. You won't see me again. Never. Hahayaan na kita na maging masaya sa piling ng iba. I won't bother you anymore. Just give me one week. One week na kasama ka."

"Hija? Hija?"

Napakurap ng mga mata si Mandie. "H-Ho?"

Ngumiti ang matandang babae sa kanya. "Kanina ka pa tulala. May dinaramdam ka ba?"

Bumalik siya sa huwisyo. "Wala ho aling pinang. May naisip lang po ako bigla."

Asawa ni Mang Nestor si aling pinang. Dumating ito dito sa Rest house kaninang umaga. Ayon dito. Nagising nalang kasi siya na nasa kusina na ito at nagluluto. "S-Siya nga ho pala.. Nakita niyo po ba si Xandrei?" Tanong niya. Matapos ang pagtatalo nila kagabi ay hindi na sila muling nakapag usap. Parang iniiwasan siya nito. Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi maiyak. Kahit anong pigil niya. Apektadong apektado pa rin siya ng sinabi nitong lalayuan na siya nito kapag umalus na sila dito.

"Ah si Ser, naku hija maagang umalis at sumama kay Nestor sa pagpalaot. Madaling araw sila umalis kanina. Hindu ba nagpaalam sayo?" Umiling nalang siya. "Ganoon sadya ang asawa mo hija. Kahit nga ang mga taga rito ay sanay na."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tinutulungan niyang maghimay ng gulay ang matanda. Ang alam kasi nito ay mag asawa sila ni Xandrei.

"Naku! Mabait na bata yang si Ser Andrei, siya ang nagpagawa ng coop sa Bayang Isla. Siya rin ang nagpatayo ng solar plant dito para naman daw may kuryente kami. Alam mo bang balak nga niyang tayuan ng pabahay ang dulong bahagi nitong isla. Kaya lang naaawa naman daw siya dun sa mga taong libreng nagtatanim doon ng tubô at saging. Sarili niyang lupain pero pinatataniman niya ng libre sa iba." Namangha siya sa sinabi ng matanda. Hindi niya alam na mahal na mahal pala ng kga taga rito si Xandrei.

Ang pribadong islang ito ay hindi naman malayo sa Bayang Isla. Sabi sa mga kwentong alamat ay magkadugsong lang daw ang dalawa. Ngunit nang pumutok ang bulkan na nasa ilalim ng dagat ay humiwalay ang maliit na bahagi nito. Kulang kwarenta minutos lamang ang biyahe mula dito sa isla patungo sa kabila kung saan nakatira sina Aling Pinang. "Maswerte ka hija.. Natatandaan ko pa noong bago pa lamang si Ser Andrei dito. Pagkatapos magawa nitong Rest house ay ang sabi niya, uuwi na daw dito ang Misis niya. Akala talaga namin noon ay may asawa na siya. Pero hindi pa pala kayo naiikasal." Tumawa ito. "Kaya hayun, regular akong naparito para linisin at bantayan din ito. Doon nga sa pribadong silid niya. Nagkalat doon ang mga litrato mo. Nakasabit sa pader. Kaya napakaswerte mo sa kanya Hija. Mahal na mahal ka ng batang 'yon."

Ipinikit niya ang mga mata. Xandrei...

Ngayon niya naisip na mali nga talaga siguro siya. Mali na hinusgahan niya ito at hindi siya nagtanong muna. Nasaktan niya ito. Naskatan niya ito sa paraang iniwan niya. "Aling pinang turuan niyo naman po akong magluto, ipagluluto ko si Xandrei."

Excited na ngumiti ang matanda. "Ay magandang ideya yan hija. Paborito ni Ser andrei dito ang humba. Tiyak gaganahan siya."

Ngumiti siya at tinulungan niya ito sa paghahanda. Inilabas nito mula sa ref ang baboy at itinuro ang gagawin niya. Ganoon ang ginagawa nila ng may humahagos na binatilyo ang sumungaw mula sa pintuan ng kusina palabas sa likod bahay. "Budek! Anong ginagawa mo dito?" Naipakilala na 'yon ni Aling Pinang sa kanya kanina. Anak nitong binatilyo.

"Inang, si kuya andrei po. Nasugatan sa paa." Nabitiwan niya ang hawal na kutsilyo at karne dahil sa narinig.

Lumapit siya sa bata at kinausap ito. "Anong nangyari? Nasaan siya?"

Iminuwestra ng bata ang kamay nito. "Nasa pampang na po, natusok daw po ng matalim na halamang dagat ang paa niya. Malalim daw po ang sugat kaya dadalhin nila kay Ka Timo."

"Naku tara na. Hale at ng makita natin. Por Diyos na bata 'yon. Palagi ko namang sinasabing mag ingat." Kasama siya sa napatakbo. Kinakabahan siya.

Kilala niya si Xandrei. Huling nagkasugat ito sa paa noon ay nawalan ito ng malay. Dahil takot si Xandrei sa dugo!







To be continued...

Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon