Matapos kong maisara ang malaking backpack na dadalhin ko sa aking paglalakbay ay marahan ko nang dinampot ang aking phone sa ibabaw ng bedside table.
Mamayang madaling araw na ang aking pag-alis.Magdi-disguise ako para hindi ako makikilala ng mga tao na nakapaligid sa akin lalong-lalo na ang media!
Naging laman na din kasi ng newspaper at television ang aking mukha matapos ang pagtake-place ko sa katungkulan ni Klien sa larangan ng negosyo.
Babalik ako ngayon sa old self ko...na isang magaling na painter na nagta-trabaho sa blue company noon.
Babalik sa pagiging adventurer!
Nakahanda na din ang aking susuotin na talagang pinamili ko pa kanina.Dahil for heaven's sake!Halos magwawalong taon na simula nang baguhin ko ang style ng aking pananamit!
Sa tagal ng pagsasama namin ni giant ay nawala yung dating Emyrein na laging nakasuot ng kupasing maong at maluwang na t-shirt!at pagsusuot ng sumbrero!
Nakalimutan ko ang pagmo-motorbike!
Pero kahit ngayon lang...kahit alam kong labag sa kalooban ni giant itong gagawin ko...pikit-mata ko munang susuwayin ang kanyang kagustuhan.Ito lang ang tanging paraan para matakasan ko ang totoong mundo na ginagalawan ko ngayon.
Tinitigan ko muna ang screen ng aking phone bago ko di'nial ang number ni Mom.
"Mom,I'm leaving tomorrow...so,ikaw nalang muna ang bahala sa mga bata...maaasahan ko naman si Manang,at tsaka malaki na din si Missy..kaya na nyang alagaan ang kanyang mga kapatid maliban kay Princess Klienny...pero mas mapanatag ang aking kalooban kung dalaw-dalawin mo sila habang wala ako."panimula ko.
'Magkaroon ka na naman ba ng business trip?'kaagad na tanong ni Mom mula sa kabilang linya.
"Opo Mom!"
I'm sorry i lied!but i promise you..sa pagbabalik ko ay bitbit ko na ang Daddy ng mga anak ko.
Gaano ba ako kasigurado na talagang si giant yung nakita ko sa tabloid?
Dahil nasisiguro ko na walang katulad ang wedding ring namin ni giant!
Maliban sa napaka-expensive nito..ay hindi namin ito binili sa kung saang famous boutique lang!
Pinagawa namin ito ni giant..at galing sa amin ang desinyo...desinyo na kakaibang-kakaiba sa lahat!
Kung huhubarin mo ang singsing na ito at pakatitigang mabuti?parang isa itong kasaysayan..
Para syang simbolo ng isang lugar na kailangang ipanatili ang kapayapaan.
Kaya..susubukan ko pa din kahit gaano man kalayo ang lugar na pupuntahan ko bukas.Dahil kapag pinalampas ko ang pagkakataong ito?siguro ikakamatay ko na..oh di kaya baka tuluyan na akong mabaliw!
'Okay sige..mag-ingat ka anak!'
"Thank you Mom!at ikaw na din ang bahalang magsabi kina Dad at Kuya Raisynzee!"
Yeah!wala akong balak magpaalam sa dalawang iyon dahil baka sila na naman ang magiging balakid sa aking pag-alis!kahit si Gio ay wala ding alam.
Tanging si Carlo at Annie lamang ang may alam na aalis ako pero hindi ko rin sinabi sa kanila kung saan ang destination ko.
"Kung may problema sa company at hindi mo ako ma-contact!just send me a message!if minor problem lang naman pwede mo iyan i-discuss kay Mr Arellado!hwag kayong gagawa ng disisyon habang wala ako..maliwanag?"
"Yes Ma'am!no worries!"
Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Annie kaninang umaga.
Matapos kong makausap si Mom ay inayos ko na sa loob ng bag ang aking cell phone kasama ng charger nito.
Nagdala din kasi ako ng extra phone at extra battery..dahil sa nakalap kong information ay hindi nakakasagap ng signal ang liblib na lugar na kung saan doon talaga ang aking destination.
Kailangan dumayo muna sa bayan na tanging kabayo ang syang transportation papunta roon.
Sa madaling salita..walang kuryente..walang signal at walang pinag-aralan ang mga taong nakatira doon.
Hindi ko rin kinaligtaang dalhin ang aking pistol para gawing panangga sa aking sarili kung malagay ako sa kapahamakan.
Nagdala din ako ng sketchbook at maliit na canvas na kakasya sa dala kong bag at lahat ng gamit na magagamit ko sa pagpipinta.
Dahil isa lang ang gawin kong misyon ngayon...sa pag-alis kong ito ay iisipin ko na naghahanap ako ng magandang lugar para gawing motif sa aking lilikhaing painting.
Whatever happened...ay nakahanda na sa aking utak ang pwede kong idadahilan sa mga taong makakasalubong ko sa aking paglalakbay..kung sakali man na may magkamaling magtanong sa akin.
*
*
*
Hinalikan ko isa-isa ang mga anak ko habang mahimbing parin silang natutulog.Madaling araw na at kailangan ko ng umalis.
Si Carlo ang maghahatid sa akin sa pier na kung saan doon ako sasakay ng barko papunta sa lugar na aking destinasyon.
"Dobleng pagbabantay ang gawin nyo sa mansyon,Carlo...hwag hayaang umalis ng bahay na walang nakabuntot na gwardya ang mga bata...balitaan mo ako kung anuman ang nangyayaring kakaiba sa paligid.."
"Makakaasa po kayo Ma'am Emyrein..at maligayang paglalakbay!"
Yumukod ito matapos nyang sabihin iyon.Huminga muna ako ng malalim bago inilagay sa aking likod ang backpack na kinalalagyan ng aking mga gamit.
Good luck Rein!ngayon na magsisimula ang iyong mission!Kausap ko sa aking sarili.
Just wait a little giant...I'll be there to fetch you my beloved husband!
*
*
*
Mahabang paglalakbay ang aking naranasan.Umabot ng dalawang araw sa laot ang barkong kinalululanan ko bago dumaong.
Nakarating naman ako sa terminal ng bus sa tulong na din ng aking pagtatanong sa mga taong nasa residense ng naturang lugar.
Kagaya ng nalaman ko sa internet ay kinakailangan ko ding sumakay ng kabayo.
Unlike noong nasa loob ako ng barko at bus ay marami naman akong nakakasamang tao pero ngayong pababa na ako mula sa bus ay nababalutan na ng katahimikan ang paligid.
Ang sabi nung matandang babae na napagtanungan ko kanina..sundan ko nalang daw ang makipot na daan para makita ko kung saang banda nakahilera ang mga kabayo na pwedeng maghatid sa akin sa liblib na lugar na nangangalang Bundok Supo.
Pinaalalahanan pa nya ako na mag-iingat ng husto dahil mga taong katutubo ang nakatira sa Bundok Supo.Sinabi din nya sa akin na mapanganib daw ang mga taong nakatira roon.
Tinanong pa nga nya kung bakit sa lahat daw na pwede kong puntahan bakit sa mapanganib na lugar pa ako gustong pumunta.
Ano na naman ang magagawa ko..kung sa mapanganib na lugar na iyon na-stuck ang pinakamamahal kong asawa?
Hindi man ako sigurado pero wala naman siguro mawawala sa akin kapag sinubukan ko diba?
Kaysa nakaupo lang ako at walang ginawa para hanapin si giant.Basta malakas ang pakiramdam ko na sa Bundok Supo ko matatagpuan ang pinakamamahal kong asawa.
☆☆☆
BINABASA MO ANG
When the Coldhearted Beast awaken (When he Was gone)
ChickLitREIN-KLIEN STORY SEASON 2. Para hindi malito..basahin muna yung 'When the Coldhearted Beast awaken'. Caution:heartbreaking! Kung ayaw nyong umiyak hwag nyo nalang pong basahin.. 《Sa lahat ng saya ay may lungkot..sa lahat ng ngiti ay may luha..ganoo...