Eighth Chasing

24.7K 495 8
                                    

"Nababaliw ka na talagang babae ka!" Naiinis na sabi ni Messy habang hinihila niya ito papasok ng tracking field. Kalat ang dilim sa paligid pero maliwanag dahil sa mga naglalakihang ilaw na nakakalat sa paligid. May mga nagkalat ding manunuod.

"Kung kabaliwan ang tawag dito. I don't care. Basta malaman ko lang kung nandito nga ba siya." Aniya at hinila ito. Sumiksik sila sa mga nakatayong tao.

"Hindi ko alam kung bakit ko sinusuportahan ang kabaliwan mong ito." Nakataas kilay na sabi ni Messy.

"Kaibigan mo kasi ako."

"Precisely, You are my friend my best friend actually. Kaya nga naloloka ako na pati dito.. Napapasama ako sa pagiging stalker mo!"

Hindi nalang siya nagsalita. Ilang araw na ba niyang sinusundan si Xandrei? Mali pala, ilang araw na ba nilang sinusundan si Xandrei? Halos isang linggo na rin. Ayaw kasi sabihin ni JD sa kanya kung saan ito naglalaro dahil baka daw magsumbong siya sa parents nila kaya sinundan nalang nila si Xandrei mula sa School hanggang dito. Ang driver ni Messy ang naghatid sa kanila.

Nakapwesto na ang mga riders. Naglalakihan at naggagandahan ang motorsiklo ng mga ito. Agad na nakita ng mga mata niya ang pamilyar na big bike ni Xandrei. Nakatayo na ito doon at---nakapaling sa ibang direksyon. Sinundan niya iyon at natanaw niyang nakatingin ito sa isang babae. Natagilid ang babae pero kilala niya iyon. Si Loisa. Ang ganda niya sa suot nitong skinny leather skirt. Ang pang itaas nito ay puting sleeveless sando at nakatali sa baywang nito ang maong na jacket. Palihim niyang sinilip ang sarili. Kung ihahambing pala siya kay Loisa ay tila siya neneng kalalabas lang ng paaralan. Dahil na rin sa nakauniporme pa siya.

Nakaramdam siya ng insekyuridad. Paano nga ba siya mapapansin ni Xandrei kung hindi naman niya kaya ang mga ginagawa ni Loisa. Ang mga tipo ni Loisa ang gusto ng binata. Habang abala si Messy sa paglingon lingon sa paligid ay pasimple niyang hinubad ang necktie at nilagay iyon sa loob ng shoulder bag niya. Pagkatapos ay dalawang butones ng suot niyang puting blouse ang binuksan niya. Underneath is her white T-shirt bra. Hindi kalakihan ang dibdib niya pero tingin naman niya ay sapat na 'yon para makaakit siya ng binata. Lalong lalo na si Xandrei.

Muli niyang tinignan ang binata. Nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito. Saka lang niya nakita kung bakit. Si loisa na kanina pa nito tinitignan ay may kasamang iba. Nakatayo sa tabi ni Loisa ang isang matangkad na lalaki na may hawak na helmet. Nakita niyang inabutan ni Loisa ng bottled water ito. "Kiriyay din naman pala 'yang si Loisa eh. Kahihiwalay lang kay Xandrei may bago na agad." Narinig niyang komento ni messy saka lang din niya napansin na doon na din pala nakatutok ang mga mata nito.

"Hiwalay na sila?" Aniya habang nanatiling nagpapalipat lipat ang tingin niya kay Xandrei at Loisa.

"Ano kaba? Sikat sa School yang dalawa na 'yan at saka bali-balitang official na ang break up nila. Good for Loisa. Masyado kasi siyang maarte. Baka hindi natagalan ni Xandrei ang kaartehan niya." Pero hindi ganoon ang nakikita niya. Base sa mga reaksyon ni Xandrei alam niyang apektado ito.

Kaya naman ganoon na lamang ang pagkamangha niya ng walang ano ano'y malalaking hakbang na lumapit si Xandrei kay Loisa at sinuntok ang lalaking kasama nito.

"Xandrei!" Nabiglang bulaslas niya.

"Hoy! Mandie!" Hinabol siya ni Messy ng tumakbo siya papalapit kay Xandrei uoang ilayo ito sa lalaking gumaganti ng suntok dito. Habang ang mga tao naman sa paligid ay nagkakagulo din at tila mga walang balak awatin ang dalawa. Samantalang si Loisa namn ay hindi nalaman kung paano aawatin ang dalawa.

"Xandrei!" Hindi siya nito tinignan ng hawakan niya ito sa braso at pigilan sa akmang pag ganti. Pero masyadong mabilis na nakabangon ang lalaking kasuntukan nito. Mahigpit na hawak ng isang kamay niya ang isang braso ni Xandrei habang isinangga naman niya ang isa. Napapikit siya ng tumama doon ang kamao ng lalaki.

"Mandie!" Hiyaw ni Messy ng makita nitong napasadsad siya sa lupa. Nabitiwan niya ang braso ni Xandrei at patagilid siyang bumangsak.

Napaluha siya ng humampas ang braso niya sa malalaking Can Drum na siyang nakapalibot sa race track. Dumoble ang sakit lalo niyon. Dinaluhan agad siya ni Messy. Habang si Xandrei naman ay Patuloy na nakikipagbuno sa lalaki habang nagngangalit ang ngipin na nakatitig sa kanya.

"That's for hurting her!" Bago nito nilubayan ang tila wala nang malay na lalaki.






To be continued...

Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon