Fourteenth Chasing

23.9K 481 11
                                    

"Ikaw na naman?"

Imikot ang mga mata ni Mandie at napabuga siya ng hangin ng makita niya si Xandrei na nakatayo mismo sa tabi ng locker niya. "Hi."

Nakangiti ito ng batiin siya. Hindi niya ito pinansin. Binuksan niya ang locker at inilagay ang libro doon. "Kapag hindi mo ako tinantanan sa kakasunod mo. Irereport na kita."

He leaned back then crosses his arms. "Sabi ni Ninong bantayan kita."

Tumaas ang kilay niya. "Ano ako? Bata? Malaki na ko Mr Sandoval. Kaya ko na ang sarili kaya pwede ba tigilan mo na ako."

Tinalikuran niya ito pero sinundan pa rin siya. Pagod na pagod na siya sa kakasunod nito. Kahit saan siya lumingon nakikita niya ito. Malaki ang UP pero bakit ang sikip sikip para sa kanilang dalawa?

Napabugtong hininga nalang siya ng mapansing hindi pa rin ito lumalayo sa kanya. Minsan nga, may kaklase niya ang nagtanong kung boyfriend ba daw niya ito. Palagi daw kasi niyang kasama o kaya naman ay nakabuntot sa kanya. "I'm sorry, Mandie."

Kusang huminto ang mga paa niya sa paglalakad. Paulit ulit itong humihingi ng sorry sa kanya. Minsan nga gusto na niyang bumigay. Dahil aaminin niya. Lalo lang lumalalim ang nararamdaman niya dito dahil sa ibibigay nitong atensyon sa kanya. "Kalimutan mo na 'yon. Ilang buwan na ang nakakalipas. Mag move on kana. Kasi ako nakamove na." Saka walang sabi sabing iniwan niya ito.

Hindi na siya nagtangkang lumingon para alamin kung nakasunod pa rin ito.

"Lodi na talaga kita Mandie. Ang haba ng buhok mo." Tukso ni Shane sa kanya ng sabay silang naglalakad papapunta sa Cafeteria. May binatilyo kasi na nag abot sa kanya ng bulaklak kanina. Nagulat pa siya pero mas lalo siyang nagulat ng malakas na basahin ni Shane kung kanino galing 'yon. "Juicecolored! kung ako ang bibigyan ni Xandrei ng bulaklak baka naglulupasay na ko ngayon."

Umikot lang ang mga mata niya. "Wag mong sakyan ang trip 'non. Nababaliw lang 'yon."

"You're unbelievable! Alam mo bang isang linggo palang siya dito pero nagkakandarapa na ang mga babae sa kanya? Ah! Sinasabi ko sayo. Kapag nagpabebe ka pa ng todo. Masusulot 'yan ng iba." Hindi siya nagkomento. Kamakailan ay opisyal nang myembro ng Varsity football team si Xandrei. At panay din ang ugong ng nga balita tungkol dito.

Tinanaw nila ang loob ng cafeteria. May mangilang ngilang estudyante doon. Humanap siya ng pwesto malayo sa karamihan. "Dito tayo."

Chasing Mandie (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon