Chapter 23

8.6K 246 2
                                    

Kaagad kong natanaw si Missy na nakaupo malapit sa may entrance ng amusement park nang pumarada ang sasakyan na kinalululanan ko.

Nagpahatid ako dito with a bunch of bodyguards of course!dahil pagkatapos kong makausap si Kuya Raisynzee kanina ay kaagad ko namang kinontak si Missy.

Sya ang may kagagawan ng lahat ng ito at nadadamay na naman ako.Kapag nalaman talaga ng Daddy nya ang plano namin ni Missy..ewan ko lang!

"Momtie!"

Nakangiti nya akong sinugod nang mapansin nya ang pagbaba ko mula sa sasakyan.

"Nasaan na ang Tita Minna mo?"

You heard it right!

Si Minna na kaibigan ko galing sa Blue Company ang syang tinutukoy ko.

Well,hindi ko inaasahan na ma-in love at first sight ang aking kaibigan kay Kuya Raisynzee after their first met on my wedding day!

"Girl,sino yung guapong lalaki na kasama ni Missy at parents mo?"

Naalala kong tanong nya sa akin nang pasukin nya ako sa bridal room habang hinihintay ang pag-start ng ceremony.

"Ah,baka si Kuya Raisynzee yang nakita mo..why?"

"Kuya?as in brother mo?"Halos hindi sya makapaniwala sa narinig.

"Yup!"

"Oh my god!as in?bakit hindi mo man lang naikwento sa akin na mayroon ka palang gorgeous brother?"

Napangiti nalang ako sa kanyang tinuran.

"Why?do you like him?"

"Naghaharumintado ang puso ko girl! "

"May anak na yun..matatanggap mo parin ba ang katotohanang iyon?"

"What!?"

"Minna,sya ang Daddy ni Missy..and Missy's Mom were my best friend..but she's gone now..."

Doon nagsimula ang lahat.Wala akong kaalam-alam na habang lumilipas ang mga taon ay lalo palang sumisidhi ang nararamdaman ni Minna para kay Kuya.

But knowing Kuya Raisynzee?

Wala nalang ginawa ang isang iyon kung hindi ang magpaka-busy sa trabaho.Masaya na sya na umiikot lamang kay Missy ang kanyang buhay.

Kahit hindi naman nya sasabihin..alam na alam ko ay mahal na mahal parin ni Kuya ang Mommy ni Missy.

Pero one day-

"Daddy,kailangan mo nang maghanap ng girlfriend!look,ayoko naman na mauunahan pa kita.."

I wonder kung nagkakaroon na nga ng crushes itong si Missy..or,maybe...sinabi lang nya iyon dahil gusto nyang hikayatin ang kanyang Daddy na mapansin si Minna.

Well,gustong-gusto ni Missy ang Tita Minna nya since nakasanayan na nya ito when she was young.

Si Minna kasi ang pinakamalapit na kaibigan ko kaya hindi maiwasan na magkikita sila ni Missy noon.

At kilala na din sya ni Mom at Dad..sa tingin ko magaan din ang kalooban ng parents ko kay Minna.

Who wouldn't?hindi lang mabait,maganda at sexy si Minna..nanggaling din sya sa maayos na pamilya.

Ang problema nga lang itong torpe kong Kuya!

"Momtie..you can't believe this!alam mo bang halos hindi na marunong kumurap si Daddy kanina nang titigan nya si Tita Minna?pakiramdam ko ay napansin na nya ang beauty ni Tita Minna...sa wakas,magkakaroon na talaga ng love life nya si Daddy!"Nagniningning pa ang mga mata ni Missy habang nagku-kwento.

When the Coldhearted Beast awaken  (When he Was gone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon