Twenty Third Chasing

19.4K 462 31
                                    

Are you #TeamAlec? 👆👆👆

---------

Twenty Third Chasing

"Tama ba? Tama ba?" Hinawakan ni Messy sa balikat si Mandie. Hindi pa rin kasi siya tumatahan. Kanina pa siya iyak ng iyak matapos niyang makausap si Tito Abel.

"Tama si L-Loisa.. " Pumiyok siya. Kinumpirma ni Tito Abel ang Kasunduan nito kay Xandrei.

Pinahid ni Messy ang luha niya. "Wala namang nabago hindi ba? Mahal ka naman ni Xandrei."

"Mahal nga ba? Ako nga ba talaga?" Naalala niya ang sinabi ni Loisa sa kanya.

"Bakit ka ba kasi naniniwala sa Loisa na 'yon? Bakit hindi mo tanungin si Xandrei kung mahal ka ba niya talaga. Sa nakikita ko sa mga mata niya. I know, he loves you. Maling panahon at dahilan nga lang nag umpisa pero mukhang mahal ka niya. Siguro naman sapat na ang dahilan na 'yon para kalimutan mo ang kasunduan nila ng ama niya. Wala naman nang magiging problema."

Binigyan pa niya ng pagkakataon ang sarili niya. She makes herself believe na baka mali at nag iilusyon lang si Loisa. Na baka totoong mahal nga siya ni Xandrei. "Puso mo ang pakinggan mo, besh. Wag ang sabi sabi ng ibang tao."

Tumango siya. Kailangan marinig niya mismo sa bibig ni Xandrei ang totoo. Kailangan malaman niya ng kung siya ba talaga. "Samahan mo ako."

"Saan tayo pupunta? Susugurin na ba natin ang Loisa na 'yon? Kakalbubin na ba natin?" Halata ang tinitimping galit ni Messy.

Umiling siya. "Gusto kong makausap si Xandrei. Gusto ko na siya mismo ang magsabi ng totoo sakin."

Ngumiti si Messy at niyakap siya. "Tama. kausapin mo nga siya. Siya lang ang makakapagbigay ng sagot sayo."

Sinamahan siya ni Messy patungo sa bahay ng mga Sandoval. Umaasa siya na doon niya aabutan si Xandrei matapos niya itong iwan noong nagpropose ito sa kanya. Pero tanging kasambahay lang ang inabutan nila doon. Ang sabi dalawang araw nang hindi umuuwi si Xandrei. Sinabi ng kasambahay na posibleng naroroon daw sa Condo ang binata. Si Messy ang nagsuhesyon sa kanya na lumuwas sila at sundan ito doon.

"Okay ka lang?" Untag ni Messy ng makababa sila ng Taxi. Tumango siya.

"Hintayin mo nalang ako dito. Ako nalang ang aakyat sa itaas." Bilin niya sa kaibigan.

"Sure ka? Pwede kitang samahan doon." Ngumiti lang siya.

"Hindi na. Kaya ko naman. At isa pa, magandang pagkakataon din ito para mag usap kami ng kami lang."

Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon