Twenty Fourth Chasing

18.5K 491 35
                                    

"Goodnight."

Humalik sa pisngi ni Mandie si Alec. "One week to go nalang misis ko." Ngumiti siya dito.

Ang bilis ng araw. Kailan lang ay aligaga silang dalawa sa pag peprepara para sa kasal nila pero ngayon halos isang linggo nalang. "Magiging legal na Mrs Montana kana."

Isinabit niya sa batok nito ang dalawang braso. Galing sila sa Bridal Shop para isukat ang gown niya. Ayaw sana niyang makita ni Alec 'yon dahil gusto niyang masorpresa ito sa araw ng kasal nila. Kaya lang hindi na nakapaghintay ito kaya nakita na rin siya. Pagkagaling doon ay dumeretso naman sila sa Wedding coordinator nila para ifinalized ang lahat. Ilang araw nalang ang hihintayin nila. "Umuwi kana at magpahinga." Malambing niyang sabi dito.

Yumakap pa lalo ito sa kanya. "Dito nalang kaya ako matulog? Tutal ikakasal naman na tayo." Nakahagikgik siya ng gumapang ang palad nito sa likuran niya.

Kasabay nilang nagdinner si Alec. Satin blouse ang suot niya kaya damang dama niya ang kamay nito sa likuran niya. Gunagawa iyon ng landas doon. Sinaway niya ito. "Ssshh.. Alec. Baka makita tayo ni Dad. Gusto mo bang hindi na tayo abutin sa araw ng kasal natin?" Biro niya dito. Nasa loob ng bahay ang mga magulang niya. Nagpapahinga na rin ang mga ito. Maselan kasi ang pagbubuntis ng mommy niya.

"Baby.. Sa Room mo nalang ako matutulog. Tinatamad na akong magdrive pauwi."ungot pa nito.

"Ay nako Alec! Yari ka kay Dad nito. Sige na umuwi kana. Tawagan mo ako bukas kung tuloy ang stag party niyo. Okay?"

She does not prepare any party for herself. Simpleng Dinner lang ang gagawin nila bukas ng mga kaibigan niya. No boys and No drinks. Just a plain simple dinner. Sina Alec naman at ang mga kaibigan nito ay may Party daw. "Basta behave ka bukas ha. Kapag nalaman kong nambabae ka.. Di kita sisiputin sa araw ng kasal natin." Biro niya ulit dito.

Tumingin ito sa kanya. Nangungusap ang mga mata. "Paano nga kaya kung hindi ka sumipot sa araw ng kasal natin? Mababaliw ako sigurado." Natigilan siya. Nakita niya ang pagdaloy ng matinding sakit sa mga mata nito.

Hinaplos niya ang mukha nito. "Plano na natin ito. Nang ayain mo akong magpakasal sayo ay buo na ang loob ko. Kaya darating ako."

Muli itong yumakap sa kanya. May kakaiba sa bawat yakap nito. Mga yakap na tila ba hindi na mauulit. Mga yakap na punong puno ng pananabik. "Gusto ko pa ng mahabang buhay na kasama ka.. So please don't leave me."

Hinaplos niya ang likod nito. "Hinding hindi ako mawawala sayo."

Sa huli ay nagdesisyon na din si Alec na umuwi. May mga aasikasuhin oa daw kasi ito. Sumakay ito sa sasakyan nito. "Drive safely." She waves her hands.

Kumaway pa si Alec sa kanya. Nang mawala sa paningin niya ang sasakyan nito ay tumalikod na siya pabalik sa loob ng bahay. Pero hindi pa siya tuluyang nakakapasok ng may humintong motorsiklo sa harapan niya.

Napaatras siya ng bumaba ang sakay niyon. "Xandrei!"

Namumula ang mga mata at ilong nito. Kinabakasan siya ng takot. Iba ang nakikita niya dito. "Halika itatakas na kita!" Nabigla siya ng hilahin siya nito. Ang bakal nitong kamay ay sumakop sa braso niya.

"Ano ba bitiwan mo ako!" Naamoy niya ang alak sa katawan nito. "Bitiwan mo ako sabi!"

"Sasama ka sakin. Akin ka Mandie! Akin!" Mariing sabi nito. Sunod sunod na tumulo ang luha nito. "Binigay ko naman lahat sayo diba?! Pinaramdam ko naman sayo na mahal kita pero bakit hinding hindi kita napaniwala? May kulang ba? May hindi pa ba sapat? Ginawa k9 naman lahat para maging sapat ako sayo. Para ako ang piliin mo! Pero bakit siya? Bakit siya? Siya na kailan mo lang nakilala! Siya na hindi mo naman nakasama ng matagal! Kababata mo ako Mandie! Ako ang kalaro mo noon. Ako ang kasama mo. Bakit hindi nalang ako?"

Binundol ng sakit ang dibdib niya. Ang mga lumuluha nitong mga mata ang labis na nagoakirot sa kanya. Pinawi niya ang luha. "Dahil niloko mo ko."

Tumitig ito sa mga mata niya. "Aaminin ko... Wala akong nararamdaman sayo noon. Hindi kita gusto noon.. But believe me, nang unti unti kitang nakilala at nakasama.. Saka ko lang narealized na mahal na pala kita."

Tumingala siya. Hindi siya dapat madala sa lahat ng sinasabi nito. May isang Alec siyang masasaktan. "A-Alam ko ang totoo.. You made me fool. Pinaniwala mo akong mahal mo 'ko para makuha mo ang gusto mo. I perfectly understand na inutusan ka ng ama mo para ligawan ako. Para mahulog ako sayo.. Pero alam mo ba kung ano ang mas hindi ko matanggap? Yung si Loisa pala ang mahal mo at hindi ako."

Pakiramdam niya ay may taling kumawala sa pagkakasakal sa kanya matapos niyang sabihin ang mga 'yon. Pakiramdam niya nakalaya siya. "What I need to do para maniwala kang mahal kita?" Bulong nito.

"Ang mawala ka sa buhay ko... Ang patahimikin mo ako." Tila binato siya ng yelo sa lamig ng bawat salitang minutawi niya.

Dumaan ang matinding sakit sa mga mata nito. "Gusto mo talaga akong mawala sayo."

"Ikakasal na 'ko at I-Ikakasal ka na rin."

Mapait itong ngumiti. "Oo nga pala ikakasal kana. Sayang ikakasal na rin sana ako kung mababawi lang kita sa kanya."

Hindi siya nakapagsalita. "Ikaw ang gusto kong pakasalan. Ikaw ang gusto kong maging asawa. Pero hindi ko naman pwedeng pakasalan ang sarili kong mag isa. You see? I need you. I need you in my life for me to get married. I need you. But you doesn't need me anymore. Siguro tama ka. Layuan na kita at tigilan ko na ang kakapanggap na kaya ko pang bawiin ka mula sa iba."

"X-Xandrei..." Gusto niya itong lumayo pero nasasktan naman siya. Nababaliw na nga talaga siya. At binabaliw siya nito.

"But I want to give you this before I leave." Akala niya ay may kukunin lang ito. Pero umawang ang labi niya when he pulled her and possessively wrapped his arms around her and kissed her lips. "I love you and Good bye."







To be continued...

-------

Napapakanta tuloy ako bigla,
Torn between two lovers 🎤🎤🎤

Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon