Chapter 15

7.6K 216 0
                                    

Rein's POV

"Madaya ka Daddy!ang bilis mong lumangoy!!!"

I recognize the voice of my eldest son,Klyde Stanley..kaya wala sa sariling lumingon ako sa pinanggalingan ng ingay.

There!i saw my husband with our three boys...nakaguhit sa kanilang mukha ang walang humpay na kasiyahan habang nag-uunahan sa paglangoy sa loob ng aming swimming pool.

If I'm not mistaken..nasa mansyon kami.Sumilay ang ngiti sa aking labi nang matanaw ko rin si Princess Klienny habang nakaupo sa high chair at aliw na aliw din habang nakatitig sa kanyang Daddy at big brothers sa loob ng swimming pool.Bale,sya ang nagsisilbing audience ng mga ito.

Bigla akong nataranta nang bumaling sa akin ang paningin ni giant.

"Sweetheart,join us!!"

Sabay gesture ng kamay nito para palapitin ako.Tumango lang ako sa kanya bago ngumiti.

Pero nagtataka ako dahil hindi ko maihakbang ang aking mga paa papalapit sa kanila.

What happened?

Pinilit kong igalaw ang aking paa and so i did!

Nakaramdam ako ng panunuyo sa aking lalamunan.I think..i need water!

Pinilit kong igalaw ang aking buong katawan.At napangiwi nalang ako nang maramdaman ko ang pananakit ng aking katawan.

Nasaan ba ako?at bakit masakit ang aking katawan?

Pinilit kong iminulat ang aking mga mata at namalayan ko nalang ang aking sarili na nakahiga sa matigas na lapag.

So,I'm just dreaming...

"Salamat sa Diyos at nagising ka na...labis kaming nag-aalala sa'yo dahil tatlong araw ka nang natutulog..."

Napakurap-kurap ako pero talagang maaliwalas na mukha ni Amica itong nasisilayan ko..ang akala ko ay namamalik-mata lang ako,pero hindi!

Nagtataka ako kung bakit biglang naglaho ang galit ni Amica sa akin..the last time i check?she never smiled at me!but look at her now..malaki ang kanyang pinagbago!

The other side of her...isang maaruga at maalalahaning Amica ang nasa harapan ko ngayon.

"Bakit mo ginagawa ito?hindi ba dapat ay hinayaan mo nalang akong mamatay?kung alam mo naman na ako ang magiging kaagaw mo sa Pinuno?"

Marahan nyang hinawakan ang aking kamay at masuyo nyang pinisil iyon.

"Ang pagmamahal ay hindi maaaring ipagdamot.Kailangan mong isipin kung ano ang kanyang ikaliligaya.Kung ikaw ang kanyang kaligayahan...igagalang ko ang kanyang pasya.Mahal ko ang Pinuno kaya nasa sa kanya parin ang huling disisyon kung sino sa ating dalawa ang kanyang pipiliin.Ayokong pilitin ang Pinuno dahil ayokong masasakal sya."

Napalunok ako at parang hindi parin makapaniwala buhat sa naririnig.

"Bumangon ka na,tatawagin ko si Vienna para ipaghain ka ng iyong pagkain.Kailangan mong magpalakas para mabilis ang iyong paggaling at-"

Malamlam nya akong tinitigan sa aking mga mata.

"Salamat..dahil naisalba mo ang buhay ng Pinuno.Kung hindi mo naiharang ang iyong katawan at sa dibdib ng Pinuno tumama ang palaso...marahil ay nasa panganib ang kanyang buhay ngayon.Mahirap gamutin ang sugat ng palaso kapag sa dibdib tumama,maaaring ikakamatay nya ito...at dahil sa ginawa mo...pinagsisihan ko ang mga kamaliang ginawa ko sa'yo nitong mga nagdaang araw.Paumanhin..hindi ko nakikita ang kagandahan ng iyong kalooban."

Napaawang nalang ang aking bibig pero ni isang salita ay wala man lang lumabas mula doon.

Tumatagos sa aking puso ang mga kataga ni Amica.Ngayon ko lang din na-realize kung gaano kabait ang babaeng ito.I wonder kung bakit nakukuha nya ang atensyon ni giant.

When the Coldhearted Beast awaken  (When he Was gone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon