Seventh Chasing

24.7K 531 5
                                    

"What got into your head at nagtiis kang mag isa sa lugar na 'yon?"

Nakaawang lang ang labi ni Mandie habang nakikinig sa lintanya ni Xandrei sa kanya ng huminto ang motorsiklo nito sa tapat ng bahay nila. "A-Ah.. "

"Such a brat." Umismid ito. "Kung hindi marahil ako napadaan doon. Baka nasa bangketa kana bukas ng umaga at nababalutan na ng diyaryo."

She felt chill pagkatapos nitong sabihin 'yon. Totoong nakaramdam siya ng takot. Paano nga kung hindi ito dumating? "Salamat sa pagliligtas mo sakin. Kung hindi ka marahil dumating baka napahamak na ko. Salamat dahil tinulungan mo ako. Salamat dahil---."

"Sa susunod. Wag kang tatanga tanga. Magpasundo ka kung ayaw mong maulit ang nangyari sayo." Nadarama niya ang kaarogantehan sa tinig nito. Pero tila wala lang sa kanya kahit pa ba kulang nalang ay sabihin nitong ang bobo niya. Pero iba ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya nagagalit ito sa kanya dahil mahalaga siya. Dahil importante siya.

"Mag iingat na ko sa susunod." She said. While staring at him. Wala itong reaksyon at basta nalang kinabitvang helmet nito muling sumampa sa Motorbike nito. Pero bago pa nito muling masusian ang motor ay bumukas ang gate na bakal.

"Kuya Xandrei?" Nakita niya si JD na nakasungaw doon. Nakasuot ito ng itim na jacket at leather boots. His long grown hair was tied up. He really looks like a badass gangster sa outfit nito. Nasa highschool palang ito pero ilang beses nang naeexpelled. Their parents doesn't know how to tame their hard headed son. Mabait naman si JD pero tila lang talaga wala itong interes sa mahahalagang bagay. Tila wala itong balak makatapos ng pag aaral.

"JD." Bati ni Xandrei. Alam niya malapit talaga ang kambal niyang kapatid dito. Madalas ikwento ng mga magulang niya, noong nasa Florida siya na si xandrei ang palaging kasama ni JD at JV sa tuwing magbabasketball.

Mabilis na hinubad ni Xandrei ang helmet at bumaba ng bike nito. "Kamusta  kana?"

Ngumiti agad si JD. "Ayos na ayos kuya. Salamat nga pala sa pagrekomenda sakin sa Tiger Blade. Marami akong natutunan sa kanila."

Wala siyang naiintindihan sa pinaguusapan ng mga ito pero pamilyar siya sa Pangalang sinabi ni JD. "Tiger Blade? Diba yon yung Grupo ng mga drag racer? Sumali ka 'don?" May bahagyang inis sa tinig niya isama pa ang may panlalaki ng mga mata niya. "Alam ba ni Mommy at daddy yan? Kaya ba lagi ka nagcucutting class?" Mabilis siyang lumapit kay JD at hinawakan ang tenga nito.

"A-Aray! Aray ate." Daing nito ng pinguntin niya ang tenga nito. "Ang laki laki ko na pinipingot mo pa rin ako." Himutok nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Oo nga't malaki kana. Pero hindi ka pa rin tumitino! Kailan mo ba balak seryosohin ang pag aaral mo?" Aniya dito. Ganito siya manermon ng kapatid. Nawawala ang poise niya.

"He's big enough. Bakit hindi mo siya hayaan gawin ang bagay na gusto niya?" Napabaling ang tingin niya kay Xandrei ng magsalita ito.

Umawang ang labi niya para sagutin ito ng sumabat muli si JD. "At saka Idol ko si Kuya Xandrei kaya sinubukan ko ang sports na 'yon." Proud na proud na sabi ni JD. Kung makangiti ito ay parang hindi niya napingot kanina.

"R-Racer ka din?" Namamanghang tanong niya.

Tumango lang ito pero hindi sa kanya nakatingin. "Motocross."

Tinignan niya ang Big Bike nito. Kaya ba ang husay husay nito magpatakbo?

Napatitig lang siya kay Xandrei ng ngumiti ito kay JD at tinapik ito sa balikat. "Whatever you want. Just tell me. Susuportahan kita." He sounded like a proud and supportive kuya.

"Ayos!" Umakbay si JD dito. "Kuya. Ikaw na bahala d'yan kay ate ha. Tumatahimik lang naman 'yan kapag ikaw ang kaharap."

Naningkit ang mga mata niya dahil sa sinabi ni JD. Hahabulin na sana niya ito ng pumasok na ito sa loob ng bahay. Napanganga lang siya. Nawalan siya bigla ng eksena. "Hoy! JD matulog kana ha! Wag ka nang lalayas kung di puputulin ko yang paa mo!" Sigaw niya.

"Para kang palengkera. Ang lakas mong sumigaw. Para kang hindi babae. Hindi ko alam na ganyang klase ng babae pala ang gusto ng daddy ko na maging manugang."

And to that. She was left---stupefied.




To be continued...

Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon